F. Chapter 5 - Concerns and insecurities

25 1 0
                                    




Lilingunin ko sana siya pero umalis na siya.

Damn! Ang sexy niyang mag English! Bakit may ganoong tao? Kahit pa ininsulto niya ako at tinawag na spoiled brat, hindi ko iyon ininda kasi.... natabunan yun ng paghanga sa paraan ng pananalita niya ng ingles! Huh! You're unbelievable Ysabelle! Nag English lang siya, nakalimutan mo na ang mga sinasabi niya saiyo? Huh! Nabingi lang siguro ako. wala! Nevermind that guy. Move on.

Nasa hapag kami ngayon at naghihintay na siya ang maunang kumuha ng pagkain. Gusto kong magpahuli para mas matagal akong matapos. Ayaw ko paring makasabay tong lalaking to. Marami na siyang masyadong ginawa sa akin na ikinakainis ko.

"Kumain ka na". Bakit ba kasi nagtatagalog siya? Mas gaganahan pa siguro akong kumain na kasama siya kapag narinig kong nagsalita ulit siya ng ingles. Huh! Baliw ka na Ysa. Napakababaw mo mag isip.

"You go first". Try ko kayang kausapin ng ingles at baka sagutin niya ako ng ingles? Good idea.

"Pati ba naman sa pagkain, matigas parin ang ulo mo?" Now, mali ata ang naisip ko. Masyado siyang makata. Hindi naman buwan ng wika ngayon.

Sa halip na kumuha ako ng pagkain ay humalukipkip ako na nagsasabing seryoso ako sa sinabi kong mauna na siya. Bumuntong hininga siya. Tss, matatalo ko pala to. Pero nagulat nalang ako ng tumayo siya at lumapit sa akin.

"Anong ginagawa mo?"

"Kumain ka na". Sabay lagay niya ng pagkain sa plato ko.

"Tama na! Hindi ko na mauubos yan". Tumigil na rin siya pero nakita kong puno na ang plato ko. Tinignan ko siya ng masama at nagkibit lang siya ng balikat. Sinimulan ko na ang pagkain ko na may inis sa katawan. Kelan ba ako nakakain ng matino mula ng dumating ako dito? Palagi nalang siyang panira.

"Gumising ka ng maaga bukas. Sasama ka sa hacienda". Hindi nalang ako umimik dahil wala naman akong magagawa.

"Mag suot ka din ng damit na kumportable ka. Wag magsuot ng maiksi dahil masisira ang kutis mo sa araw".

"Tss". Tinignan niya ako ng masama sa reaksyon ko. Wala akong pakialam.

"Aakyat na ako". Hindi ko na hinintay ang pagsagot niya at tuluyan na akong umakyat sa kwarto ko. Tss, ayaw ko parin siyang makasama. Pero bukas, magkakasama kami ng halos buong araw.

Nag shower lang ako at nag ayos ng sarili ko bago nagtuloy sa higaan.

>>>>>>>>

Kinabukasan

Masarap ang simoy ng hangin at malamig din sa buong kwarto kaya napapasarap ang tulog ko. Pero mas lalong lumamig ng maramdaman kong natanggal ang gamit kong kumot sa katawan ko. Pilit ko parin itong hinahanap habang nakapikit parin ang dalawang mata ko.

"Sinabi kong gumising ng maaga pero anong oras na?" Nagulat ako sa boses na iyon na may halong galit. Masyadong seryoso. Ganoon pa man ay unti unti ko paring iminulat ang mata ko at hindi ininda ang taong nagsalita malapit sa akin.

"Wala ka ba talagang balak bumangon diyan?" Halata na ang galit sa boses niya at tuluyan na ring naimulat ang mata ko sumambulat ang lalaking naka itim na t shirt, loose pants at medyo basang buhok na animoy kagagaling lang sa pagligo. Tumaas ang mukha ko sa mukha niya at nakita kong galit na galit na siya.

"Tititigan mo nalang ba ako mag hapon o kikilos ka na diyan dahil kanina pa ako naghihintay sa labas". Kumunot naman ang nook o, tumingin sa relo at nakita kong 7:30 palang ng umaga.

FAR ABOVE MY TOUCHWhere stories live. Discover now