Thirty five

35.8K 1K 78
                                    

"What are you doing here?"

"I'm looking for the comfort room." Nag-taas ako ng kilay

"There's a comfort room downstairs." Sabi ko, di ko alam kung nag-lolokohan ba kami dito o ano. Tumawa sya sa sinabi ko, nag-taas ulit ako ng kilay.

"Do you think I'm that stupid?" tumawa sya. "I was just checking on you, baka wala ka ng balak bumaba e." napangiti ako sa sinabi nya, I should act that I'm mad at him pero eto ako ngayon, ngumingiti.

"Bababa naman talaga ako, this is my house." Wala naman talaga akong balak mag-kulong sa kwarto knowing na nandito ang crush ko, no way...

"There's nothing wrong on checking." Sabi nya at nag-smirk, ayan nanaman ang smirk yang parang may pinaplanong masama.

"Ewan ko sayo Dael." Sabi ko at nauna ng bumaba, agad kong naamoy ang sinigang galing sa kusina, my favorite.

"Bakit kung kelan diet ka dun nila nilalabas ang masasarap na pagkain?" tanong ko sa sarili ko habang nakaharap sa table kung saan may sinigang at vegetable salad (na para sa akin pero di ko kakainin dahil nandyan ang sinigang).

"Nag-ddiet ka parin?" napatalon ako sa nag-salita sa likod ko.

"Hero!"

"Wag ka mag-diet ngayong gabi, mukhang ang sarap ng sinigang ni manang." Sabi nya sabay amoy ng pagkain sa hapagkainan. Natawa ako sakanya, para syang nag-cocommercial.

"Dinner time!" sigaw ko dahil hindi ko alam kung nasaan sila.

Parang kabute namang nag-silabasan ang tatlo, wala sa gitna dahil si Daddy lang ang umuupo doon. Katabi ko si Hero sa kanan, pinangkuha nya ako ng kanin at pinag-sandok ng sabaw sa bowl ko. Umupo si Dael sa harap ko, looking at me seriously, biglang uminit ang pisngi ko, how can I eat if he's in front of me?

"Ang aga nyo palang kumakain." Sabi ni Alex habang kumakain. "Manang, the best ang sinigang nyo!" sigaw nya, natawa na lang ako.

Pagkatapos naming kumain, nag-sitayuan na para mag-jamming sa music room. Naiwan ako at si Hero para iligpit ang pinag-kainan.

"Naku, ako na hija." Sabi ni manang at kinuha ang hawak kong pinggan para ilagay sa lababo. "Lagay ko lang po 'to doon." Sabi ko at nilagay ang mga plato sa lababo, ginaya naman ako ni Hero.

Napatingin ako sa oven at naisipan kong gumawa ng cupcakes para sa kanila.

"I almost forgot na marunong ka palang mag-bake." Nakwento ko sakanya na hindi ako marunong mag-luto, tanging mag-bake at kumain lang talaga.

"Hero!!!"

"Tinatawag ka na dun." Sabi ko at tinulak sya palayo dahil alam kong di sya aalis.

Nilagay ko lahat ng mga gamit sa kitchen counter, kinuha ko ang Ipad sa kwarto ko para mag-tignan kung ano ang ibbake ko ngayon.

"Kung carrot cake kaya? How about banana chocolate?" bulong ko habang nkatutok sa ipad.

Napag-desisyon kong carrot cake nalang dahil kakaubos lang ng saging dahil kinain ng mga mga boys kanina.

Pagkababa ko ng ipad nagulat ako nung nakita ko si Dael na nakaharap sa ref at umiinom ng tubig. Napatingin ako sa adam's apple nyang tumataas baba, yan ang unang bagay na nag-paattract sa akin.

Gumalaw yung mata nya at tumingin sa akin, nag-iwas agad ako ng tingin at tumalikod para hanapin yung mga ingredients sa cabinet.

"Are you going to bake?" tanong nya. "Uh-huh." Sabi ko dahil ayokong pakita sa kanya na namumula ako dahil sa simpleng paglunok lang nya.

"Do you need help?" tanong nya nung nakita nyang nahihirapan akong abutin yung harina na nasa pinakataas ng cabinet.

Di pa ako nakakagalaw ay agad nyang inabot ang harina kaya naamoy ko ang pabangong kinahuhumalingan ko pa noon.

"Ahh..." fudge! Di ako makagalaw sa posisyon namin, isang pulgada lang ang layo ng ilong ko sa ilong nya, nararamdaman ko rin ang init ng hininga nya kasabay ang amoy mint.

"S-sorry." Sabi nya at bumaba na ng foldable step stool bumaba na rin ako dala ang ilang ingredients.

"Di ka ba nila hinahanap doon?" tanong ko, di kasi ako komportable sa mga titig nya, nasa harap ko sya kinakain ang mga grated carrots.

"They don't need me, nandoon naman si Hero." Napatingin ako sakanya pero agad ko yun binawi.

"Wag mo ngang kainin yan, di pa luto yan." Sabi ko at kinuhag sakanya ang platong puno ng grated carrots.

Hinalo ko lahat ng ingredients pero di ako makakilos ng mabuti dahil sa mga titig nya.

"Will you please knock it off?" tanong ko sakanya

"What?" he asked, smirking. "That."

"Ayaw mong tulungan kita, kinuha mo yung carrots kaya titig na lang ang ginagawa ko."

"Tulungan mo na lang akong ilagay 'to sa muffin pan." Sabi ko at tinuro ang muffin pan sa bukas na cabinet.

Mas mabuti ng ganyan kesa yung tinititigan nya ako.

Nilagay nya ang mga molders sa muffin pan. "Bakit hello kitty?" tanong nya, I like hello kitty kaya halos lahat ng molders ko hello kitty ang design.

"I like hello kitty." I said.

"Hello kitty you're so pretty~" natawa ako sa pagkanta nya. "You sounds like gay." Sabi ko habang tumatawa.

"Hello kitty kitty you're so pretty pretty~" ulit nya with kembot pa, binato ko sya ng tissue. "Bakla!" sabi ko sabay tawa, biglang nag-seryoso ang mukha nya at umubo ng panglalaki.

"Sinong bakla?" sabi nya na malalim ang boses.

"Ewan ko sayo." Pagkatapos ko lagay lahat sa molder ay nilagay ko na sa oven na kanina ko pa pinainit.

"Ako na dito." Sabi nya at ilalagay na sana nya ang isang muffin pan sa oven pero napaso nya. "Aray." Sabi nya, agad ko yun kinuha at hinipan.

"Nag-mamadali ka kasi, kelangan mo kasi ng ganito." Binigay ko sakanya ang pot holder.

"Ang sakit parin." Tinignan ko ulit yung kamay nya, lalong namula yung pagkapula nya.

"Hala! Wait, kuha lang akong ointment." Sabi ko at tinalikuran sya pero pinigilan nya ako.

"I don't need it; a simple kiss will ease the pain away." Lumaki ang mata ko sa narinig ko, k-kiss?!

"You didn't know that? Kapag may sugat o paso mas faster ang pag-galing kung ikikiss mo." Inilapit nya sa mukha ko yung kamay nya na may paso, pinag-masdan ko lang yun, hindi masink-in sa utak ko yung sinabi nya.

"If you don't want to, ako na lang." bago nya nilayo ang kamay nya sa akin ay agad ko itong hinalikan pero saglit lang.

"Happy now?" tanong ko, ngumiti syang at tumanggo ng parang bata.

"Super happy."

St. Cloud State University: Venice (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon