II • CHAPTER SIXTEEN • II

26.5K 765 20
                                    

Anya's POV

Hindi ko alam kung ilang oras kaming bumiyahe ni Dale. Hindi ko rin alam kung anong lugar ito pero nababasa ko sa nadadaanan namin, papunta itong Cavite. Trece Martires.

Pumasok kami sa parang pa-lib-lib na daan. Nakakatakot. Puro talahiban. Pero nakikita ko sa mga poste na napakaraming cctv ang nakakabit doon. Paliko na kami sa isang kanto ng bumagal ang takbo ni Dale tapos ay huminto siya pero hindi naman niya sinabi na bumaba kami sa big bike.

"Bakit Dale?" Taka ko.

Hindi siya kumibo tapos ay umiling tapos ni-rebolusyon niya ang bike at mabilis kaming umalis doon.

Malaking gate ang tumambad sa amin. Kita kong nababakuran ng gate na iyon ang isang malaking bahay. Parang ancestral house. Huminto kami sa tapat ng gate.

"Stay here," utos ni Dale tapos ay tinanggal niya ang helmet niya at nag buzz.

Inirapan ko lang siya. Kanino kayang bahay 'to?

Bumukas ang gate at nakipag - usap si Dale sa nagbukas na lalaki. Napakunot ang noo ko. I can see guns na hawak ng ibang mga lalaking lumabas din. Tapos ay nakita kong nakatingin sila sa akin. Maya - maya ay lumapit ang isang lalaki.

"Mam, sunod na po kayo kay Sir. Ako na ho ang bahala sa Ducati niya," nakangiting sabi ng lalaki sa akin.

Sir? Tinatawag na Sir si Dale? Ano ba siya dito? Nagtatanong ang tingin na ipinukol ko kay Dale at sinenyasan niya lang akong lumapit. Tinanggal ko ang helmet ko at ibinigay ko sa lalaki.

"Kanino bang bahay 'to?" Tanong ko kay Dale ng makalapit ako. Naglakad lang kami papasok. Malaki ang bahay. Kahit luma, mukhang alaga naman sa maintenance.

"Kuya Dale!"

Pareho kaming napatingin sa tumawag sa pangalan niya at patakbong lumapit sa kanya. Mahigpit itong yumakap kay Dale.

Kita ko ang kasiyahan sa mukha ni Dale.

"Ang laki mo na, Donnie." Sabi ni Dale.

"Are you going to stay here? Uuwi ka na?" Masayang - masaya ang mukha ng tinawag niyang Donnie.

Ngumiti lang si Dale at tumingin sa akin.

"My brother Donnie." At bumaling siya sa kapatid. "This is my friend, Anya."

"Girlfriend mo, kuya?"

"No! No," agad na sabi ko.

Tiningnan ako ni Dale tapos ay napailing.

"Talagang maka - no, eh. As if naman na gusto rin kitang maging girlfriend." Iiling - iling na sabi niya.

"Kuya!"

Mabilis na umalis sa tabi ko si Dale at patakbong sinalubong ang isang teenager na naka - upo sa wheelchair.

"Dylan," marahan pang hinaplos ni Dale ang ulo ng lalaking naka - wheelchair tapos ay niyakap niya.

"Buti umuwi ka na, kuya Dale. Miss na miss na kita," sabi ng lalaki.

Nakita kong bahagyang namasa ang mata ni Dale at ngumiti.

"Kamusta ka na, Dylan?"

"Medyo naigagalaw ko ang mga paa ko. Sabi ni daddy, there is still a chance that I can walk. I don't know. But I am hoping para makapag-bonding ulit tayo. Katulad noon na kasama natin si mommy."

"Dylan," narinig kong saway ni Donnie.

"Puntahan ko lang si dad, ha? Babalikan ko kayo." Sabi ni Dale at tumingin siya sa akin. "Sandali lang ako. Are you going to be okay here?" Sabi niya sa akin.

Wicked Escape (COMPLETED)Where stories live. Discover now