Chapter 4

23.1K 774 154
                                    

彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ

●~* Flame  ●~* 

[3RD]

“Sino ka?” muling tanong ni Zelo na halatang hindi napapansin ang pagpipigil sa kanya ni Youngjae sa pamamagitan ng paghihigit sa kanyang kamay.

Humikbi ulit si Bambi at pinunasan ang mga luhang napatak sa mga mata niya.

Pero wala eh. Masyadong madami ang luha niya.

Masyadong masakit ang nararamdaman niya.

“H-hindi.. nyo ako.. kilala?” pagpipilit na tanong ni Bambi in between sobs.

Tiningnan niya ang anim isa-isa hanggang sa tumigil ang mga mata niya kay Daehyun.

Bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung dahil sa sobrang saya o sa sobrang.. takot.

Takot sa malamig na tingin sa kanya ni Daehyun ngayon.

Takot na tanggapin ang katotohanang hindi na siya kilala ng anim na aliens.

Magsasalita na sana ulit si Zelo nang biglang may humawak sa balikat niya.

“Tama na.” matigas na sabi ni Yongguk at tumingin kay Bambi, “Jongup..”

With that, nawala ang anim sa isang makapal na usok.

Pero hindi makakalimutan ni Bambi ang tingin sa kanya ni Yongguk.

It was full of frustration, anger, guilt, hate, and... knowing.

Hindi alam ni Bambi kung paano siya nakadating sa bahay nila habang patuloy ang pagtulo ng luha niya, pero namalayan na lang niyang agad siyang yumakap sa kuya niya nang itanong nito kung ano ang nangyari.

Because right now, that is what she needs most. A hug.

“Shh..” bulong ni Flame habang hinahaplos ang ulo ni Bambi.

Hinigpitan ni Flame ang kanyang yakap sa kapatid dahil kahit siya, parang nanghihina na. Nanghihina siyang makitang ganito ang kapatid niya. At isabay mo pa dito ang galit na nararamdaman niya sa mga nilalang na gumawa ng lahat ng ito sa kanyang kapatid.

Remembering Bambi (Babysitting 6 Aliens #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon