Chapter 6

21.4K 728 160
                                    

彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ

●~* Questions ●~*

[BAMBI]

Pagka-ring ng bell para sa lunch, ako ang kauna-unahang lumabas ng room. 

Hindi ko na kaya dito sa loob. Parang hindi ako makahinga. Nagsimula 'to nung nakita ko ang mga mata ni Daehyun.

Nung nagtama ang mga mata namin, parang nakalimutan kong huminga. Alam kong kahit ang lamig nung mga matang tumingin sakin pabalik, nalunod pa rin ako.

Haaaaaay.

Alam kong hinihintay ako nila Kuya sa cafeteria pero naisipan ko munang dumiretso sa rooftop.

Tagal ko na ring hindi nakakapunta dito. Tambayan namin ito eh :((

Sinalubong ako ng hangin pagkabukas ko ng pinto ng rooftop. Dumiretso ako sa railing at tiningnan ang view sa baba.

Nakita ko ang garden at ang isang taong nakatalikod sa akin na nakayukong naglalakad habang may sinisipang maliit na bato.

Si Yongguk.

Huminga siya ng malalim at tumingin sa kawalan. Para siyang may iniisip na parang naguguluhan.

Huminga ako ng malalim, “Yong...” napatigil ako bigla.

Kung tatawagin ko ba siya, titingin siya? Sigurado naman akong hindi niya ako kilala. I guess I'll spare myself from getting hurt this time.

Ipinatong ko ang siko ko sa bakal at humalumbabang tumingin kay Yongguk. Haaaaay. Nakaka-miss ang war freak na 'to.

Humarap na siya at nagsimulang maglakad pabalik sa building nang bigla siyang tumingala at tumingin sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko at ganon din ang nangyari sa kanya. Nag-blink siya nang ilang beses bago kumunot ang noo at umiling na para bang may inaalis sa utak niya, at dumiretso na siya sa building habang nakatingin sa lupa.

Nag-stay pa ako nang ilang minuto nang biglang nagbukas ang pinto at nakita ko si.. Zelo.

Nakain siya ng lollipop habang natingin sa paligid at sa langit, walang kaalam-alam sa presensya ko.

Napangiti ako. Nakakatuwa lang tingnan ang kanyang manghang ekspresyon habang may nakasubong lollipop. He's still a kid :')

Nang nag-land ang tingin niya sa akin, napanganga siya ng konti habang nakakunot ang noo na para bang nagtataka, “Uhh...” tumingin siya sa ibang direksyon habang kinakamot ang ulo niya at nailing na para bang may iniisip.

Remembering Bambi (Babysitting 6 Aliens #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon