Chapter 12

19.2K 626 107
                                    

Dedicated sa gumawa ng poster sa gilid. Hihi thank you! :*

彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ

[BAMBI]

Humigpit ang pagkakayap ko kay Yongguk at hindi ko na napigilan ang paghikbi.

Nandito na ako, Bambi. Bumalik na ako.”

Ang mga simpleng salita na iyon ang sobrang nagpa-saya sa akin. Nandito na si Yongguk. Naaalala na niya ako.

Kumawala na ako sa yakap niya at tiningnan siya. Malambot na ulit ang expression niya. Na-miss ko siya :(((

“Paano?” walang-malay kong tanong. Nakita ko naman na naguluhan siya sa tanong ko, kaya nilinaw ko ito.

“Paano mo ko naalala? P-paano nyo ako nakalimutan?”

Yumuko siya at alam kong nagdadalawang isip siya kung sasabihin ba niya ito sa akin.

Mukhang alam niya ang mga nangyayari.

"Pasensya na, Bambi. Mas mabuti kung ikaw na lang mismo ang makaalam."

Pagkauwi ko sa bahay, walang tao. Lalabas na sana ulit ako kasi baka nag-g-grocery lang sila at kung anu-ano na naman ang bilhin, pero may nahagip ang aking paningin sa table ng living room.

Isang susi.

Ang susi sa basement.

<__<

>___>

Waaaah! Sana kakaalis lang nila Kuya para hindi mabitin yung oras ko dun sa basement.

Pagkakuha ko ng susi, dumiretso na ako sa likod ng bahay papunta sa basement.

Huminto ako sa pintuan at huminga ng malalim. This is it.

Tinurn ko na ang knob, pumasok sa loob, at in-on ang ilaw. Agad na pumunta ang tingin ko sa family photo namin.

Tinilt ko ito at muli, nakita ko notebook at ang metal na singsing. Una kong kinuha ang singsing at tiningnan ito.


Wala namang kakaiba. Isa lang siyang makapal na metal na singsing na may maliit na diyamante sa gitna. 

Napatingin ako sa litrato namin at nakita ko na ito pala ang suot-suot na singsing ni Papa.

At dahil mukhang importante ito, ibinalik ko na ito sa loob. Ibinaling ko na ang atensyon ko sa notebook. 

Kinuha ko ito at nang makita ko na siya ng mabuti, nalaman kong isa pala itong diary. Kumunot ang noo ko dahil may lock ito.

Remembering Bambi (Babysitting 6 Aliens #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon