Chapter 20

12.9K 457 35
                                    

Shameless plugging: Two one-shots: Secret Files & Terrible Things. Read if you want/if you have the time. Yun lang! :)

彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ

●~* Queen ●~*

[BAMBI]

"Ayos, Bambi!! Handa ka na!!!!" sigaw ni Rock sa di kalayuan. Dinatnan ako ng sobrang pagod at unti-unti nang nagdidilim ang paningin ko. Matutumba na sana ako nang bigla akong inalalayan ni Kuya.

"You're ready, Bambi. Good job." bulong ni Kuya sa akin at napangiti ako ng matamlay.

Two weeks. Two weeks kong itinuon ang buong atensyon ko sa paggamit at pagco-control ng kakayahan ko. Napagalaw ko ang mga puno, na-control ko ang hangin at tubig, napasayaw ko ang apoy, biniak ko ang isang bato mula sa aking suntok, at nakapag-palabas ako ng liwanag at dilim.

Kahit nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas, kilala ko na ang sarili ko, nandito pa din ang pangangamba dahil alam kong ang lahat ng ginagawa naming ito ay dahil sa nanganganib ang posisyon ko.

Naglalakad na kami pabalik sa bahay nang bigla kaming huminto dahil nakita namin si Grandmy sa di kalayuan na tumatakbo papalapit sa amin at kita sa ekspresyon ng mukha niya ang takot.

"Grandmy," paninimula ni Kuya pero agad din siyang pinutol ni Grandmy.

"I need to talk to Bambi." sagot ni Grandmy pero sa akin lang siya nakatingin. Kumunot ang noo ni Kuya.

"But-"

"Flame. Please." tiningnan na siya ni Bambi at rinig sa boses niya ang pagka-pagod. Bumuntong-hininga si Kuya at tumango. "Sa bahay na muna kayo mag-usap, maglalakad-lakad na lang kami." sabi niya at naglakad na silang pito papunta sa ibang direksyon.

Agad akong tiningnan ni Grandmy, "I need to tell you something."

Tumaas ang pareho kong kilay at oo, nakaramdam ako ng takot, pero hindi kasingtindi nung umpisa.

Matamlay akong ngumiti kay Grandmy, "What's new?"



Nandito kami ngayon sa kitchen table at pinagmamasdan ko lang si Grandmy na umiinom ng kape at paulit-ulit ang pagbuntong-hininga, halatang pinapa-kalma ang sarili.

"...Grandmy?"

Isang malalim na buntong-hininga bago siya nagsalita, "May mga bagay pa akong hindi nasasabi sa'yo -- importanteng mga bagay.."

"Pero tama lang na hindi ko sabihin ang mga 'yon sayo dahil mas mabuti kung ikaw na ang makakaalam." tumingin siya sa akin. "May isa ka pang makikilala."

Kumunot ang noo ko, "Makikilala? Makikilalang ano?"

Pero sa halip na sagutin ni Grandmy ang tanong ko, umiling lang siya at pinagpatuloy ang sinasabi niya, "At iyon ang kinakatakot ko. Alam kong mabait ka, Princess. At baka kapag nakilala mo kung sino at kung ano siya, manlambot ang puso mo. And there's a big possibility that you'll do just that."

Lalo lang lumalim ang pagkunot ng noo ko. Bumuntong-hininga ako at sumandal sa upuan - hindi ko na tinanong pa kung ano ang ibig sabihin ni Grandmy. Tutal, hindi naman niya sasabihin diba? Hihintayin ko na lang ang araw na mae-encounter ko ang sinasabi niya.

Ganito na naman simula pa dati eh.

Lumipas ang ilang minuto ng katahimikan at nang kumbinsido na ako na wala nang ibang sasabihin si Grandmy, tumayo na ako at matamlay na ngumiti sa kanya, "Pupunta na muna ako sa kwarto ko, Grandmy. Napagod ako sa training kanina eh."

Remembering Bambi (Babysitting 6 Aliens #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon