Kabanata 31

7.4K 213 17
                                    

Heartbeat

If you don't take time to heal from those who hurt you, you'll bleed on those who didn't cut you. It is rare to find someone guilty of the crime that have been committed unto them.

Napatunayan ko ang mga iyon nang manakit ako ng taong walang masamang ginawa sa akin. Inako ni Claricia ang kasalanan na ginawa mismo ng mama ko kay papa. Hindi ko lubos maisip kung papaano niya nagawang mailigtas ang babaeng dahilan kung bakit siya ang napili kong saktan.

"H-how come she did that, Ma? P-paano niya nagawang iligtas ka gayong sobra ang naging p-pasakit na dala ko sa kanyang pamilya?" Napapikit ako. I find it so difficult to understand the demeanor of Claricia Villacias.

She found the courage to squeeze herself through the gaps of her ribs and grab her own heart, only to visualize how soft, too loving, and too good it is for the people who didn't deserve to touch even a single part of it.

I saw how the face of my own mother contorted in a painful way. Wari ang lahat ng kanyang sasabihin sa akin ay buong buhay siya nitong sasaktan.

"I was scheduled for kidney transplant in US that time. Iyon ang suhestiyon ng doctor matapos lumabas ang result ng laboratory check up ko at sinang-ayunan agad ito ng Tita Ophelia mo. Ang tanging hiniling ko na lang sa mga panahong iyon ay ang makita kita dahil kahit ako ay hindi na naniniwalang makakaligtas pa." Kumurap si Mama para matanggal ang nagbabantang pagtulo ng mga luha mula sa kanyang mga mata. "While on the cathedral to pray, to request your presence at my side and not to care about my healing, a miracle happened. A miraculous person came with her will to forgive and save me."

"I recognized her immediately. Syempre, dahil siya ang babaeng minahal ng papa mo pagkatapos ko. Wala akong makapang hinanakit para sa kanya dahil tanggap ko na noong ako ang nagloko at dapat lang akong iwanan. I even smiled at her because she got his son, Tobias and Alonzo at her side fighting with her illness. H-hindi ko kaagad nalaman na ang pagganti niya ng ngiti sa akin ay siyang hudyat ng aking paggaling. Hindi ko kaagad nalaman na siya pala ang nagdonate ng kidney ko sa aking operasyon kinabukasan..." Hindi na napigilan ni Mama ang paghikbi. "Habang nagagalak ang puso ko dahil naging matagumpay ang naging operasyon sa akin, at saka ko lang nalaman na ang taong dapat kong pasalamatan ay ang tao palang dapat kong hingan ng kapatawaran... a-and it was too late b-because she didn't survive while on the process to save me."

Napahawak ako sa aking dibdib. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ng magkahalong pasasalamat, kirot, pagsisisi, at walang hanggang sakit para sa lalaking mahal ko. I've seen him bathed himself with tears for the woman he love the most who left him in this lifetime for the woman who is my everything. If life made me bitter, then Tobias tasted the bitterness too.. more severe and oppressive to what I tasted.

"His son, T-Tobias is here, M-mama..sinamahan niya ako d-dito.. and I don't know how to embrace his love for me when all I did was to w-wrecked his whole life.." Tumingin ako sa bintana sa aking likod ngunit wala akong makita sa labas ng gate namin. Ang puso ko ay namimilipit sa sakit habang nakikita na kahit gaano man kadilim ang paligid ng puso ko sa mga taong nagdaan, nandiyan pala siya sa labas nito, naghihintay para sa liwanag na ngayon ko lang naaninag.

"Noong sinabi ni Xenna sa akin na may sakit kayo, sinabayan niya ang pagguho ng puso ko. Nang sinikap kong makapunta dito ay hindi niya ako iniwanan.." Suminghot ako. "His mother saved you, how could I save him after everything that happened, Ma?"

"Balikan mo siya kung saan siya naghihintay sayo, anak.." Lumapit si Mama sa aking kinauupuan at dinala ang aking ulo patungo sa kanyang dibdib. "Can you hear my heartbeat, Yndra? I'm alive. Wala kang dapat ipag-alala sa akin. I have my regular medications at magiging sapat na sa akin ang kaalamang nandito ka na ngayon para samahan ako.." Niyakap niya ako ng mahigpit, pinaparamdam sa akin ang pagmamahal na hindi ko maramdaman noon galing sa kanya. "Don't mold your life with your own heartbreaks, Yndra Chiara. Don't degrade yourself just because you made mistakes in the past. Build your own happiness and do it because your existence is a joy in my life.. for the Villacias..and for Tobias."

Drought Affection (Pueblo Dulce #1)Where stories live. Discover now