Kabanata 24

7.7K 234 17
                                    

Better

Bumalik ako sa band room na parang walang nangyari sa labas. Kumakabog pa rin ang aking dibdib para sa taksil na pakiramdam na ayaw ko na muling pangalanan. Hindi ko alam kung anong totoong pakay niya sa pagpunta dito at wala na akong pakay na alamin pa ito.

Naabutan kong naghihintay na lang sa kung anong signal ng staff ang aking mga kabanda. Nang tingnan ko ang aking relo ay may 2 minutes pa naman kasi bago eksaktong mag7 PM.

Nang mag-7 na ay agad naming sinimulan ang tugtugan. Wala na akong paintroduction pa dahil mukhang hindi makarelate ang audience namin ngayon. Halatang hindi sanay sa mga hugot, mukhang wild party lang kasi ang hanap ngayon. Well, at least tama lang ang mga genre ang napili naming kanta para sa gabing ito.

"Congratulations for making it tonight!" Maligayang bati sa amin ni Tristhird Clavesta. Ang singkit niyang mga mata ay nawawala dahil sa tuwa sa naging successful naming ginawa. " Expect all your payments in your accounts tomorrow morning!"

Paos akong nagpasalamat. Masakit ang aking lalamunan sa heavy rock na tinugtug namin kanina. Nag-enjoy naman ang mga party goer ngunit parang nagsisisi yata kaming buong banda sa pagtanggap namin sa offer na ito. First time kasi naming tumugtog ng ganoong genre at ilang oras pa ang duration nito. Nakakaubos ng boses at tiyak kong hindi ko na ito uulitin muli.

Sabay-sabay kaming lahat sa paglabas sa club. Panay ang reklamo nila sa sakit ng kanilang mga daliri o di naman kaya ay ng kanilang mga kamay.

"Bwesit na gwapong Clavesta, talagang sinulit ang triple pay para sa atin." Inis na pahayag ni Andrija nagrereklamo sa sakit ng kanyang mga braso dahil sa tuloy-tuloy na pagtambol.

"Naiinis ka ba Andrija o sadyang pinupuri mo lang ang kagwapuhan ng boss natin?" Panunuya ni Buena kahit na alam kong nagrereklamo rin ito sa loob-loob niya.

"Gwapo naman talaga siya, iba lang yung type ko! Tsaka, nabwibwiset ako sa kanya eh!" Ani muli ni Andrija.

"Ang sabihin mo ay nakukulangan ka lang talaga sa triple pay!" Natatawang singit ni Iris. Nakapara na pala siya ngayon ng taxi. Nakaparada na ito sa aming harap at hinihintay na lang ang pagsakay namin.

Natawa kaming lahat lalo na nung hindi itinanggi ni Andrija ang paratang ni Iris sa kanya.

Naiwan sa ere ang aking muling paghalakhak nang mamataan ko ang isang sasakyang umiilaw papalapit sa likod ng taxing pinara ni Iris. Parang ibinalik muli ako sa Pueblo Dulce nang makompirma kong ito nga ang kanyang Ford na ginagamit namin sa pamamasyal sa magagandang lugar doon. Hanggang ngayon ay memoryadong-memoryado ko pa rin ang plate number nito.

"Uy, pasok na Yndra, mahirap nang makapara ng panibagong taxi sa mga oras ngayon." Narinig ko ang tawag ni Andrija na nakapasok na pala sa loob ng taxi. Ako na lang yata ang hindi pa nakakasakay.

Nagulat silang lahat nang natatarantang sumakay ako nang mahagip kong bumababa nga si Tobias mula sa kanyang Ford. Napaisog silang lahat ng wala sa oras.

"Yndra naman, para ka namang nakakita ng multo diyan eh!" Natatakot na wika ni Buena. Impit na tumili-tili si Iris na nasa passenger seat, at nagrereklamo naman si Andrija sa di umano'y kaartehan ng dalawa. Napapailing na lang ang driver sa kaingayan naming lahat.

Nakahinga naman ako ng maluwang sa pag-andar paalis ng taxing sinasakyan namin. Sinilip ko ang side mirror at mas napahinga ako ng mabuti nang walang makitang Ford sa likod namin.

Ako ang naunang inihatid ng taxi dahil ang condo ko ang pinakamalapit sa club. Pagkatapos magbigay ng pamasahe at magpaalam sa aking mga kabanda ay agad na akong bumaba mula sa taxi.

Drought Affection (Pueblo Dulce #1)Where stories live. Discover now