Chapter 7

21.3K 705 106
                                    

Guyth, baka some time in June na kami magka-connection. Heuheu, tiwala lang, malapit na din yun. Aja, aja hwaiting! *Q*/

彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ

~* A Dream? ~*

[BAMBI]

No! Wag niyong kunin ang anak ko! Ako na lang! Ako na lang!”

M-mama?

Tumingin ako sa paligid ko..

Teka.. nasan ako?

Wala na kayong magagawa...”

Tumingin ako sa nangyayari sa harapan ko.

Isang lalaki na nakaitim na hawak-hawak ang isang batang nagpupumiglas. Bakit parang pamilyar sa akin yung mukha ng lalaki? Bakit parang may kamukha siya?

Tiningnan ko ng mabuti ang bata. Nang makita ko ng ayos ang mukha niya, parang tumigil sa pagtibok ang puso ko.

A-ako yung bata.

Tumingin ako sa kausap niya..

Si mama at si papa?!

Teka, nanaginip ba ako? Pero bakit parang totoo itong mga nakikita ko?

...Ito ang pinagkasunduan ni Queen at ng nanay mo.”

Nanay ni mama?

Si Grandmy?! Ano naman ang kinalaman niya dito?

Wala akong pakialam sa kasunduan na 'yan! Ibalik mo ang anak ko! Ako na lang!!”

Pasensya na.” yumuko ang lalaki at kita sa mga mata niya ang awa. Awa sa mga magulang ko. “Alam niyo kung gaano kahalaga ang isang kasunduan. Hindi na ito maaaring bawiin pa.”

Kasunduan? Anong kasunduan iyon?

“Bambi! Bambi!!”

Unti-unti nang nawawala ang mga imahe. Hindi pa!! Ayoko munang magising!

Remembering Bambi (Babysitting 6 Aliens #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon