Six

56.9K 1.1K 111
                                    



-Venice-

"Bye na Be!" paalam ni Denise tapos kiniss ako sa cheeks. Be ang tawagan namin, short ng BEstfriend. Ang sweet no? Parang mag-syota lang kami. Hahaha

"Bye Be! Ingat ka!" sabi ko, sumakay na sya sa kotse nya at ako naman pumasok na sa bahay.



7 pm na at dinner time namin kaya dumiretso ako sa dinning room at naabutan sina Mommy at Daddy. Every Friday umuuwi si Daddy at Mommy tapos sa Monday yung alis nila pero minsan si Mommy bumibisita to check us out.

"Welcome home Daddy!" bati ko kay Daddy tapos kiniss ko sya sa cheecks, kiniss ko rin si Mommy.

"Nasaan si Ate?" tanong ko habang kumukuha ng kanin

"She's working Baby, mal'late daw sya ng uwi." Sabi ni Mommy, kumukuha parin ako ng kanin

"That's too much Venice." Suway sa akin ni Daddy kaya tumigil ako sa pag-kuha. Binawasan nya ng kalahati yung kanin ko

"One cup is enough." Sabi nya tapos pinag-kuha naman ako ni Mommy ng appetizer. Wala akong magawa kundi ang mag-pout, gusto rin kasi akong I'diet ni Daddy e natatakot ako sakanya kaya hinayaan ko na lang.



Kumain ako ng mabagal, ninanamnam bawat butil ng kanin kasi alam kong Hindi na ako makakakuha ng isa pang round.

"Baby, dapat ganyan." Sabi ni Mommy habang tinitignan akong kumain

"It's difficult." Sabi ko habang kumukuha ng ulam, babawi na lang ako sa ulam

"You'll get use to it, you just need some practice." Natigilan ako sa pag-nguya. Practice? Which means mag-h'hire sila ng instructor, dietician, at teacher para sa table manners?! Come on, kill me now.

"But Dad, don't you think it's too early for me to diet? I mean, there's time for that thing." Sabi ko tapos sumubo ng full spoon na kanin with sauce tapos yung beef. Ang sarap!

"Venice..."

"Mom, I promise na mag-d'diet ako pero hindi ngayon."





Pag-katapos namin kumain, dumaretso na ako sa kwarto para mag-bihis pero nagulat ako nang ibang wall ang bumungad sa akin, kung dati white and black ngayon red violet. Pumasok ako sa kwarto at nag-iba pati rin yung kama, study table pati yung mga design. Ang ganda! Parang kwarto ng dalaga. Wait, dalaga naman ako ah.



Pumasok ako sa walk-in-closet, may mga damit na nadagdagan, meron ring nabawasan. Tinignan ko yung isang closet na puro shirt ang nakalagay pero nung binuksan ko, kalahati na lang ang mga shirts! Napalitan ng blouses at sando na naka-fashion!



Tinignan ko yung mga yun, okay lang naman. Hindi naman kita kaluluwa kapag nasuot ko 'to pero yung mga size ay small. Tinawag ko si Manang para sabihing nag-kamali ata sya ng closet na pag-lalagyan ng mga 'to

"Sainyo po talaga yan. Si Madam pa nga po ang nag-lagay nyan sa closet nyo." Sabi nya tapos nag-paalam ng umalis.



Naguguluhan ako sa narinig ko, wala sina Mommy at Daddy ngayon. Ibig bang sabihin na akin talaga 'tong mga small sizes na mga blouse at sando? E paano ko 'to masusuot e medium ang size ko, edi kailangan ko pang mag-diet para masoot ko 'tong mga 'to? Ang gaganda pa naman.



Kinabukasan, sinuot ko yung floral jeans at pink v-neck na shirt na bagong bili ni Mommy sa akin baka kasi bilhan pa ulit ako ng damit ni Denise kapag simple yung suot ko.



Habang papasok ako ng gate may mga babaeng nag-hihintay. Nag-b'bulungan sila nung nakita ako, di ko na lang pinansin, wala rin naman akong mapapala sa kanila e.

Nung nakalagpas na ako sa kanila bigla silang nag-tilian at nag-hiyawan, pag-lingon ko nakita ko si Dael na naka v-neck shirt at black jeans na pinagkakaguluhan ng mga babae, patagal ng patalag padami ng padami yung mga babaeng nakapaligid sakanya.



Napa iling ako at nag-patuloy sa pag-lalakad. Kaya pala may pagka playboy si Clay kasi babae mismo yung lumalapit. Haaay...



Habang nag-lalakad ako, may lalaking tumatakbo na parang may tinatakbuhan sya. Nag-stop sya at lumingon sa likod nya, since nasa likod nya ako, ako yung nakita nya. Poker face lang sya, Hindi yung kaninang nakangiti habang nilalapitan ng mga babae.



Nag-patuloy lang sya sa pag-lalakad, hanggang sa hagdanan. Ang cool nyang mag-lakad nakakadagdag appeal yung gitara nyang naka-sabit sa likod nya, tapos yung buhok nyang messy na parang Korean star tapos ang cool pa nyang mag-lakad, sakto lang yung katawan nya tapos yung biceps pa nya ang laki. Waaah.



Habang nag-hahanap pa ako ng description para kay Dael, biglang may humarang sa aking grupo ng mga babae. Sila yung kalikod namin ni Clay nung isang araw.

"I thought our school is for the one who has beauty and brain, bakit nandito 'to?" tanong nung nasa gitna tapos tinuro ako, nag-tawanan naman sila.

"Unfair ata ang school." Singit pa nung isa, mag-lalakad n asana ulit ako kaso hinarangan nila ako

"Where do you think you're going, famewhore?"

"True. She's indeed a famewhore. Una si Clay Baby tapos si Denise." Yumuko na lang ako, bakit ba kasi ako dumaan dito? E alam ko namang dito yung tambayan nila para hintayin sina Clay.



Nakayuko lang ako habang nilalait-lait nila ako

"You're ugly."

"You're fat."

"You're like a frog, big and ug-"

Nagulat ako ng biglang may pumagitna sa amin, tinignan ko sya at laking gulat ko nung si Dael yung pumagitna sa amin.

"Could you please shut up and let this girl go?" simple tanong nya

"Baby Dael..." lamig nung babaeng nasa gitna kay Dael

"Shut up." Sabi nya tapos tinignan ako na para bang sinasabi nyang umalis na ako kaya nag-lakad na ako, walang nagawa yung mga babae kundi tignan ako ng masama



Nag-lalakad ako ng bigla nya akong nilagpasan, tinawag ko sya

"Ano, salamat." Sabi ko pero tinignan lang nya ako



[NOTE]

If you have question to ask and want to get updated in my stories follow me on my new account in Twitter @CloudPrincessWP. I'm willing to be your friend *wink* Thank you. :*

St. Cloud State University: Venice (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon