Ang Ikalawang Kabanata

1.4K 75 41
                                    


Book Title: Inutusan Ako ni Paps Bumili ng Itlog
Author: KenTheLion

---------------------------------------------------------
ANG IKALAWANG KABANATA
---------------------------------------------------------


"... mabuti tumawag ka hehehe"

"Tres, nasaan ka? Bakit hindi ka umuwi kahapon? Saan ka nagpunta? Bakit hindi ka nagpaalam ha?"

Nasa bandang pisngi ko pa rin ang kamao nung Jireh kaya hindi ako makapagsumbong kay Daddy

"Ah hehehe sa ano Daddy. Nag-ano lang ako sa ano hehehe"

"Ha?" feeling ko, na-feel ni Daddy na may mali

"Daddy pahingi ng ten million."

Lawak ng ngiti ng babae nang maringgan ang inusal ko eh. Mukampera ampota.

"Ha? Para saan? Anong gagawin mo sa perang yon?"

"Ibibigay ko dito sa kidna---"

Dumaloy ang kuryente sa katawan ko nang yumuko si Jireh para bulungan ako sa tenga. Mas malamig pa sa bangkay na nasa kama ang boses niya.

"Huwag kang magsasabi ng totoo."

Napalunok ako ng laway.

Nagtatayuan ang mga balahibo ko hayop. Nginitian ko siya nang naiilang

"Ano, daddy, uhm ibibigay ko dito sa kidney cancer patients. Oo, uhm naaawa kasi ako eh hehehe gusto ko silang tulungan..."

Pakiwari ko'y hindi ako paniniwalaan ni Daddy. Hindi naman kasi ako yung tipo na mapagkawanggawa, alam na alam niya yan. Si Kuya Dos ang ganon. Yung tipong magpapatake-out siya ng pagkain sa restaurant para ibigay doon sa mga pulubi sa labas. Malayong-malaaaaayo ako sa ganon.

"Ganun? Sige, itatransfer ko na lang sa bank account mo, 'kay? Uwi ka na agad."

Jackpot! Mareredeem ko na ang buhay ko! Nabuhayan ako do'n ah.

"Thank you, Daddy. The best ka talaga. Hehehe"

"Sige. I'm proud of you, son."

Hindi ako proud sa sarili ko tho.

****

"Hoy! Bigyan niyo kami ng pagkain dito! Bibigyan ko naman kayong ten million di ba?! Hoy!" welga ko

"Ang angas mo talaga, Kuya. Idol kita" ang higpit ng yakap sa akin ng batang ito. Inakala niya talagang katapusan ko na kanina ha.

"Kaw eh, wala kang tiwala sa'kin. Sabi sa'yo dati akong tentacle ni Squidward." at muli ko nang binulyawan yung mga demonyo "Hoy! Kumakalam na ang sikmura ko! Hindi ako pinabayaan nang gan'to ng mga ama ko tapos gaganituhin niyo lang ako! Hooooy!"

"Itigil mo na muna nga ang pagtadtad mo ng mga daliri diyan, Jireh. Puntahan mo yun at nakakarindi, bigyan mo ng tinapay at 'pag namatay yan sa gutom, goodbye 10M."

Napaurong ako nang mabalitaan ko kung sino ang magdadala ng pagkain. Puta. Kakaba-kaba na baka tinapay na may palamang blood jam ang ipalulon niya sa'kin. Putanginang sadista yon eh.

"Kuya, ayan na siya."

"Shhh huwag ka matakot" pagpapakalma ko sa kanya kahit ako itong nanginginig na sa pangamba. Ang totoo niyan, pinakalma ko siya kasi mas natetense ako sa reaksyon niya.

"Hanggang dyan ka lang!" pigil ko sa plano ng gago na buksan ang padlock "Ilusot mo na lang, 'wag kang papasok" utos ko na walang habas niyang inignora. Ikinataka ko ang makitang kasama niya si sarat.

Inutusan Ako ni Paps Bumili ng ItlogWhere stories live. Discover now