II • CHAPTER NINE • II

28.2K 858 54
                                    

Anya's POV

He couldn't be serious that he is going with me.  Ayoko ng may kasama.  I want to experience this by myself.  Saka bakit ba siya sasama sa lakad ng may lakad?  'Di siya din.  Gumawa siya ng lakad niya.  Ang alam ko, makikitira lang ako sa kanya pero wala sa usapan namin na papakielaman niya ang mga trip ko.

Tumingin ako sa salamin at ngumiti ako sa reflection ko.  Wala namang nagbago sa akin pero pakiramdam ko ang gaang - gaang ng pakiramdam ko.  Tingin ko sa sarili ko ang ganda - ganda ko.  Ewan.  Siguro kasi kahit hindi ako nakangiti, maaliwalas ang mukha ko.  Siguro kasi, masaya ako sa ginagawa ko ngayon.  Nakalaya ako sa pagkakabilanggo sa buhay kasama sila daddy.

Napahinga ako ng malalim at kinuha ko ang phone ko.  I looked for our family picture na nasa picture gallery ko.  Napangiti ako ng mapakla.  Of course I missed them.  My dad, my mom, my younger brother Luke. 

"I'm sorry," mahina kong sabi habang nakatingin sa picture niya.

I am saying sorry kasi hindi ko ma - explain ang saya na nararamdaman ko kahit hindi ko sila kasama.  I am saying sorry kasi umalis ako at hindi nagpaalaam sa kanila.  But I know they would understand.  Lalo na si dad.  Kapag bumalik ako, maiintindihan niya kung bakit ko ito ginawa.

Pero sa totoo lang, I find it weird na hindi ako hinahanap ni dad.  This is so unusual.  Hindi ko pa nakikita ang mukha kong nakakalat sa social media as a missing person.  Wala pang mga security na naghahanap sa akin.  Hindi ko alam kung hindi talaga ako hinahanap ni daddy o magaling lang talaga akong magtago.

Nagsuot lang ako ng shorts, fitted t-shirt and sneakers.  Sakto lang ang pera na dinala ko
para hindi ako makagastos ng madami.  I need to save for my money hangga't wala pa akong trabaho.

Lumabas ako sa kuwarto at parang wala na si Dale.  Thank god.  Mas gusto ko nga na wala siya para wala ng magtatanong at para hindi ko na maalala ang nangyari kanina.  Kahit hindi niya alam na nakita ko siyang hubad.  Oh god.  Pumikit ako at umiling - iling.  I want that image to take off my head.

Lumabas ako ng bahay.  Only to find Dale leaning on a big bike and it looks like he is really waiting for me.

Napalunok ako.  Parang gusto ko siyang picturan sa itsura niya.  He is just wearing a black jeans, white fitted v-neck shirt and hi-cut black chucks.  I never seen a guy looks hot right now.  Idagdag pa ang mamahalin niyang big bike. Puwedeng ipost sa instagram.

"Tagal mo.  Napanis na ako ng kakaintay sa iyo," reklamo niya at ihinagis sa akin ang isang helmet.  Mabuti na lang at nasapo ko iyon.  Ang bigat!

"What?  I told you I want to go alone," sagot ko.  Nakita ko siyang inaayos na isuot ang helmet niya.

"And I told you I want to come along to your field trip.  Don't worry.  Ililibre naman kita.  Sagot ko na entrance sa National Museum at Planetarium," sagot niya at sumakay sa bike. 

Siguro ay napansin ni Dale na hindi ako kumikilos at hawak ko lang ang helmet kaya bumaba siya sa bike at lumapit sa akin.  Bahagya akong napaatras kasi ang tangkad niya.  Para siyang tore na nakatayo sa harap ko.  Tapos ang bango pa niya.  What is this smell?  I know this perfume. 

Clinique Happy for men.

Kinuha niya ang helmet sa kamay ko at isinuot iyon sa akin.

"Safety first.  Baka may magalit sa akin kapag nalaman na hindi ko iniintindi ang safety mo," sabi niya habang inaayos ang helmet sa ulo ko.

And even his breath.  Ang bango.  Ang kinis din ng mukha niya.  Walang blackheads.  Alaga kaya sa derma? 

"I - I don't have a boyfriend." Parang wala sa sariling sabi ko.

Wicked Escape (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon