Ang Ika-anim na Kabanata

1.3K 94 91
                                    


Book Title: Inutusan Ako ni Paps Bumili ng Itlog
Author: KenTheLion

---------------------------------------------------------
ANG IKA-ANIM NA KABANATA
---------------------------------------------------------


Paano makipagdate ang isang demonyo?

Iyan ang naging laman ng panaginip ko kanina. Kakila-kilabot. Dinala niya raw ako sa isang lugar na maraming bangkay, at doo'y pinilit niya akong subuan ng ginataang buhok sa kilikili, inihaw na daliri at pritong ngipin. Tapos nagyaya pa raw ng seks ang hayop, makakapalag ba naman ako?! Pero bago pa naman mangyari ang karumal-dumal na bagay na yon ay dumuduwal na akong nagising. Mapanlibak na tingin ang ipinukol sa akin ng mga tarantado kong kapatid, sino raw si Tina Moran at bakit ko tinatawag. Tangina. Sagot ko naman, maging sa pisngi, sa tiyan, sa bibig, sa likod o sa loob, ayaw ko kay Tina Moran!

Kasalukuyan kaming bumabyahe patungo sa kung saan. Walang pag-aalinlangan na ipinahiram sa amin ni Daddy ang kotse niya nang magpaalam ako na magdedate kami ni Jireh aka Manolo. Oo, ako ang nagyaya na magdate kami. Ito na lang ang tanging paraan upang kahit pansamantala lamang ay mailayo ko ang aking pamilya sa kapahamakang ako rin ang bumitbit.

Ako ang nagyaya, pero siya ang bahala. Siya si Batman eh, the 'hero' who will hampas-hampas you a baseball BAT once you try to steal his MAN. Ano daw?! Panay kahayupan ang naiisip ko ah.

"Saan tayo pupunta?"

Nagkibit-balikat lamang siya bilang tugon. Mahigit tatlumpung minuto na rin kaming naglalakbay. Hindi ko mawari kung ito'y isang mabuti o masamang bagay.

"Wala pala tayong destinasyon, eh bakit tuloy-tuloy ang pagmamaneho mo diyan?"

Marahil ay nabakas niya ang inis na aking nararamdaman kaya iginilid niya ang sasakyan. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa akin saka sa manibela, sabay yuyuko na tila ba nahihiya siya na ewan.

"May ibig kang idulog?" para kasing kung hindi ko siya tatanungin ay mas pipiliin niyang wag na lang itanong ang nais niyang itanong "Isiwalat mo na ang bumabagabag sa iyong dibdib, sige na."

"W-wala..." nautal pa ampota. Ititirada ko na sana ang mga opinyon ko sa pagkakautal niya subalit nagambala iyon ng pagpapatuloy niya ng kanyang pahayag "akong alam sa pakikipagdate"

"Eh? Hindi man lang ba kayo nagdate nung syota mong doktor na malaki ang su---" oops, teka, baka napoprovoke ko siya sa sinasabi ko. Hindi ko na dapat ipinapaalala pa ang nakalipas "Ang ibig kong sabihin ay... hindi ba kayo lumalabas ng mga ex mo?"

Pag-iling ang kanyang sagot.

"Ako rin eh. Sa totoo niyan, hindi pa ako nagkakasyota..." share ko lang, na ipinawalang-bahala niya lamang. Maya-maya, napagtanto ko na may kulang sa sinabi ko, na maaaring maging mitsa ng delubyo "Ang ibig kong sabihin ay wala pa akong naging ibang kasintahan maliban sa'yo hehehehe syempre ikaw ang first ko eh hahaha" tapos humarap na lang ako sa bintana para hindi ko mamasdan ang reaksyon niya.

"Ako?" Bingi ba siya ha? O sadyang nasarapan lang siya sa narinig niya kaya pinapaulit? Sa palagay ko, bingi siya.

"Oo." tutal tinitipid niya ako sa mga salita, titipirin ko rin siya.

Kinalaunan, umandar ulit kami. Itinuloy ang paglalakbay, ang byahe ng buhay. Minabuti kong dumungaw na lamang sa kalye kaysa kausapin si Jireh.

"Hoy! Hoy teka itabi mo!" na-excite ako kaya hindi ko namalayang malalakas na hampas ang ginawa ko sa balikat ni Jireh. Hindi naman siya pumapalag kaya ays lang siguro. Nagmamadali akong bumaba ng sasakyan para makiusyoso kasama ang madla.

Inutusan Ako ni Paps Bumili ng ItlogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon