Chapter 8 - A little bit of Information

31 2 0
                                    




>>>>>>>>>>Ysabelle



Kahit sinabi kong tutulungan ko si Manang Agnes ay hindi parin niya ako hinayaang makialam sa ginagawa niya. Ang sabi niya ay bisita ako at ang bisita ay pinagsisilbihan kaya't naupo nalang ako dito sa ilalim ng mangga malapit sa palayan at sa hindi kalayuan ay nakikita ko ang iba't ibang ginagawa ng mga trabahador dito. Karamihan ay nasa palaisdaan at tumutulong sa pag ahon ng lambat. Ang iba naman ay nasa palayan at mistulang iniinspeksyon ang pananim, ang iba naman ay nasa silong at abala sa kung anumang ginagawa nila. Hanggang sa dumapo ang paningin ko kay Sebastian na abala sa paghuhugas ng kanyang katawan sa maliit na poso. Pinasingkit ko ang aking mata at inaninag siya ng masinsinan. Batak na batak ang kanyang katawan at ang suot niyang black v-neck shirt mistulang kumakawala sa laki ng mga biceps at muscles niya. Bakit may ganitong nilalang sa probinsiya at itinatago ang taglay na ganda? Siguro kung luluwas ito ng Maynila at mag aaply bilang model ay tiyak na papatok ito sa madla. Bigla siyang lumingon sa gawi ko na agarang pagbawi ng aking tingin. Nakita niya kayang tumitingin ako sa kanya? So? Ano ngayon ang masama? Masama na ba ang tumitig ngayon?

Naglakad siya palapit sa gawi ko at nananatili naman akong nakatingin sa kung saan.

"Kakain na tayo". At umalis na rin siya pagkatapos. Bastos talaga kahit kelan. Tsk, wala na akong nagawa kundi ang sumunod nalang sa kanya.

Marami ang pagkaing nakahain sa mahabang lamesa na inalaan sa pananghalian. Lahat kami ay nakatayo at walang kutsara't tinidor sa hapag. Magkakamay kami; kung saan ngayon ko lang mararanasan. Nasa tabi ko si Sebastian at mula kanina ay hindi pa ako iniimik o binibigyan ng tingin man lang. Anong problema niya?

Sa tuwing susubo ako ay napapatingin ako sa kanya dahil hindi ko maiwasang mapaisip kung anong problema niya. Bigla naman siyang tumingin sa akin pero imbes na ibahin ko ang tingin ko ay nananatili ang paningin ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya na waring nagtatanong kung may problema ako. huh! Ako pa ngayon? E siya nga tong biglang nanahimik eh.

"Ano bang problema mo?" Hindi ko na napigilan ang magtanong at alam kong nabigla siya, lumingon-lingon ako sa paligid at nakita kong nabigla rin ang mga kasama naming sa biglaang pagsasalita ko. Maging ang mga masayang nagkukwetuhan habang kumakain ay natigil rin. Bigla naman akong nahiya sa inasal ko. Tumingin ulit ako kay Sebastian at nakita kong nakangunot na naman ang noo niya. Huh! Nag mamaang maangan ka pa talaga ha.

Sa sobrang inis ko ay nagpaalam na ako sa harap ng kainan at sinabing tapos na akong kumain kahit ang totoo ay nakaka tatlong subo palang ako. tsk.

Dumiretso ako sa ilalim ng mangga, naupo at ipinikit ang mata. Ninanamnam ko ang ihip ng hangin na tumatama sa mukha ko pati na rin sa iba't ibang parte ng katawan ko. Napakasarap sa pakiramdam.

"Bakit ka umalis?" Napaayos ako ng upo at nagulat sa pagsulpot ng lalaking ito sa likod ko.

"Wala".

"Wala ka pang nakakain. Bumalik ka na doon at kumain ka ulit". Letse, ngayon kinakausap mo ako? Hindi kita kakausapin, manigas ka riyan.

"Look, I'm trying to be nice here".

"Huh, now you're trying to be nice here? Eh dapat kanina mo pa yan ginawa".

"Bakit ka ba nagagalit?" Natigilan ako. bakit nga ba ako nagagalit?

"Kasi napaka arogante mo. Kanina hindi mo ako kinakausap tapos ngayon lalapit lapit ka? Anong eksena mo?"

"Eh anong eksena rin yan?"

"Wahhhh nakakainis ka!" Tumayo ako at naglakad palayo sa kanya.

"Saan ka na naman ba pupunta?"

FAR ABOVE MY TOUCHWhere stories live. Discover now