Ang Ikatlong Kabanata

1.3K 79 64
                                    

Book Title: Inutusan Ako ni Paps Bumili ng Itlog
Author: KenTheLion

---------------------------------------------------------
ANG IKATLONG KABANATA

--------------------------------------------------------

Todo na 'to. Itataya ko na lahat pati pato't panabla dahil posibleng ito na ang huling pagkakataon na mayroon ako. Tibayan mo ang loob mo, Crisostomo Molino III. Bawal ang duwag.

"Totoo. Ang dahilan ng madalas kong pagdikit sa'yo ay... ano..." sinipat-sipat ko siya "ganyang mga itsura ang tipo ko."

Mabuti na lamang at iminulat ako ni Daddy at Paps sa same sex relationship kaya hindi gaanong masakit sa kalooban ko itong mga isinasawika ko.

"Kung papayag ka, kaya kitang ibigin nang doble, triple pa sa kayang ibigay nung babae mo."

Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan para pampalakas ng loob sa gagawin kong paglipat ng upuan sa tabi niya. Ayaw niyang magpaabala sa pagmamaneho at hindi ko mapahihintulutan ang hindi niya ako pansinin.

Hindi ako kabado. Hindi.

"Jireh, uhm, pi-piliin mo ako at ipinapangako ko sa'yong babaguhin natin ang buhay mo. Tutulungan kita na ibaon sa limot ang mga kasalanan mo. Bibigyan kita ng bagong pangalan, ng bagong kasuotan, ng bagong katauhan." ipinatong ko ang kamay ko sa kamay niyang nasa manibela. Marahan ko iyong pinisil. Bumigay ka please.

Ibinabaling niya naman sa kabilang direksyon ang kanyang tingin na tila ba naiilang sa sitwasyon.

"Uhm, ipapakilala kita sa pamilya ko, araw-araw kay Paps. Si Daddy, ano, kaya ka niyang ipasok sa isang disenteng trabaho. Ang mga kapatid ko, maiingay yon kaya makakalimutan mo ang anumang kalungkutan tuwing kasama mo sila. Magkakaroon ka ng malaking pamilya sa piling namin. Kami, marami na kaming magmamahal sa'yo. Hindi ka na mag-iisa."

Napasinghap ako sa biglaan niyang pagsunggab sa damit ko. Hinila niya ako palapit. Mukha sa mukha. May nakikita akong inis sa kasalukuyan niyang ekspresyon. Na-provoke ko yata siya. Fuck.

Nasa mataong lugar na kami, kaya matatag ang paniniwala kong hindi niya ako tutuluyan dito.

Maisingit ko lang, mabango naman ang hininga niya. Ibang-iba sa inaasahan ko na pamatay din ang aroma niya.

Nakakalunod ang pagtitig sa mata niya. Pakiramdam ko nauubusan na ng oxygen ang Earth, at nakatutok ang araw sa akin. Tagaktak ang pawis ko kaya marahil, hindi kapansin-pansin ang nangingilid kong luha.

"Uhm..."

Tutal sinunggaban niya ako, sinunggaban ko rin siya. Sa labi. Hindi na ako makapag-isip nang matino. Tangina pilit kong iwinawaksi sa isipan ko na isang dyablo ang kahalikan ko. Kung ang kapalit ng matagal ko pang pananatili dito sa mundong ibabaw ang matagal na paglaplap sa lalaking ito, sige tataya ako.

Pero pota, babaligtad yata ang sikmura ko.

Pota

Sheeeeee---

Dumating ang oras na nangailangan ako ng hangin, sanhi upang kumalas ako sa kanya at mamasdan ko ang gulat niyang itsura. Shit, nasugatan ko pa ang labi niya. Sa tagpong ito na ako dinapuan ng hiya. Ang init ng mukha ko. Hindi naman siguro ako namumula ano? Ano ba naman kasing kabalbalan iyong ginawa ko?

"Uhm..."

Halos masamid ako sa paglunok ng laway. Nanatiling mahigpit ang kapit niya sa pang-itaas ko.

Inutusan Ako ni Paps Bumili ng ItlogWhere stories live. Discover now