Chapter 9

15 0 0
                                    

Ysabelle

        Hindi ko alam kung Bakit ako tinatamad ngayong araw. Well, araw araw naman akong tinatamad mula nang nagpunta ako dito pero iba ngayon. Yung feeling na ayaw mo nang umalis sa kama mo. Nagtataka din ako dahil wala pang gumigising sa akin pasado alas otso na. Mga ganitong oras, nandito na yung lalaking yun at nagbubunganga.

  Wala akong choice Kung hindi ang bumaba dahil di naman na ako makatulog.

Nadatnan ko si Maya sa hapag.

"Miss Ysa, gising na pala kayo. Kakain na ba kayo? Bawal daw po kayo magutom sabi ni ser".

"Saan ba siya nagpunta? "

"Ah si ser po, nasa municipyo po. May pulong kasi piyesta na Dito sa susunod na buwan at lagi po siyang tumutulong sa ganoong mga selebrasyon". Mahabang paliwanag ni Maya, tumango nalang ako bilang tugon.

"Hindi pa ako gutom, coffee nalang muna ako".

"A Sige Miss Ysa, gusto niyo po muna tumambay sa hardin, doon ko nlang po dadalhin yung kape niyo".

"Sige Salamat. Magtimpla ka rin ng sayo, sabayan mo ako" Sabay ngiti ko sa kanya. Mukhang nabigla siya pero kalaunay ngumiti rin.

Wala pang sampung minuto at nakita ko na si Maya na bitbit ang dalawang tasang kape.

Pagkalapag nito'y dinampot niya ang isa at ibinigay sa akin. Nagpasalamat naman ako.

Napansin kong nakatayo parin siya at di ginagalaw ang kape niya.

"What are you doing? Umupo ka at samahan mo ako. Wag ka nang mahiya". Agad namang siyang naupo at nagtaka dahil abot tenga ang ngiti niya.

"Mabait pala kayo, Akala ko kasi masungit kayo eh. Alanganing tugon niya".

Napangiti naman ako.

"Pasensya na, mainit Talaga ulo ko nung bagong dating ako dito. Ayaw ko kasing magpunta dito, utos Lang kasi ito sa akin. Force leave kumbaga".

"Hay naku miss Ysa, Hayaan mo na. Mag eenjoy ka dito!"

"Sana nga. At wag mo na akong tawaging miss. Ysa nalang at huwag ka nang tumanggi". Tatlong tango naman ang ginawa niya bilang sagot.

"Alam mo Miss Ysa, ay Ysa pala. Gusting gusto ko pumuntang Manila. Para maiba kumbaga. Gusto ko rin ipagpatuloy sana yung pag aaral ko" pag kukwento ni Maya. Napatingin naman ako sa kanya.

"Bakit di ka magpalam kay Sebastian ?"

"Nahihiya Ako sa dami ba namang tulong na binigay niya sa amin. Nandito ako para magbayad mg utang na loob, kung hindi sa kanya ay naka sangla parin ang lupa at bahay namin at di matubos tubos sa pagkakasakit ng Itay. Pinag aaral niya din ang mga dalawang nakababata kong kapatid. Sobra sobrang tulong ang ginagawa niya sa amin".

Napaisip ako. Mabuting Tao pala si Sebastian.

"Kung gusto ko sumama ka sa pag uwi ko at mag aaral ka". Sabay ngiti ko sa kanya.

"Naku talaga po? Ang bait niyo naman po. Pero wala akong pera eh. Mag iipon nalang po muna ako".

"Wag ka mag alala. Libre yun kasi may foundation ang company ni dad kung saan kumukuha kami ng mga kabataan which are willing to be helped to pursue their education".

"Eh paano naman po ako magbabayad?'

"I told you libre yun. At if your thinking where you were staying, you can stay at home. Pwede kitang maging PA para di ka mahiya". Paliwanag ko. Nakita ko namang maluha luha siya.

"Ang bait bait niyo naman po" tas tumulo ng lubusan ang luha niya. Sa kalaunan ay tumawa din.

"Nga pala, kilala mo si Arthur? Yung kapatid ni Ingrid. Sabi kasi niya sa akin ay dati silang malapit ni Sebastian?" Nakita ko namang nagulat si Maya.

"Eh parang wala po ako sa sitwayon para mag kwento.  Baka mapagalitan po ako ".

