Kabanata 21

7.6K 251 52
                                    

Left

"Sana ay naging masaya kayo sa ginawa niyong panloloko sa akin.."

Matabang at walang buhay kong pahayag sa kanilang lahat nang tuluyan nang natuyo ang aking mga luha.

Nauunawaan ko na ngayon ang sinasabi nilang sa huli ay ang sarili mo lang ang iyong mapagkakatiwalaan. Lahat sila ay niloko ako, pinaikot, at pinagsinungalingan. Sa paningin ng iba ay ako ang kawawa ngunit siguro'y mas lalamang ang pagtingin sa akin ng masama.

Tumabingi ang mukha ko sa ginawang sampal ng reyalidad sa akin. Alam kong ang mundo ay hindi isang paraiso, pero hindi ko inakalang ganito pala ito kaimpyerno.

Napalingon kaming lahat sa panibagong sasakyan na nagpark.

"So, the snake is already here huh?" Matalim na wika ng taong kakapasok lang sa gate. Tobias' fiancee is glaring at me furiously.

Nanliit ako ng masilayan ko ulit sa malapitan ang mga taong nasaktan at naloko ko dahil sa panloloko ng mga taong nasa aking harapan. Nais kong isipin na sila ang naging biktima ko kahit na ako naman ngayon ang labis na nasasaktan.

Ang dating magaan na tingin sa akin ni Claricia sa Pueblo ay napalitan na ngayon ng kawalan ng emosyon. Napagtanto kong ang swerte ko noong itinuring niya ako ng maayos sa kabila ng aking kagaspangan noon.

"Anong ginagawa niyo dito, Claricia?" Dagling tanong ni Papa nang makita si Claricia at si Jeazza.

"Pinauwi kami ni Tobias, nagalit nang mahuli namin ang babaeng kinakalantari niya!" Mahinahon ngunit matigas na sagot ni Claricia. Matalim na tumitingin sa akin.

I never thought that I could see Claricia this intense. Nasanay ako sa magaan niyang awra.

I can't defend myself on this one. Nagkasala ako sa parteng ito at hindi ko na alam kong papaano ako hihingi ng tawad gayong ako mismo ngayon ay naloko.

"What happened there Jeazza?" Tita Leyanna suddenly inserted. Kita sa kanyang mata ang labis na pag-aalala para kay Jeazza. Pulang-pula na ang kanyang mukha mula sa labis na galit kanina at mas lalo pa itong pumula nang may maunawaan sa ibinulong ni Jeazza pagkayakap na pagkayakap nito sa kanya.

"Nananalaytay talaga sa dugo niyo ang manira ng relasyon nang may relasyon!"
Sigaw bigla ni Tita Leyanna. "Hindi mo dapat kinikilala ang anak mong iyan Arseus!"

Hindi na nag-alinlangan pa si Mama na pumunta sa aking likuran nang halos lahat ng mga mata nila ay natuon na naman sa akin ulit.

"Please Tita, ayaw ko na pong palakihin ito.. hindi na ulit iyon uulitin ni Tobias." Pekeng pahayag ni Jeazza. Naiiyak siya ngunit ngumingisi ang kanyang mga mata sa saya kapag sinusulyapan niya ako.

"Si Tobias hindi ulit gagawin ang magloko sayo ngunit papaano kung landiin na naman siya ng babaeng iyan?" Dinuro-duro niya ako gamit ang kanyang mga daliring may mapupulang mga kuko. Agad naman itong itinabing palayo ni Arseus Villacias. Hindi ko pa rin alam kung ano ang itatawag ko sa kanya. Hindi ko pa rin magawang tanggapin ang lahat ng inilihim nila sa akin.

"What? You're going to defend your unwanted daughter now? Ipapaalala ko lang na asawa mo ako, baka bumalik na naman ang pagkahumaling mo sa malanding ina niyan!" Sigaw ni Tita Leyanna kay Arseus Villacias. Hindi mapigil ang kanyang bibig kahit na ang sinasabihan niya ng masama ay nandidito lamang.

Halos sabay ang paghugot ng hininga ni Mama na nasa likod ko na ngayon at ni Arseus Villacias na nasa aking harapan.

"I just want you to put your hands down on this issue, Leyanna.." Sumusukong wika ni Arseus Villacias sa asawa.

Drought Affection (Pueblo Dulce #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon