Ang Ikasampung Kabanata

1.1K 77 17
                                    


Book Title: Inutusan Ako ni Paps Bumili ng Itlog
Author: KenTheLion

---------------------------------------------------------
ANG IKASAMPUNG KABANATA
---------------------------------------------------------


"Ikaw si Singko?"

"Ehhh?" ungot kong ganyan. Nabastos ako na napagkamalan akong si Singko ha "Tita naman eh, si Tres ako, ang pinakamatikas sa labing-siyam na masuswerteng tamod ni Soso Toto Momo..." at nag-flex ako ng braso.

Hindi kayo namamalikmata. Kumpirmado na. Nabuntis ni Paps yung tinira niya kamakailan. Tumawag yung babae kay Daddy habang nanananghalian kami kanina para humingi ng suporta sa pagbubuntis. Hay. Iba talaga si Paps. Lakas.

"Pasensya ka na. Halos anim na taon ko rin kayong hindi nakita kaya hindi ko na saulado ang mga mukha ninyo" pagtawa ni Tita. Plano ko sanang sabayan siya sa pagtawa, yun ay kung bibigyan niya ako ng kwarta, pero hindi eh, walang pakinabang kaya bahala siya humalakhak dyan mag-isa.

Inginuso ni Daddy si Jireh, nangangahulugang ipakilala ko naman ito kila Tita.

"at ito ang syota ko hehehehe si Manolo manloloko hehehehe de joke lang si Manoloyal yan" kinabahan ako sa tinging ipinukol sa akin ni Jireh kaya agad kong binaligtad ang aking pahayag.

"Aba ang pamangkin ko, pumapag-ibig na ah..." tumawa na naman siya, hay ayaw pa kasi dumukot sa bulsa eh nagmumukha tuloy siyang baliw.

"Magandang tanghali po sa inyo" kumurap-kurap ang aking mga mata, si Jireh ba yung nagsalita? Bakit magalang? Anong nakain niya? Sinong unyango ang nagturo sa kanya niyan? Masyadong kapansin-pansin ang pag-thumbs up ni Daddy kay Jireh kaya nagkaroon ng kasagutan ang aking katanungan.

"Magandang tanghali din sa'yo. Kaybuti naman ng kalooban ng batang ito..." jusko tita di mo alam ang sinasabi mo

Hindi ako umalis sa kinaroroonan ni Tita kahit pa noong ang mga kapatid ko na ang nagpapakilala. Baka kasi bigyan niya ng datung ang mga yon tapos ako hindi, ay! Hindi naman patas yon. Dapat ako rin. Habang nagmamatsag ako'y nagpaalam si Jireh na magbabanyo. Alangan namang pigilan ko ang pantog niya, pinabayaan ko na lang. Bahala siya maligaw sa bahay na to.

"Ako, Tita, sino ako?"

"Si Katorse?"

"Ay muntik na! Si Trese ako, Ta. Pengempera?"

Pagkuwan ay ipinamudmod na nga ni Tita ang kanyang kayamanan. Nagrambulan kaming magkakapatid, kala mo perstaym makahawak ng malulutong na bente. Walang pumansin doon sa laspaging tag-iisanlibo, pinabayaan lang namin bumagsak at pagtatapakan sa sahig. Hamak lang na mas may dugong kawatan ang mga kapatid ko kaya nakarami sila ng bente, samantala ako, eto iisa lang, kahati pa si Disisyete.

"Oh ayan, hating-kapatid" binigay ko sa kanya ang kalahati nung bente, bale ten pesos siguro ang equivalent no'n no?! Wew.

"Prince! Halika dito, nandito ang mga pinsan mo."

Kasalukuyan kong binabadyet ang pagkakagastahan ko ng ipinamahagi ni Tita kaya wala akong pakialam sa paligid.

"Aba malaki na pala ito. Huling pagbisita namin, nasa tiyan pa siya, hindi ba?"

Eh kung bili kaya ako ng lamborghini?

"Oo, Blaise. Nawala nga siya last last week eh, buti na lang nakabalik siya nang ligtas."

"Whoah, buti naman..."

"Ito nga pala si..."

Magtayo kaya ako ng sarili kong korporasyon?

Inutusan Ako ni Paps Bumili ng ItlogWhere stories live. Discover now