II • CHAPTER TWENTY ONE • II

25.1K 701 46
                                    

Anya's POV

Dale is acting strange.  Is he hitting on me?  But that is impossible.  I know he doesn't like my kind.  Walang - wala ang itsura ko 'dun sa syota niyang mukhang tinubuan ng melon sa dibdib.  Feeling ko walang mapag - tripan ang lalaking ito kaya ako ang pinagdidiskitahan.

"Where are we going to stay?" Tanong ni Dale habang nakasunod sa akin.  Tinatawagan ko si Nikko pero hindi pa niya sinasagot ang tawag ko.  Alam naman niyang parating na kami.

"Nikko is not yet picking up." Naiinis na ako kahit paulit - ulit ako sa pag - dial sa number niya.

"I told you he is bad news.  He is going to stood you up.  Siguradong may nakita ng ibang babae dito," sabi pa ni Dale.

Inis na inirapan ko siya.  "Shut it, Dale."

"Anya!  Anya!"

Sinundan ko ang boses ng tumatawag sa akin at nakita kong si Nikko iyon kumakaway sa akin.  Kumaway din ako sa kanya at hindi ko mapigilang ngumiti.

"Ganda talaga ng ngiti kapag si Nikko ang nakikita.  Ang ngiti mo hanggang ulo na." Pang - iinis pa niya.

Tiningnan ko siya ng masama.  Nang - iinis siya pero hindi naman siya nakangiti.  Seryoso lang ang mukha ni Dale.

"You're not funny right now.  Shut it," inirapan ko siya at ngitian ko si Nikko na malapit na sa amin.

"Who said I am being funny?" Sagot ni Dale.

Hindi ko na lang siya pinansin.

"Hi Nikko." Bati ko ng makalapit ito sa amin.

"Hi, Anya.  I thought you're going to ditch me." Sabi ni Nikko.

"Magagawa ko ba sa iyo 'yun.  So where are we going to stay?" Tanong ko.

"We'll be staying at my friend's house.  We will party all night.  Malapit lang dito sa beach ang house nila.  I'm sure, you'll enjoy your stay here."

Ngumiti lang ako sa kanya at tumingin ako kay Dale.  He is not smiling.  Ang itsura nga niya ngayon 'yung parang itsura niya kanina 'nung nananaginip siya.  Parang kaya niyang pumatay ng tao.

"Where is he going to stay?  He is with me.  I can't leave him," sabi ko sabay turo kay Dale.

Tinapunan lang ng tingin ni Nikko si Dale. 

"Maraming spare rooms doon.  Tara na.  We'll start the party." Hinawakan pa ni Nikko ang kamay ko para makaalis kami doon.  Hindi ko na ginawang tingnan si Dale kasi baka maging monster na talaga siya at kainin kami ni Nikko.

The house is big.  Nandoon ang ibang mga kaibigan ni Nikko.  They are getting ready to swim at the beach.  Itinuro niya ang isang room sa akin tapos ay katapat noon ang kuwarto ni Dale.

"Bihis ka na.  We will swim at the beach then party ulit mamaya.  Mag - eenjoy ka for sure.  Hintayin kita sa labas ha?" At iniwan na niya ako.

Nakita kong nakatayo lang si Dale sa tapat ng kuwarto ko.

"So okay ka na diyan?" Tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot pero galit talaga ang itsura niya.

"Ano ba?  Ang sungit mo.  Mag - enjoy na lang tayo 'no.  Dapat kasi isinama mo si Angel para hindi ka third wheel.  Diyan ka na nga.  Bihis na ako." Hindi ko na hinintay na sumagot si Dale.  Pumasok na ako sa kuwarto.

Agad akong nagbihis ng panligo.  Matagal na ang two piece bathing suit ko na ito na binili ko pa sa Hawaii pero ngayon ko lang masusuot.  Napangiti ako ng humarap ako sa salamin.  Bagay naman. 

Wicked Escape (COMPLETED)Where stories live. Discover now