Forty three

30.1K 783 12
                                    

Follow me on twitter (CloudPrincess24) at abangan ang susunod na updated, baka mamaya o bukas. :)



Lumabas kami ng locker room na parang walang nangyari, konti na lang ang tao sa gymnasium. Ang mga naglilinis na lang at may ilang tao rin sa bench kung  nasaan si Dael at laking gulat ko nung kausap niya si Maureen. Akala ko ba hihintayin niya ako sa cafeteria? Bakit kasama niya si Maureen?

"Anong ginagawa ng bitch na 'yan?" tanong ni Denise habang nakatingin sa dalawa, nag-iwas na lang ako ng tingin at hinila si Denise palabas ng gym. Ang akala ko pa naman ako ang hinihintay niya.

"Bakit hindi mo lapitan?! You have the rights to fight for him, boyfriend mo na siya at may karapatan kang akinin si Daelan mula sa babaeng 'yun!" sermon sa akin ni Denise at pinipigilan ako sa paghila ko sakanya.

"Hayaan mo na sila D, baka may pinag-uusapan lang sila tungkol sa isang activity or project." Sabi ko at pilit siyang makalmahin, nagmumukhang pa siya ang girlfriend at hindi ako pero hindi ko naman siya masisisi. Kahit ako mismo naiinis sa nakita ko pero hindi ako dapat magpaapekto lalo na't di ko alam kung ano talaga ang dahilan kung bakit sila nag-uusap.

"'Yan ang hirap sayo, masyado kang mabait para magalit. Kitang-kita mo na ngang mag-kausap ang ex-fling ni Dael pero hinahayaan mo lang." sabi niya at tuloy-tuloy na ang sermon niya sa akin.

Nakarinig ako ng mabilis na yapak kaya napalingon kami.

"I've been waiting for you." Hingal na hingal na sabi ni Daelan habang nakahawak sa tuhod.

"Nauna na kami since may kausap ka." Simpleng sabi ko at hinihintay ang susunod na reaksyon niya. Napaawang ang kanyang bibig na parang nagulat at agad naman niya itong sinarado.

"Mali ang iniisip mo, nilapitan nya ako para pag-usapan ang tungkol sa kaibigan naming nasa ospital. There's nothing between us." Sabi nya at parang sinasabi ko na may namamagitan sa kanilang dalawa kahit na wala pa akong sinasabi.

"Chill Dael, wala namang sinasabi sayo si Venice na may namamagitan sa inyo ni Maureen. Masyado kang defensive." Sabi ni Denise at hinila ako.

"Let's go, gutom na ako." Sabi ni Denise at hinila ako palayo kay Daelan.

"Kumain ka V, kalimutan mo na yung nangyari kanina." sabi ni Denise kaya sumubo ako ng fries.

Nandito kami sa cafeteria para kumain at magpahinga na rin. May practice pa mamayang hapon kaya kailangan kong kumain kundi baka mahilo nanaman ako.

Pumasok kami sa susunod na klase kung saan kaklase ko siya, nagpaquiz siya saglit at dinismiss na niya kami.

"Nakailan ka sa quiz?" tanong sa akin ni Denise nang nakalabas na kami ng classroom para pumunta sa library para makapagpalamig dahil bakante namin ngayon since maaga kaming dinismiss.

"One mistake."

"Wow, talino. Ang daming bumagsak kanina, ikaw lang ata ang one digit ang mali." Sabi niya, pinagpatuloy namin ang paglalakad hanggang sa nakarating kami sa library.

"Nandito rin pala ang dakila mong boyfriend."sabi ni Denise at nginusuan si Dael na nakaupong mag-isa sa isang mahabang couch. Anong ginagawa niya dito? May practice sila, ah.

Tinignan ko ang buong library kung may bakanteng upuan pa pero wala, tanging yung kay Daelan lang ang bakante. Parang sinasadya nyang sakanya ako makikishare ng table at upuan.

Inirapan ko siya at akmang tatalikuran kaso nahawakan niya ang braso ko.

"Hey, are you mad?" tanong niya at hinarap ako sakanya pero agad akong nag-iwas ng tingin. Ayoko siyang tignan sa mata baka mawala lahat ng tampo ko sakanya.

St. Cloud State University: Venice (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon