Ang Ikawalong Kabanata

1.3K 71 18
                                    


Book Title: Inutusan Ako ni Paps Bumili ng Itlog
Author: KenTheLion

---------------------------------------------------------
ANG IKAWALONG KABANATA
---------------------------------------------------------


"Magbabakasyon tayo!"

Kung anong ikinataas ng emosyon ni Daddy sa kanyang pag-anunsyo, ganoon naman kababa ang damdamin naming magkakapatid. Ikaw kaya gisingin ng alas-tres ng madaling araw, tignan ko lang kung makareak ka nang tama.

Muli kong ibinagsak ang aking katawan sa kama.

"Mag-imis na kayo ng gamit niyo okay? Apat na araw tayo do'n. Pagkagising ng Paps niyo, aalis na tayo."

"Wow buti pa si Paps hindi inistorbo ang tulog" komento kong ganyan, hinagisan ako ng kung sinuman ng unan.

"Tres bumangon ka dyan, ikaw ang magsabi sa boypren mo ng tungkol dito"

Walang kasigla-sigla akong tumihaya

"Sus. Wag na. Umalis na lang tayo nang walang paalam. Malalaman din naman niya pag nagising siya na wala tayong lahat."

May kung-sinumang demonyo na humila sa mga paa ko sanhi upang lumagapak ako sa sahig. Nanakit ang aking likod sa aking pagbagsak. Lahat ng antok ay naglaho, gayunpaman nanatili akong nakapikit dahil sa pag-inda ng sakit.

"Putang---!!!" itutuloy-tuloy ko na sana ang pagmumura kaya lamang ay nahiya akong konti kay Daddy "Huwag niyo sabihin sa'king..."

"Oo, kasama siya." sinasabi ko na nga ba! Akala ko family vacation ang magaganap, pero bakit may sabit?

"Eh sinong maiiwan dito sa bahay?! Ano, walang bantay?! Paano pag inakyat tayo dito?! Nakawan?! Sungkitin ang underwear ko?! Paano pag may nagtangkang sunugin itong bahay natin?! Sino ang sasaklolo?! Si Lolo, e uugod-ugod na yon?!" lahat ng negatibong posibilidad ay akin nang inilista upang kumbinsihin sila na iwanan na lamang si Jireh, pero kung aanalisahin ko ang mga mukha nila, maliwanag sa aking hindi ko man lang nabago kahit kaunti ang kanilang opinyon ukol sa bagay na ito.

"Iminumungkahi ko na magsagawa tayo ng isang plebisito" gumana na naman ang pagiging henyu-henyuhan nito ni Siete. Masama ang pakiramdam ko sa tabas ng dila ng batang to "Kung meron mang maiiwan sa tahanan na ito, sino dapat iyon? Itaas ang kamay kung ang boto niyo ay si Kuya Tres."

Lahat ng mga kapatid ko ay nagsitaasan ng kamay. Maging iyong sanggol na si Disiotso na wala pang muwang sa mga kaganapan ay kusang-loob na itinaas ang dalawang kamay.

Ang sakit-sakit naman ng ginawa nila

"Mas gusto pa namin kasama si Kuya Manolo kaysa sa'yo e" bulong ni Onse na hindi nakaligtas sa aking matalas na pandinig.

"Daddy oh!" sumbong ko sa lalaking tuwang-tuwa kaming pinanonood mula sa sulok

"Osya tama na yan. Walang maiiwan. Ako na ang bahalang kumausap sa mga kapitbahay para sila'ng magbantay sa bahay natin. Okay? Saka huwag kayong masyadong maingay, baka magising ang Paps niyo. Sige, kilos"

at tila ba mga mandirigma na nagsibangunan ang mga bagets. Sa kabilang banda, ako'y tumindig at inayos ang aking para bagang minolestiyang kama.

"Tutal kayo ang may gustong isama si J-Manolo, edi kayo gumising sa kanya..." pagkausap ko sa aking sarili

"Talaga." ani Singko saka lumabas ng aming silid

****

Kasalukuyan akong abala sa pamimili ng brief na dadalhin ko. Ito bang Calvin Klein o itong Bench? Pareho itong puti dahil linggo bukas, dapat pure ang kulay ng panloob ko. Kasing busilak ng pagkatao ko. Tumagal din ng sampung minuto ang pakikipagdebate ko sa aking sarili, bago ko napagdesisyunang bitbitin na lang pareho para kapag naiputan ko ang isa, may extra akong pamalit. Oh di ba, ang talino ko. Yeeees.

Inutusan Ako ni Paps Bumili ng ItlogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon