Kabanata 27

7.7K 237 98
                                    

Broken

Ako:
Are you okay, Andrija?

Sumulyap ako sa highway bago ko dinelete ang nabuo kong mensahe sa aking cellphone. Dapat ay itetext ko ang buong banda para ipaalam na umalis na ako sa Davao, but I ended up typing this message to Andrija eventhough I clearly know that the message is just for myself.

Okay lang ba ako? Ano ba ang pumasok sa isip ko at pumayag akong sumama sa kanya ngayon?

Habang nararamdaman ko ang presensya niya sa gilid ko ay naaalala ko ang lumuluha niyang mga mata nang bumitaw siya sa ginawa niyang paghalik sa akin kanina. His kiss is like an arrow, tumutusok at humihiwa sa buo mong pagkatao. Hindi niya man lang ito pinunasan dahil mas inuna niya akong hinawakan na parang mababasag kahit na kitang-kita ko sa kanyang mga mata na siya ang basag na basag. I can't see through him because he let me view it that way. I'm thirsty for closure and I am so scared to melt with his explanation.

Kung iisipin kong mabuti ay dapat na wala nang kwenta ang magiging explanation niya sapagkat alam ko namang wala nang magbabago pa. He's committed to other woman and he already have his daughter, but for the last time I want to hear his side. I want to feel what made him looked so broken.

Iniliko ni Tobias ang Ford sa harap ng isang sikat na fast food chain. Agad ang pag-order niya sa drive thru nito. Tahimik ko na lamang tinanggap ang mga pagkaing ibinigay niya sa akin matapos mareceive ang lahat ng orders, halos lahat ay para sa akin.

"Eat then sleep. Gigisingin na lang kita pag nasa Pueblo na tayo." Mahina niyang sinabi. Kinakabig niya ang manibela paliko, hindi umaayon ang kotse sa dapat ay daanan papuntang Pueblo.

"M-may iba ka pa bang pupuntahan? Hindi ito ang daan pauwi ng Pueblo.."

Umiling siya. Hindi nagsalita tungkol sa huling naging pahayag ko. Malakas akong nagbuntong-hininga.

"Tobias.." Gusto kong sigawan siya dahil hindi ko maintindihan ang mga pangyayari at lalo niya pa itong pinagugulo sa hindi niya pagsasalita sa simpleng mga tanong ko.

"Maraming daan pauwi. Iuuwi kita, Yndra." He firmly stated. Nakapukos pa rin ang mga mata sa hindi pamilyar na daan.

Hindi na ako nagsalita pa. Pagkatapos kong maubos ang isang fries at coke ay natulog na lang ako. Masyadong nawili ang mga mata ko sa city lights hanggang sa unti-unti ay hindi ko alam na napapapikit na pala ako at nakatulog.

Nagising ako sa isang kwarto. Nang tiningnan ko ang digital clock na nasa lamesang nasa gilid ng kamang kinahihigaan ko ay nagsasabing alas 5 na ng umaga. Agad ang pagbalikwas ko ng bangon. Nakaharap na agad sa aking mga maletang nasa paanan ng kama.

Tiniis ko ang lamig ng sahig nang bumaba ako mula sa kama at naglakad ng nakapaa lamang. Nakapajama at malaking puting tshirt na ako. Napapikit na lamang ako nang maisip kung sino ang posibleng nagbihis sa akin.

Dim ang ilaw sa labas ng kwarto. Ang kwartong inuukupa ko ay halos nakaharap lang sa hindi kataasang hagdan pababa. Hindi lalagpas sa sampung baitang ang bilang nito kaya hindi mahirap ang naging pagbaba ko dito.

Naaninag ko ang bukas na front door kaya dahan-dahan akong lumakad papunta doon, patuloy na iniinda ang humahapding paa dulot ng lamig ng sahig. Nanginig ako at napabahing nang sumalubong sa akin ang pang-umagang hangin na hinaluan ng preskong lamig galing sa labas. Agad ang naging paglingon sa akin ni Tobias na nakapwesto sa may barandilya nitong maliit na teresa, may hawak na kasisindi lamang na sigarilyo.

We both stare at each other for how many seconds. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa sigarilyong hawak niya ay agad ang paglagay niya nito sa ash tray na nasa tabi lang rin niya. Gulat na gulat pa ako nang umalis siya sa kanyang pwesto para lang salubungin ako ng yakap.

Drought Affection (Pueblo Dulce #1)Where stories live. Discover now