Ang Ikalimang Kabanata

1.2K 76 20
                                    


Book Title: Inutusan Ako ni Paps Bumili ng Itlog
Author: KenTheLion

---------------------------------------------------------
ANG IKALIMANG KABANATA
---------------------------------------------------------


"Puyat ka yata."

Walang maa-maaga sa mga kapatid kong mapambuska. Sari-saring opinyon ang kanilang isiniwalat sa kung bakit pagod ang mga mata ko sa oras na ito. Mga gago, sila kaya ang tabihan ng diablo, tignan ko lang kung makatulog sila. Hindi ka pa man nakakapikit, binabangungot ka na, gano'n ang feels.

"Cash-ya pero 'di kinaya!" dumagundong ang silid sa tindi ng halakhakan nila. Kapatid ko ba talaga sila? O kapatid ni Jireh? Mga kampon ng kadiliman din ang mga pota

Minabuti kong 'wag na lang magreak para akalain nilang nahihimbing na ako.

Teka nga, just to make it clear, WALANG NANGYARI. Wala.

"Nalamog ang itlog ng ating batang hamog" kilala ko ang boses na yon. Walanghiya yan si Kuya Dos, tinawag akong batang hamog?! Baka bigyan niya pa ko ng relief goods ha lupet

Pasalamat si Siete, wala akong enerhiya. Kundi, siya na naman ang aking pagbubuntunan.

"Gaano ba kataba, Kuya? Nagdeliryo ka ba?" nakakarindi, nangangati na akong manapak

"Hoy, 'wag kayo ganyan. Malay niyo naman nagcuddle lang sila magdamag..."

Cuddle ampota, imposible namang mangyari yon. Tila ba walang sweetness sa katawan ang lalaking yon, walang ibang laman ang puso niya kundi poot at hinanakit! Saka baka pag niyakap ako no'n, malasog at madislocate ang organs ko. Kahindik-hindik na tunay!

Laking gulat ko nang may humambalos sa pwetan ko. Parang bula na naglaho ang kakarampot na antok na meron ako. Mangiyak-ngiyak akong bumangon

"Ano ba?! Pwede bang lubayan niyo na ko?!"

"Chineck lang namin kung gaano ka na kawarak" kaswal na tugon ni Kuya Uno. Sinamaan ko siya ng tingin, at sa gitna ng aming iringan ay umalingawngaw ang palakpak ng Haring Kalapati.

"Boys!"

Pinangunahan ni Kuya Uno ang paglabas. Tila mga itik na nagtakbuhan naman ang maliliit kong kapatid. Si Disi otso ay binuhat ni Otso, na bago tuluyang lumabas ay tinanong muna ako kung nasarapan ba raw ako. Pinakyuhan ko lang siya pero ang gaga, kinilig pa.

Marahil dahil ako pa lang ang nagkakaroon ng kasintahan sa aming magkapatid kaya ganito kung makareak ang mga ito.

Kung sino pa ang pinakaayaw kong makasama sa silid, siya pa ang naiwan. Binato niya sa'kin ang isang box ng condom.

"Kinuha ko yan sa cabinet nila Daddy. Practice safe sex, Kuya. Ang Pilipinas ang may pinakamabilis na pagtaas ng kaso ng H---"

Dami talagang alam ng batang 'to

"Narinig ko na yan sa commercial!"pagpapahinto ko sa sasabihin niya "Bwisit 'to, umalis ka na nga"

at nagtalukbong na ako ng kumot

"Daddy si Kuya ayaw na naman magpakilala kay Paps oh!"

"Eto na! Eto na! Epal!"

****

"Gagawin ko pa ba talaga to? Ang laki-laki ko na."

Nacoconcious ako sa nakatitig na Jireh. Kung bakit ba naman kasi gising na siya sa oras na ito di ba. Panigurado, kapag nakita niya akong gumiling, walang pag-aatubili niya akong gagawing giniling. Tangina par.

Inutusan Ako ni Paps Bumili ng ItlogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon