E. Chapter 4 - the stay

33 2 0
                                    





Isang oras na ang nakakalipas ng muli akong bumaba at napagdesisyunan kong magtungo sa kusina dahil na rin sa gutom ako. Tapos naman na sigurong kumain yung lalaking yon. Nadatnan ko ang isang katulong na nag aayos ng mga gamit sa kusina. Nakita naman niya ako at tinanong kung nagugutom ako. Tumango nalang ako bilang tugon.

Nakakatalong subo palang ako ng may marinig akong nagsalita sa bandang tagiliran ko.

"Manang, pahingi ng isang plato at kakain din ako".

"Sige po ser, sandali lang po". WTH? Hindi pa siya kumakain? Kaya nga ako nagpahuli para hindi makasabay tong kumag na to tapos hindi pa pala kumain.

"Ser, Sebastian heto na po ang plato niyo". Tumango nalang siya. Hindi pa siya umuupo pero nakikita ko siya sa peripheral vision ko. Lumaki naman ang mata ko ng umupo siya sa upuan sa harap ko.

"Hindi naman siguro masama kung uupo ako dito?" inirapan ko nalang siya at ipinagpatuloy nalang ang pagkain ko.

"Magpahinga ka na ngayon, bukas, ipapasyal kita sa hacienda".

"Hindi na kailangan, dito nalang ako sa loob". Sagot ko pero hindi parin ako tumitingin sa kanya. At bakit naman ako sasama sa kanya, mamaya kung ano pa ang gawin niya sa akin.

"Sasama ka. Binilan ka sa akin ng Daddy mo". Na naman. Akala ko ba bakasyon 'to? Eh bakit parang kontrolado parin ni Dad ang sitwasyon dito.

"Okay, wala na pala akong choice dahil utos ni Daddy yan".

"Ako din ang magbabantay saiyo dito kaya lahat ng pupuntahan mo, dapat kasama ako. Lahat ng gagawin mo, dapat malaman ko muna".

"Pwede ba! Hindi na ako bata para tratuhin niyo ako ng ganito. 24 years old na ako".

"Utos ito ng Daddy mo kaya wa.."

"Oo na. Aakyat na ako. Tapos na akong kumain". Padabog akong umalis sa kusina at magtungo sa kwarto. Wala akong pakialam kung sabihan niya akong bastos sa inasal ko basta ang alam ko lang naiinis ako. At naiinis rin ako sa Sebastian na yon.

Kinuha ko nalang ang cellphone ko at napagtanto kong alas dos na ng hapon. Nagpasaya akong pumasok sa bathroom at maligo. wala na akong magagawa kung bilin 'to ni dad. Ayaw ko mang sumama bukas sa kanya, as if I have a choice.

Pagkatapos kong maligo ay nagpasya akong lumabas ng bahay. Nagtungo ako sa hardin dahil hindi naman ganoon kainit para tumambay dito. nakikita ko rin ang ilang mga trabahador na naglalakad patungo siguro sa kanilang mga gawain. Tahimik. Sobrang tahimik. Hindi gaya ng lungsod na ingay ng paligid, sasakyan at kung ano pa ang naririnig. Masaya sigurong manirahan dito kung gugustuhin ko, pero mas gusto ko paring manirahan sa Maynila dahil nandoon ang buhay ko. Nandoon ang trabaho at hilig ko. Hindi gaya dito na wala naman akong ibang gawain kundi ang mainis sa presensya ng lalaking iyon.

Speaking of the devil... nakikita ko siya ngayon sa di kalayuan at may kausap na babae. Akalain mo nga naman, malandi pala ang isang ito. Tinignan ko ang babae at nakita kong damit Maria Clara ito. Tsk, pero kung makahampas sa balikat ni Sebastian talo pa ang mga kababaihan ng 21st century. Haliparot. At ito namang lalaking ito, hindi man lang ngumingiti, puro tango at kakaunting salita lamang ang lumalabas sa bibig base sa nakikita kong galaw ng kanyang bibig. Bakit ko ba sila tinitignan? Tsk! Sinisira nila ang magandang tanawin na aking nakikita. Kung sana magtago nalang sila sa kung saan, mag sasaya pa ako.

Bago pa mapuno ng galit ang puso ko sa di alam na dahilan na ikinagaglit ko, siguro dahil sa aroganteng lalaking to.... ay tumalikod na ako sa kanila. Nakakasuyang tanawin!

FAR ABOVE MY TOUCHWhere stories live. Discover now