MISSION ORDER

109K 1.4K 38
                                    

Dale's POV

"Nakita mo na ang nangyayari diyan kay Carbonel? Sa kagaguhan sa babae, ayan. Para nang masisiraan ng ulo."

Natatawang tiningnan ko si Mason na palakad-lakad sa opisina niya na pailing-iling. Hawak nito ang ilang folders para sa mga mission orders namin at sigurado ako, isa sa mga ito ay para sa akin.

"Big deal ba na-inlove si JD? Pabayaan 'nyo naman sumaya 'yung tao. Na-brokenhearted na tapos minsan lang magka-lovelife, kontrabida pa kayo," humilata ako ng higa sa couch sa opisina niya.

Sinamaan ako ng tingin ni Mason. Nag-peace sign ako sa kanya at naiiling na umayos ako ng upo. Mukhang wala sa mood ang matandang-binata na boss namin ng Circuit. Talaga naman kasing apektado siya sa nangyayari kay JD. First time nga naman na nagkaloko-loko ang misyon ng right hand man niya. Magmula ng mag - join ako sa International Circuit Security Agency four years ago, ngayon ko lang nakita na sumablay si Carbonel.

"I told you. All of you. Never mix women and your job. Sa dami ng mga mission orders sa atin, alam kong minsan talagang napapalapit tayo sa mga subject natin. Pero putangina naman, nakakita lang ng maganda, bumigay na. Ang dami-dami niyang naging subject na maganda. Mas maganda pa diyan kay Lucy," tonong nagrereklamo pa rin si Mason.

Nagkamot ako ng ulo. "Wala ka ngang magagawa doon. True love ang tumama sa kanang kamay mo. So tablado tayong lahat doon."

Umiling si Mason at napahinga ng malalim. "I don't know how he is going to handle this. Ninong pa ni Lucy si Dimalanta. Parang hinukay na ni JD ang libingan niya." Ibinaba ni Mason ang mga hawak na folders at kumuha lang doon ng isa.

"Matigas 'yang bata mo. Sigurado ako, malulusutan niya 'yan. Magaling gumawa ng paraan 'yun. Kaya nga top agent mo, eh." Natatawa pa rin ako at inagaw ko ang folder na hawak ni Mason. "Ito ba ang bagong mission ko?" At binuklat ko ang folder. Nakita ko ang isang litrato ng isang matandang lalaki. Itsurang pulitiko.

"That is Senator Andres Benavidez. Nakabakasyon sa Bataan ngayon kasama ang buong pamilya," sabi ni Mason.

Benavidez. Bakit sobrang pamilyar ng apelyido na iyon?

"Siya ang senator na bumabangga sa President ng bansa natin. Si President Nicanor Lustre. Siya ang naglabas na dinaya ang nakaraang presidential election kaya nagkakaroon ng recount ngayon. He got full security, but he wants to have agents from us. Additional security detail daw for his family." Paliwanag pa niya.

Hindi ako sumagot. Binabasa ko lang ang mga reports na naroon. Senator Benavidez was married to a former beauty queen Josephine Dizon. They have two children. One girl and one boy. No other details. Kahit mga pangalan ay wala. Masyadong private ang senador pagdating sa mga anak niya. Hindi niya ito inilalabas sa media. Tanging ang asawa lang nito ang isinasama sa mga social gatherings na nakikita ko sa diyaryo at tv news.

"Wala naman sanang problema but medyo takot din si Senator dahil hindi maliit na pader ang binangga niya. He has some death threats. Kung sa kanya lang daw, ayos lang. Pero kasama niya ang pamilya niya kaya mas gusto niya ang dobleng proteksyon."

"Kaya ayoko ng politics. Sakit sa ulo 'yan," natatawang sabi ko at ibinalik ko sa mesa niya ang folder. Muli akong naupo sa sofa niya at itinaas ko pa ang mga paa ko sa center table na naroon.

Tumingin ng makahulugan sa akin si Mason at dinampot ang folder na kanina lang ay hawak ko.

"Sooner or later, you need to face who you are, Dale." Tumawa din ng nakakaloko sa akin si Mason. "Hindi mo matatakasan na darating ang panahon, you need to follow the footsteps of your father and your grandfather."

Wicked Escape (COMPLETED)Where stories live. Discover now