C. Chapter 2 - Santa Corazon

50 4 0
                                    




"God! The famous and rich Ysabelle Trinidad is on the land of nowhere!" bulong ko sa sarili ko pagkatigil na pagkatigil namin dito sa probinsya ng Sta. Corazon. Alas sais palang ng umaga at mahigit sa sampung oras din ang ginugol ko upang marating lang ito.

"Ms. Ysa, dito po ang daan".

"What?"

"Ms. Hindi na po makakapasok sa loob ang sasakyan. Mga malilit lang ng transportasyon ang maaring dumaan dahil sa makitid ang kalsada".

'This is insane'. Bulong ko parin dahil sa nangyayari sa akin ngayon. Now, I'm proclaiming that this is really a punishment.

"Saan tayo sasakay?" tanong ko dahil nga hindi magkakasya ang sasakyan papasok.

"Parating na po ang tricycle na pinakuha sa...".

"WHAT!". Nagulat naman ang drayber sa pagsigaw ko.

"Eh Ms. Ysa, yun lang po ang pwede.."

"Stop". Putol ko sa sasabihin niya dahil mas lalong nag iinit ang ulo ko sa dami ng nangyayari.

Mga ilang minuto pa ang nakalipas at bumungad sa akin ang dalawa ngang traysikel na susundo sa amin. Pumasok na ako sa loob kahit na amoy kalawang ito kesa naman sa maiwan ako dito.

"Ms. Ysa, kumapit lang po kayo sa hawakan baka po mahulog kayo dahil sa hindi pa konkreto ang ilang bahagi ng daan dito". Sabi ng drayber sa akin. Hindi ko siya sinunod dahil sa ayaw kong kumapit sa kakalawanging bakal ng traysikel. Inilabas ko ang headset at isinaksak sa tenga ko. Totoo ngang mabato at hindi pa ganoon kayos ang daan dito pero mas ayaw kong humawak sa makalawang na bakal. Maya maya pa'y naiidlip na ako dahil sa musikang na nangagaling sa telepono ng biglang nag U turn ang drayber sa mabatong daan at hindi ako nakahawak agad.

"Aray!" hawak hawak ko ngayon ang noo kong naitama sa malaking bakal sa gilid ng traysikel. Sa tingin koy nagkabukol ako at mukhang namahayan pa ng dugo.

"Ms. Ysa, okay lang po ba kayo?" tanong sa akin ng drayber ng traysikel na mahihimigan ng tunay na pag aalala.

"Yeah, I'm okay".

"Ms. Ysa, ang laki po ng bukol sa noo niyo!" gulat na sigaw niya.

"Okay nga lang ako. Bilisan mo na diyan at nang makarating na tayo kung ayaw mong ikaw ang sunod kong bukulan diyan". Singhal ko sa kanya dahil sa naiinis talaga ako sa mga nangyayari sa akin, mukhang natakot naman siya kaya't nagpatuloy nalang siya sa pagmamaneho. Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa isang malaking bahay ngunit napaghahalataan ang makalumang disenyo nito.

"Ms. Ysa, ito po ang "Dela Torre's Mansion, dito po kayo mananatili sa tatlong buwang bakasyon niyo po".

"Okay".

"Ms. Ysa, ang laki po talaga ng bukol niyo, pasensya na po".

"Don't worry, just give me some ice". Utos ko dito at agad naman itong tumalima. Habang kapa kapa ko ang noo ko ay pinagmasdan ko ang paligid. Alas siyete na at maaaninag mo ang kabuuan ng paligid. Halos berde ang kulay na makikita dahil sa matataas at malalagong puno, sariwa ang hangin at ang mga nag aawitang ibon ang aking naririnig. Tanawin. Ito lang naman ang nagugustuhan ko sa mga probinsya.

"Ms. Ysa, heto na po ang yelo. Saka po, nakahanda na po ang inyong silid kung nanaisin niyo mang magpahinga ay mararapat na". Halos dumugo ang ilong ko sa lalim ng pagsasalita ng dalagita sa aking harapan.

FAR ABOVE MY TOUCHWhere stories live. Discover now