Ang Ika-apat na Kabanata

1.3K 88 61
                                    


Book Title: Inutusan Ako ni Paps Bumili ng Itlog
Author: KenTheLion

---------------------------------------------------------
ANG IKA-APAT NA KABANATA
---------------------------------------------------------


Ang awkward. Nakaupo sa mahabang sofa sina Daddy, Paps, at Lolo habang nagkalat naman sa sahig ang mga kapatid ko. Kumpleto ha, talaga nga namang pagkamalas-malas.

Ako? Heto, nakatayo sa harap nila. Ang mga kamay ay nasa likuran upang itago ang kaba. Para bagang nag-au-audition ako sa X Factor. Sandamakmak ang tumatakbo sa isipan ko subalit wala ni isa sa mga ito ang aking maisatinig.

At syempre, huwag nating kalilimutan na may kasama ako. May kasama akong demonyo. May pinapasok akong demonyo sa tahanan namin. Ipinaalam ko sa demonyo ang address namin. Tangina napakabobo ko, batid ko yan.

"May gusto kang sabihin, anak?" pagbasag ni Daddy sa katahimikan. Nanunuyo ang laway ko kaya binasa ko iyon, bago ko ibinuka ang aking bibig para lamang langawin.

Nagtatalo ang isip ko kung itutuloy ko ito. Idadamay ko pa ba talaga ang pamilya ko sa katarantaduhang ito? Isheshare ko pa ba talaga sa kanila ang masalimuot na kapalaran ko? Sharing is caring daw, gago, pag ginawa ko yun edi sama-sama kaming magiging giniling na menudo.

Hindi sinasadyang napalingon ako kay Jireh, at napansin kong naroon sa kapatid kong bunso (bunso as of now) ang tingin niya. Ano? Si Disiotso ba ang una niyang napipisil na gawing tocino? Putangina.

Dali-dali kong pinulot ang bata.

"Daddy, ano, may ipapakilala ako sa inyo..."

"Okay?"

Gagawin ko 'to para hindi matrigger ang kademonyuhan ng demonyo.

"Wag ka ngang umiyak, disiotso, tangang to pati ako naiiyak eh" saway ko sa bata sabay singhot ng uhog "Daddy, Paps, Lolo, at mga kapatid, si ano, boyfriend ko."

Nanlansa ako sa inusal ko hayop

Lahat sila, maliban kay Paps na nangangarag, ay walang reaksyon. Para bagang hindi man lang nabigla. Ako'y napaisip, baklain ba ako? Hmmm, sa tingin ko'y hindi naman. Grabe sila.

"Si ano?" nabulabog ako sa tanong na iyon

"Uhm..." tangina, hindi namin napagkasunduan kung ano ang magiging pangalan niya. Hindi pwedeng Jireh, yung mamamatay-tao yun eh. Ayoko namang tuwing tatawagin ko siya ay maaalala ko kung paano niya tinaga ang mga walang kalaban-labang nilalang. Ano na lang kaya, uhm...

"Uhm..." paggaya sa akin ng mga ulikba kong kapatid

"Manolo." pagsingit ni Jireh

"Manolo, tama." susog ko. Lumapit ako kay Paps para ipasa sa kanya si Disiotso

"Akala ko naman kung anong big news." isa-isang nag-alsabalutan ang mga mini-Soso "Kain na nga lang tayo."

"Oo nga"

"Nagjakol na lang sana ako" napakunot ang noo ko sa sinabing iyon ni Dyis. Balasubas na ampota hindi pa nga tuli.

Naiwan kami nila Daddy, Paps, at Jireh sa sala. Halata sa mukha ni Paps na nawiwindang siya sa mga kaganapan.

"Paps, anong masasabi mo? Kung tutol ka, sabihin mo na ngayon pa lang..."

Sa lahat ng nagpakilala ng kasintahan sa magulang, ako lang yata ang nananalangin ng pagtutol. Dahan-dahan kong inurong ang vase na malapit kay Jireh dahil baka biglang maisipan niyang ipukpok iyon sa amin.

"May karapatan ba akong umangal ha?" birang ganyan ni Paps "Ako nga may asawang lalaki tapos ikaw, ikaw na nasa tamang edad na, pipigilan kong magkaroon ng syotang lalaki. Ano ako, hibang?" pagkasabi nito'y umalarga na rin siya

Inutusan Ako ni Paps Bumili ng ItlogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon