Kabanata 32

7.4K 196 38
                                    

Trust

Nagising ako na nasa mga bisig pa rin ni Tobias. Yakap niya pa rin ako ng mahigpit kaya lang ay wala na kami sa bandang teresa ng aming hotel room. Nararamdaman ko na ang lambot ng kumot na humahaplos sa aking paa, pati na rin ang lambot ng kamang aming hinihigaan.

Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata para lamang mabungaran ang kulay tsokolateng mga mata niya. Nakatuon ang mga ito sa akin na tila ba kanina pa ako inoobserbahan. Nakatulugan ko ang kakaibang liksi ng aking puso para lamang gisingin ako sa parehong senaryong ito.

The muscles on his face is more define in the morning. With his messy hair and sleepy eyes, I can stare at him all day long. Ang kanyang panga at ang kanyang ilong ang laging nagbibigay sa kanya ng matigas na anyo na binawi naman ng maamong kulay ng kanyang mata. His lips suddenly curved for a smile. Naaaliw sa disoriented kong paninitig sa kanya.

"Good morning.." Paos na bati ni Tobias bago ako masuyong hinalikan sa aking pisngi. His tiny stubbles made their way to agitate my insides. "I'm sorry..nakalimutan kong dumistansya kagabi. I can't afford to stare at you sleeping five feet apart from me." Bulong niya pa sa akin. Binubuhay ang dugo ko sa dalang kilabot ng kanyang mga salita.

Tiningnan ko ang bandang kanan ko kung saan dapat siyang nakahiga sa kanyang kama ngayon. Wala man lang itong bakas ng kahit anong gusot na nagpapakitang doon siya nakatulog kagabi.

"Don't you think the other bed is useless?" Bigla usal ko ng tanong at saka humikab. Hindi na iniisip ko anong klaseng kagagahan ang nakaagapay sa tanong na ibinato ko. Gusto kong idahilan na nasisikipan ako sa pwesto namin ngayon kahit na nagugustuhan ko naman sa loob-loob ko.

Natawa siya sa naging tanong ko. Umangat siya ng kaunti nang sa gayon ay maiayos ko ang pagkakalagay ng aking ulo sa kanyang braso. Nag-init naman ang aking pisngi.

"It's for reservation, kid. You're hard headed when it comes to what I say, kaya kung sakaling gising ka talaga buong gabi, hindi rin talaga ako pwedeng tumabi.. siguro ay pipirmi ako diyan sa kamang yan." Natatawa niya pa ring sagot. "Mas mabuti talagang nakatulog ka dahil kung hindi, tiyak na puyat tayong dalawa.." Bulong-bulong niya na narinig ko pa din naman.

Hindi ko napigilan ang pagkurot sa kanya bago ako dali-daling bumangon nang natatawa na rin naman. Isang tayo lang rin niya ay nakabig niya na ako agad gamit ang aking bewang. He caught me off guard that caused me to fall on his lap.

Damn, his lap is always been my place..

Nalingunan ko siyang matiim na ang titig sa akin habang patuloy ako sa aking mahinang paghalakhak.

"Is everything clear now, Yndra? Are we okay again, kid?" Seryoso niyang tanong bigla. Wala na ang batitono niyang halakhak.

Ang halakhak ko ay unti-unting napawi sa mga tanong niyang iyon. Tiningnan ko siya ng mas malalim at doon ko napagtantong sa pagitan naming dalawa, gusto niya ng kasiguraduhan sa aking nadarama. He wants me to open up, natatakot siyang hindi ko pa rin naiintindihan ang lahat at ako naman ang mang-iwan.

Nang hindi ako sumagot sa mga tanong niya ay nagdagdag siya ng mga pahayag.

"Are the issues already settled, Yndra? O gusto mo pa ng karagdagan kong eksplenasyon..sabihin mo sa akin nang hindi ako mangamba kapag humahalakhak ka ng ganyan pagkatapos ay luluha ka naman pala." Nakayuko niyang saad.

"Damn, I'm sorry for the fast switching of mood. I just can't read you now, kid.." Mapait niya pang wika. Nanghihina para lamang sa akin.

Nagbuntong-hininga ako at saka siya tiningnan ng maigi.

Here we are, falling into our past while we enjoy our present. We laugh for today, while the issue of yesterday continue to grow teeth just to eat what our future together. We are dying, yet we breath with each other.

Drought Affection (Pueblo Dulce #1)Where stories live. Discover now