"Hindi naman ako tsismosa no. Sabihin mo na". Pangungulit ko.

"Sige po. Pero wag niyo pong ipagkalat o sabihin sa iba na sinabi ko baka malintikan ako". Tumango naman ako.

"Kasi po ganito yan"... pagsisimula ni Maya. "Matalik po talagang mag kaibigan yan mula noong nag aaral pa sila sa college dahil mag kasosyo ang kanilang ama sa negosyo noon. Palagi po silang magkasama at magkalaro kasama na rin si Ingrid. Pero nagkaroon ng kumpetisyon ng dumating ang matalik na kaibigang babae ni Arthur mula ibang bansa. Lingid sa Kaalaman ni Ser Seb na may gusto si Arthur kay ma'am Faye dahil hindi naman niya pinaalam kahit kanino. Eh si Ser Seb dahil sa maganda at mabait din kasi naman si ma'am Faye eh nagustuhan ni Ser. Niligawan niya at nagkamabutihan sila. Nagselos si Arthur. Isang araw inamin niya kay Faye na gusto niya Ito pero tumanggi ang babae dahil nga may relasyon na sila ni Ser Seb.

Napaisip ako, babae pala ang dahilan kung bakit nasira ang pagkakaibigan nila.

"Eh nasaan na si Faye? Sila parin naman ni Sebastian diba?" Pagtatanong ko.

"Wala na po. 2 taon na po silang hiwalay ni ma'am Faye. At magmula din noon, mejo naging mailap na din sa babae si ser."

"Bakit sila naghiwalay?"

"Yan po yung hindi ko alam pero ang sabi nila ay dahil na din kay Arthur. Dahil bago umalis si maam Faye patungo ibang bansa ay nagkapalitan ng kamao sina ser Seb at Arthur. Nabalitaan ko din na dinemanda ni Ser Seb si Arthur pero naibasura dahil daw dapat ang complainant ay yung mismong biktima , walang iba kundi si Maam Faye."

Wow, interesting. Ano kaya ang tunay na nangyari?

Patuloy parin ang pag iisip ko ng biglang nag paalam si Maya para ituloy ang naiwang ginagawa. Tumango naman ako bilang tugon.

Ilang minuto rin akong nakatunganga at nag iisip parin nang nakita kong may pumaradang sasakyan sa tapat ng bahay. Hindi naman kay Sebastian qng sasakyan dahil bago sa paningin ko.

Hindi ko inalis ang pagkaka titig ko. Hanggat bumaba yung driver at pinagbuksan ang passengers seat. Bumaba ang matandang babae na tantiya ko nasa 50 ang edad.

Halatang may kaya ang matanda at matapobre. Hayyy , Eto kaya yung lola ni Sebastian?

Hindi niya ako nakita kasi tuloy tuloy siya sa bahay. Saka medyo tago tong location ng kubo ay hardin.

Sumunod ako sa bahay matapos ang limang minuto. Pero pagkapasok ko ay nakahilera ang mga katulong at nakayuko habang nasa harapan nila ang matanda. Nakita ko rin si Maya. Ano gagawin ko?

"Diba sinabi ko na kapag dumating ako ay handa na ang lahat!? ' nagulat ako sa pagsigaw niya. Grabe, ganito ba to?

"Madame, hindi po kasi namin iniiwasan na darating ka... "

"So kapag alam niyong darating ako , doon lang kayo kikilos? Anong silbi ng pinapasahod sanyo ng apo ko? Mga mutyaya kayo dito, mga palamunin!" Tuloy tuloy na sabi niya at di na natuloy ni Maya ang dapat sabihin. Ito nga ang lola ni Sebastian.

"Ano bang pinagkakaabalahan niyo at di niyo magawang mabuti ang inyong mga tungkulin?"

"Madame, may dumating kasing bisita si ser ...

"At sino yang poncio pilatong bisita yan. Ganoon na ba siya ka importante?!!

"Si Ysabelle Trinidad po. Anak po ni sir Afonso. "

"Ang anak ni Alfonso? At bakit siya nandito? Nasaan siya ngayon, gusto ko siya makita".

Ay nabigla ako nang tumingin siya sa likuran at papunta yun sa akin. Na, nakataas ang kilay.

Like 'what'?


.....
To be continues

FAR ABOVE MY TOUCHWhere stories live. Discover now