II • CHAPTER EIGHT • II

28.6K 865 53
                                    

"Doing what you like is freedom. Liking what you do is happiness."

—————->>>>

Anya's POV

I woke up early. I'll plan my schedule for today. Uunahin ko na munang pumunta sa Luneta. Tapos isusunod ko ang Planetarium, tapos National Museum. Hindi mawala ang ngiti ang labi ko. Sobrang excited ako.

Lumabas ako at sumilip kung gising na si Panginoong Dale. Walang nakahiga sa sofa. Pero feeling ko parang hindi naman natulog doon. Parang maghapon - magdamag lang siyang nakababad dun sa off limits niyang kuwarto.

Okay. Maliligo muna ako.

Diretso ako sa cr. Pero alanganin ako kasi baka nandito siya. Kumatok ako. Isa. Dalawa. Nilakasan ko pa. Walang sumasagot. Pero naririnig kong bumubuhos ang tubig mula sa shower.

"Dale?" Kumatok ulit ako. Nasaan kaya siya. May naririnig akong music na nanggagaling sa kuwarto niya. Baka naman nandoon? I tried to push the door. Bumukas ng bahagya. Hindi naka - lock. So siguro nandoon nga siya sa kuwarto niya at nakalimutan niya lang patayin ang shower.

I opened the door widely only to find Dale bathing under the shower. Gusto kong sumigaw pero napatakip lang ang kamay ko sa bibig ko. Walang kahit na anong tunog na lumabas doon.

He is totally naked. Looking up but his eyes closed letting the water drip down to his face. His palms are both resting on the wall. Parang sobrang pre-occupied niya at hindi alam ang nangyayari sa paligid niya. Parang dinadama lang niya ang paglagaslas ng tubig mula sa shower sa katawan niya.

Unconsciously I swallowed. Hindi ko alam kung sisigaw ba ako or tatakbo o ano. Pero iba ang reaksyon ng katawan ko. Hindi ako makagalaw. My eyes are fixed looking at his bare, wet and hot body. Shit. What kind of description is that? Wet and hot? Ano ba 'to?

I saw him turned off the shower faucet kaya natatarantang isinara ko ang pinto at umalis doon. Parang nanghihinang napaupo ako sa sofa. Humihingal pa ako.  This is the first time that I saw a naked man at hindi ko alam kung matatakot ba ako o ma-e - excite.

Lalo akong kinabahan ng bumukas ang pinto ng banyo af lumabas doon si Dale na nakasuot ng shorts. Tinutuyo niya ng tuwalya ang buhok niya. Nakita kaya niya ako? Alam ko hindi naman kasi nakapikit ang mata niyang nagsa - shower siya.

"Aga mong gumising, ah." Puna niya sa akin. Lumakad siya at naupo sa sofa na malapit sa akin. Lalo akong napalunok. Halos hindi ko marinig ang hininga ko sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kahit nakabihis si Dale, hindi pa rin mawala sa isip ko ang nakita ko kanina.

Panakaw akong sumulyap sa kanya at busy lang talaga siyang magpunas ng buhok niya. I can smell his shower gel. The scent is so manly. Bumabagay sa itsura niyang parang model ngayon.

"Maliligo ka?" Tanong pa niya.

"H - ha?" Ano daw? May tinatanong ba siya?

Parang nagtataka siyang tumingin sa akin.

"Gising ka na ba talaga? Bakit para kang tulala diyan?" Sabi pa niya. Tumayo siya at tinungo ang kusina. Kumuha siya ng mug at nagtimpla ng kape.

"Y - yeah. M - maliligo lang ako," at patakbo kong tinungo ang banyo. Nagkulong ako doon. Siniguro kong naka - lock ang pinto at hindi mabubuksan ni Dale iyon.

Shit. Shit! I can't believe I saw him naked. Mariin kong ipinikit ang mata ko pero parang tukso na nakita ko doon ang hubad na katawan ni Dale. Napahinga ako ng malalim at marahan kong sinabunutan ang sarili ko. I need to think straight! Matagal - tagal pa akong titira dito kaya kelangan na alisin ko sa utak ko ang nakita ko.

Wicked Escape (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora