Kabanata 28

7.8K 252 95
                                    

Talk

Suminghap ako para lamang malanghap ang preskong hangin ng Pueblo Dulce, nagbabakasakaling lumuwag ang aking paghinga. Damang-dama ko ang labis na sakit ni Tobias at maging ang pagsisising lumalason sa aking buong sistema. Alam kong kumakalma ako sa mga mata niya, ngunit paano ko ito magagawa ngayon gayong purong sakit lamang ang nakikita ko doon?

I embrace him so tight, but I choose to let him go afterwards.  Pakiramdam ko ay hindi ko siya dapat yakapin dahil kahit ako ay sobrang nasasaktan.. para sa kanya na nawalan at para sa akin na hindi nakahingi ng pagpapatawad man lang.

Lagi akong hinahabol ng pagsisisi noong mga panahong nagmalupit ako kay Claricia. Ilang beses kong inasam na sana ay magkita kami at makahingi ako ng tawad sa kanya, ngunit ngayon ay tuluyang kinuha ng tadhana ang pagkakataong iyon. Pumapatak ang aking mga luha kapag naaalala ko ang kanyang ngiti habang inaasam ang aking atensyon, ginawa niya ang lahat para lamang maging maayos ang lahat kahit na ang pagtapak man lang sa mansyon ay wala na akong karapatan. Siguro ay tama lang ang ginawa niyang sampal sa akin noon dahil kulang pa iyong kabayaran sa lahat ng mga pang-iinsultong hindi ko na dapat ginawa.

Nakatingin kami ni Tobias sa isa't-isa, nakatayo at parehong namimilisbis sa aming mata ang mga luha.

"I'm sorry.. I'm sorry.." Paulit-ulit kong bulong. "H-hindi ko a-alam, Tobias.." Humagulhol na ako. Kaunti na lang ay bibigay na ang aking mga binti.

Tinawid ni Tobias ang binigay kong distansya sa pagitan naming dalawa. Ngayon ay siya naman ang bumalot sa akin ng yakap.

"Shhh..I just need your hug. Let me breathe.." Humigpit lalo ang kanyang yapos sa akin.

Nang parehong tumigil na ang aming paghikbi ay nagdesisyon kaming umuwi na lang muna. Pagod na pagod ako ngunit nagawa ko pang magsalita nang akmang liliko siya sa ancestral house ni lolo na dapat ay tutuluyan ko na mula ngayon.

"Ideretso mo. Uuwi ako doon sa bahay mo, Tobias.." Paos kong wika. Halos nakapikit na ang mga mata.

Dineretso niya nga ang kanyang sasakyan pabalik sa kanyang bahay. Hinehele ako ng byahe habang kinukurot ang aking puso sa sakit. Hindi magandang kombinasyon ng emosyon ngunit dapat na tiisin ko dahil ito ngayon ang nararamdaman ko.

Nang humimpil ang sasakyan sa labas ng kanyang bahay ay napadilat ako sa pagdantay ng kanyang kamay sa pisngi ko.

"Mauna ka nang bumaba. Hintayin mo ako sa loob.." Pagod niyang saad. The growing thin stubbles on his jaw are visible.

Bumaba ako gaya ng sinabi niya, nakayuko akong naglakad papasok sa teresa ng bahay. Nag-iinit ang aking mga mata ngunit pinipigilan ko ang mapaluha. Sumasakit ang aking ulo kasabay ng mahapding pagtibok ng aking puso.

Isang tapak ko pa lang sa sahig ng teresa ay literal na naramdaman ko ang sakit ng aking ulo. Pakiramdam ko ay matatanggal ang aking anit sa klase ng paghila ng aking buhok. Naluluhang napaaray ako.

"Bitch! Walang hiya ka! Pati asawa ko sinama mong iuwi dito sa lintek na lugar niyo!" Galit na galit at sumisigaw si Jeazza habang patuloy sa paghila ng mataas kong buhok.

Sumisingaw lang ang aking mga luha sapagkat pagod na akong lumaban emotionally at physically. Ang tanging alas ko na lang ay ang magmakaawang itigil niya na ang kanyang ginagawa.

"Jeazza, please.. bitawan mo ako." Napapaaray kong pahayag. "Jeazza.."

"Mabuti naman at kilala mo pa pala ako! Putangina kang babae ka! Stop gambling your flirty claws with my husband!" Mas lalong idiniin niya ang pagkakahila sa aking buhok. "Nasampal na kita. Nainsulto na rin, ngunit gusto mo pa pala talaga ng mas malala!"

Drought Affection (Pueblo Dulce #1)Where stories live. Discover now