CHAPTER 71- School Fest! [Day 1: Part 3]

42K 1.3K 888
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love... turns burning 'red' into 'yellow'.

Love... makes everyone soft, and vulnerable.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 71- School Fest! [Day 1: Part 3]

(K)NIGHT's POV


4:10 PM


Kakagising ko lang. Hindi ko matandaan kung kailan at paano ako nakatulog, pero kakagising ko lang.


And the moment my vision cleared-up, I saw-- Flare. Nagmamaneho siya sa tabi ko habang sinasabayan ng kanta ang tumutugtog na 'Come Out and Play'.


"Na- nasaan ako?" tanong ko sa kaniya.


"Kotse," sagot niya nang hindi ako tinitingnan. "Ko."


Lumingon ako sa paligid. Sa view sa harap namin, maging sa side ko ng bintana.


"Na- nasaan tayo?" tanong ko.


"Nasa loob na ng Hoshi."


Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang sinabi niya. 


Naalala ko bigla 'yung pagpunta niya sa unit ko kagabi at 'yung pag-iinom namin ng bitbit niyang cans ng beer. Nag-inom kami hanggang sa maubos lahat 'yon, tapos, king ina, 'di ko na alam kung ano'ng nangyari!


"B- b- bakit tayo nandito?" nagpapanic kong tanong. Na para bang sa loob ng isang war-zone kami papasok. "'Di ba sinabi ko na sa'yo na hindi ako pupunta sa festival?"


"Oo nga." Lumingon siya sa akin. "Kasi mahal ang gas, 'di ba?" 


Nginitian niya ako bago muling nagsalita. "Kaya nga eto, sinakay na kita sa kotse ko at pinagmaneho pa. Ako na ang sumagot sa gas mo." Mas lumapad ang ngiti niya, saka ako kinindatan. "Ayos ba, Night?"


Blangko.


Katahimikan.


Napa....


Napatulala ako bigla sa kawalan. 


Sa kaniya ako nakaharap habang tulala, pero 


sa kawalan talaga ako nakatingin.


Sa kawalan.


Kawa


lan.


KING


INA

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon