G. Chapter 6 - The Incident

26 3 0
                                    



Ang hinayupak na lalaki... ang Maria Clara nga ang inasikaso! Akala ko ba ako ang ipapasyal niya. Nangangati na tong kamay ko at gusto nang dumapo sa pisngi ng Ingrid na iyan. Halata masyado, tsk! Di na nahiya... naka blusa at saya nga pero ubod naman ng landi.

Bahala na sila.. ako nalang mag-isa maglilibot dito.

Umalis na lang ako ng hindi nagpapaalam sa kahit na sino. Naglakad lakad ako sa mga taniman dito at natuklasan kong marami ang pananim dito gaya nalang ng Punong kahoy,niyog, kakao, mangga. Mga prutas na papaya, bayabas,. May pinya din at mga gulay na tanim, mais at may malawak ding pasto ng mga hayop. Nakita ko rin ang kwadra ng mga kabayo. Hindi na ako nagtaka kung may kabayo man dito kasi malawak naman ang hacienda ng kumag na iyon.

Napatingin ako sa nanggalingan ko at medyo napapalayo na ako pero tanaw ko parin naman ang ibang trabahador mula dito. May nakikita din akong pakalat kalat na tao dito kaya hindi naman siguro ako mawawala.

Maya maya pa ay may narinig akong lagaslas ng tubig pero mahina ito at talagang hindi mo mapapansin ito kung hindi mo talaga mapapakinggan. Lumapit pa ako para tignan kung ano man ang bagay na iyon. Lumalakas ng lumalakas habang ako ay papalapit. Nakikita ko na ang bahagi nito...

It's a falls

Naexcite naman ako dahil first time kong makakakita ng falls sa malapitan at dito sa Pilipinas. Masyado akong naengganyo sa tanawin nito at mas lalo pa akong lumapit para makita pa ng malapitan ang talon.

Masyado kong binigyang pansin ang talon at hindi iniinda ang daang tinatahak ko pero sa di inaasahan ay napatid ako ng baging na nakalaylay sa lupa.

"Wahhhhhhh, help me!" My God! Mamamatay na ba ako? Mabuti nalang at nakakapit ako sa hindi kalakihang ugat ng puno malapit sa akin ngunit kung walang makakarinig sa akin agad dito ay sigurado akong mapipigtas ito dahil mlambot ang lupa nito at paniguradong gugulong ako pababa.

Tinignan ko ang pwedeng bagsakan ko kung sakali mang makakabitaw ako dito. Nanginig ako ng makita kong maraming putol na Punong kahoy at matutulis na bato ang sasalubong sa akin.

"Please!!! Tulungan niyo ako!" Mas malakas na sigaw ko pero hindi ko alam kung may makakarinig sa akin dahil na rin sa lakas ng lagaslas ng tubig dito. mas linakasan ko pa ang pagsigaw ko pero nahihirapan na ako. nangangalay na din ang mga kamay ko. Natatakot ako at hindi ko alam kung hanggang dito nalang ba ang buhay ko. (Sisingit si author - Hindi naman siguro dahil chapter 5 palang)

Naiiyak ako pero walang luha ang lumalabas. Hindi ito ang panahon para umiyak ako. kailangan kong gumawa ng paraan.

Ganoon nalang ang pasasalamat ko ng may narinig akong tao na nagtatakbuhan patungo sa kinalalagyan ko.

"Tulungan niyo ako!"

"Miss Ysa! Anong nangyari. Ben! Halika at tulungan mo ako dito!" lumapit naman ang isa pa sa trabahdor at tinulungan akong hilaan pataas. Pagkatapos akong mailigtas ay napaupo ako sa sobrang pagod at sa sobrang takot.

"Miss Ysa, okay lang po ba kayo?" Tinignan ko ang nagtanong at nakita ko ang tumulong sa akin at iba pang mga trabahador na tumatakbo patungo sa akin. Ang dami nila, mga kinse siguro. Tumango ako at nagpasalamat. Sinubukan kong tumayo pero nanginginig parin ang tuhod ko at muling napaupo. Nakita naman ito ng mga nakakita sa akin at nag prisintang tulungan ako. hindi na ako tumutol dahil sa hindi ko pa talaga kayang tumayo. Pero pa man ako makapaglakad ng isang hakbang ay dumating si Sebastian at nakita kong madilim ang kanyang itsura. Nakakatakot.

"Anong nangyari"


>>>>Sebastian

Napansin kong lumayo si Ysabelle pero hindi ko nalang pinansin dahil marami namang trabahador dito na maaaring tumingin sa kanya.

FAR ABOVE MY TOUCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon