Thirty eight

35.9K 823 34
                                    

“Ayan nanaman s’ya sa labas.” Nakatingin si Denise sa bintana ng classroom namin, alam ko kung sinong tinutukoy n’ya pero ayokong kompirmahin yun.

Nag-focus lang ako sa sinusulat ng prof. namin sa physics sa whiteboard. For the first time, walang pumapasok sa utak ko because of that man.

Nung nag-dismiss na yung prof. namin, nakipag-sabay kami nina Denise sa mga kaklase naming lumalabas ng classroom. Siguro naman di na n’ya kami masusundan.

“Bilisan mo, D.” sabi ko, hila-hila sya.

“Bakit mo ba kasi sya iniiwan, ayaw mo yun. May gusto rin sayo yung taong gusto mo.” Agad kong tinakpan ang bibig n’ya kaya napatigil kami.

“Shh! Baka may makarinig!” Ang dami pa namang tenga nung Maurene na yun.

“E ano naman sakanila kung may gusto si DAEL sayo? Wala naman silang magagawa.” Nananalangin ako na iniisip nilang baliw ‘tong si Denise kaya kung ano ang pinag-sasabi.

Hinawakan ko ang braso n’ya par asana hilain sya ulit kaso pag kaharap ko, isang lalaking naka-black v-neck ang  sumalubong sa akin, halata sa shirt nya kung gaano well defined ang chest n’ya pati na rin ang biceps at triceps nya sa braso. God, tell me. Ito ba ang sinasabi n’yong may gusto sa akin o pinag-lalaruan n’yo lang ako?

“Thought I lost you again.” Ilang araw ko na s’yang hinahanap pero in the end, nakikita n’ya ako either sa library o cafeteria o minsan doon sa ilalim ng narra.

“Dael, why are you here? Wala ka bang klase?” nag-bugtong hininga s’ya bago sumagot.

“You really don’t want me here.” Nakabusangot sya habang sinasabi n’ya yun.

“Hindi naman sa ganun, I’m just worried…”

“You’re worried because of me?” tila may kung anong ilaw ang sumindi sa mukha n’ya na kaninang mukhang stress at ilang gabi nang hindi nakakatulog ng maayos.

Napalunok ako at tinignan si Denise na kasama na pala si Clay.

“Dael naman.” You’re really making this hard for me.

“Tara sa cafeteria? Libre ko.” Sabi nya at di ko agad napansin na nasakanya na pala ang bag ko.

“No need to do that Dael.”

“But I want it to do that for you Venice.” Sabi nya sa malambing na boses at mga ilang segundo ko lang narealize na ginaya n’ya ako.

“And I know na hindi ka kakain ng break time kung hindi kita bibilhan.” Napalunok ako sa sinabi n’ya coz it’s true. Baka mag-stay lang ako sa library at basahin ang bago kong biling libro dahil ayokong ma-out of place kina Denise at Clay.

“Nasaan pala si Hero?” tanong ko kina Denise na sumusunod sa amin.

St. Cloud State University: Venice (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon