II • CHAPTER TWELVE • II

26K 738 13
                                    

Anya's POV

Kanina pa ako dito sa kama pero hindi na ako dalawin ng antok.  Parang praning pa rin ako at iniisip kong may papasok na namang babae dito sa kuwarto at gagapangin ako. Natawa ako.  That was a first.  Siguro talagang maraming babae ang Dale na ito.  Sabagay, guwapo at macho naman talaga ang kumag na iyon kaya impossibleng kokonti ang babae niya.

Bumangon at naupo ako sa kama.  Tumingin ako sa relo and it is past two am only.  Ano ba ito?  Gusto ko lang matulog para meron akong energy kapag naghanap ako ng work mamaya.  Pero mukhang malabo na akong makaalis kasi nga, puyat na puyat na ako.

Lumabas ako sa kuwarto at nakita kong nakahiga sa sofa si Dale.  Natutulog.  Pero bakit ganoon?  Pawis na pawis siya.  Bahagya pang nakakunot ang noo.  Binuksan ko ang fan at itinapat ko sa kanya para naman maging kumportable siya.  Nakakahiya.  Bahay niya ito pero nagtitiyaga siyang matulog dito sa sofa.

Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig. Napakunot ang noo ko kasi parang narinig kong umuungol si Dale.  Mabilis akong lumapit sa kanya at totoo nga.  Umuungol nga siya.

"No," narinig kong sabi ni Dale.  He is dreaming.  Lalong dumami ang pawis niya.  Napalunok ako kasi he is shirtless lying on the sofa.  Laki talaga ng katawan niya.

"Dale," sinubukan ko siyang gisingin pero umungol lang siya.  Binabangungot na yata siya.  Pabiling - biling ang ulo niya.

"Dale, wake up."  Bahagya ko ng niyugyog ang balikat niya but still, he is in deep trance.  Umangat pa ang kamay niya na parang may hinahawi.  And I saw tears from his eyes. 

He must be having a nightmare.

"Dale." Nilakasan ko na ang yugyog sa balikat niya and he opened his eyes this time.

Pero mas nagulat ako sa pagsigaw niya at pagbalikwas ng bangon tapos ay walang sabi - sabing sinakal niya ako.

I was shocked.  I can't move.  His hand is just choking my neck.  Is he going to kill me?

"D - Dale, I - I can't b - breathe," I am gasping for air.  I am trying to remove his hand from my neck pero ang higpit 'non.

He is just looking at me.  Parang tulala pero patuloy ang pagdaloy ng luha sa mga mata niya.  Maya - maya, unti - unti ay lumuluwag ang pagkakahawak niya sa leeg ko.

"Anya?" Parang gulat na gulat siya at parang napapasong binitiwan ang leeg ko. 

Napaubo ako at takot na tumingin sa kanya.

"Oh, shit!  Anya?  Oh god!  I'm sorry!" He pulled me closer to him and he embraced me tightly.  "I am sorry."  Paulit - ulit niyang sinasabi iyon.

I can't move.  Natatakot akong gumalaw kasi baka kung ano ang gawin niya.  I don't know who is this man.  Kahit pinsan siya ni Emma, I still don't know what he is capable of doing.

"I am sorry.  Please.  Sorry," paulit - ulit siya.

What will I do?  What will I say?  He looks like a broken man.  What happened to him?  I never saw him so low like this.  I always see him smile, jolly yet tough but not a mess like this.  He look so beaten, so lost.

"It's okay," tanging nasabi ko.  I felt I don't need to vent out any anger because of what he did because of this situation.

"It won't happen to you.  I'll protect you.  I won't let anything bad happen to you," sabi niya habang nakayakap ng mahigpit sa akin.

"Dale, it's okay.  It was just a dream," sabi ko sa kanya.  Pinapakalma ko lang siya kasi kung anuman ang napanaginapan niya, it must be something really scary para matakot siya ng ganito.

Wicked Escape (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon