Sixteen

51.6K 1.1K 55
                                    

Di ko kayang pumasok ngayon kaya mag-s'stay ako sa condo ni Ate, I don't want to go home cause I know mom will get curious why I went home early.

I have ate's card, nasa France siya to study fashion and she gave me her card dahil baka mawala nya daw doon.

"Gusto ko rin yatang mag-cut." Biglang sabi ni Denise. Malapit na kami sa condo ni Ate

"Game ako dyan!" at nag-sama ang dalawa



Tuloy tuoy sila sa pag-park at pagpasok ng building, alam nila yung suite dahil nasabi ko kanina.

Nauna sila sa paglalakad kesa sakin.



Sige, bahala kayo dyan. Nasa akin naman yung swipe card.

I slowly walk towards them, nasa tapat na nila ang pintuan and they're waiting for me. Nasa mukha nila ang pagkainip, alam kong excited silang makita ang condo ng ate ko.

"Hurry V! My tummy hurts!" Nilakihan ko sya ng mata, diba sya nahiya? For pete's sake! Katabi nya si Hero!



Agad-agad akong pumunta sa tapat ng pinto and swipe the card para mabukas yung pintuan.

"Syempre joke lang!" sigaw ni Denise sabay takbo papasok ng condo kasama si Hero.

Okay naisahan nila ako doon ah.



Isa-isa nila tinignan yung mga picture frames namin nina Ate.

"Venice, ang ganda mo dito oh." Turo ni Hero sa isang frame noong grade 5 ako at 3rd year high school naman si Ate.

"Oo, payat pa ako dyan." Tumaba lang ako nung high school na ako, kapag nag-rereview ako lagi akong kumakain ng kung ano-ano. Yun siguro ang dahilan kung paano ako lumobo ng ganito.



Pumunta akong kusina para ipag-handa sila ng makakain, alam kong gutom sila kahit alas-otso pa lang ng umaga.

Nag-handa ako ng loaf breaf na may nutella, nag-handa na rin ako ng beverage namin para hindi na ako bumalik.

"Ang ganda ng ate mo, siguro kung kasing payat mo sya magkasing ganda kayo." Sabi ni Denise habang tinitignan yung solo picture ni Ate, naka red gown sya at naka upo sa elegant sofa. Isa yan sa pictures ni Ate nung nag-momodel pa sya, oo nag-momodel sya dahil wala daw syang ginagawa kaag free time nya noong college.

"Impossible." Bulong ni Hero pero narinig ko, ouch. "She's more beautiful than her sister kahit may baby fats sya." Bigla namang umangat lahat ng dugo ko papunta sa mukha ko. Sya ang kauna-unahang lalaki (except to my Dad) ang nag-compliment sa akin ng ganun.



Bigla naman ako hinatak ni Denise palayo kay Hero.

"May nahahalata ako, may gusto ata yang si Hero sayo V." she said that made me shocked.

"Impossible, we're just friends and besides, he likes someone else kaya imposibleng may gusto sya sa akin."

St. Cloud State University: Venice (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon