CHAPTER 51- This is bad.

244K 6.9K 3.1K
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love makes you greedy.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 51- This is bad.

MIKA's POV

"Bitawan mo si Dark, akin s'ya."

Nakita ko si Ni- si K. Suot n'ya ang maskara n'ya kaya di ko kita ang ekspresyon ng mukha n'ya, pero naiimagine ko 'yung intensity ng tingin ng mga mata n'ya kay Hell.

"Kung sa'yo s'ya, sana tumatakbo na s'ya ngayon papunta sa'yo at palayo sa akin. Pero parang mas gusto n'ya ata ako, kaysa sa'yo," sabi naman ni Hell, na ang intense narin ng tingin kay K.

Ano 'to, isang intense na love triangle scene? Pero pusa at hindi babae ang pinag-aagawan ng dalawang gwapong lalaki? Yung totoo?

"Nagtatampo lang 'yan dahil matagal akong nawala... pero akin parin s'ya," preskong sabi ni K. "At ayaw ko... " Natigil si Hell sa paghimas kay Dark noong biglang kinuha ni K ang kamay n'yang ipinanghahaplos n'ya rito.

"Ayaw na ayaw kong hinahawakan ng iba ang pag-aari ko." Biglang pinilipit ni K ang kamay ni Hell.

"K!" sigaw ko. Agad namang binitawan ni K ang kamay ni Hell. Kinuha na lang n'ya si Dark mula sa lap ni Hell.

"Fvck," sambit ni Hell habang tinitingnan ang namumula n'yang kamay.

"Hell, ayos ka lang b-" 'Di ko naituloy ang sasabihin ko dahil bigla na lang tumayo si Hell. Ubod nang talim n'yang tiningnan si K. Si K na kasalukuyang hinahalkan si Dark habang sinasabi ditong,

"Namiss kita Dark! Namiss mo ba ako? Namiss mo ba ako?"

Noong mapansin ni K na tinitingnan s'ya nang matalim ni Hell, agad ibinaba ni K si Dark sa sahig. Inunat-unat n'ya pakanan at pakaliwa ang leeg habang nakahawak ang isang kamay sa batok,

"Ano'ng tinitingin-tingin mo?" maangas n'yang sabi kay Hell.

Napansin ko ang lalong pagtalim ng tingin ni Hell kay K, maging ang pagsarado ng isa n'yang kamao.

Akala ko magsusuntukan na silang dalawa sa harapan ko (dahil lang sa isang pusa)... pero...

Imbis na sugurin si K, biglang bumaling si Hell sa akin. Tiningnan n'ya ako gamit ang pinakamaamo n'yang tingin (na sobrang ikinagulat ko).

"Look at you, stupid," sabi n'ya. "Your hair's all messed up." Bigla n'yang hinawakan ang buhok ko, hinaplos iyon 'saka isiningit ang ilang hibla noon sa tenga ko. Nakakaparalisa ang tingin n'ya sa akin noon habang ginagawa 'yon.

Matapos isingit ang buhok ko, tumingin si Hell kay K saglit, pero bigla din n'yang ibinalik ang tingin sa akin (na di ko talaga inasahan). Halos lumabas sa lalamunan ko ang puso ko sa sobrang panic.

"Sa kanya ka ba?" tanong ni Hell bigla sa akin. Naguluhan ako, sobra.

"Ha?"

Tinuro ni Hell si K, saka inulit ang tanong n'ya, "Sa kanya ka ba?"

Nakakatakot yung titig ni Hell sa akin habang nagtatanong, parang isang nakakasang baril.

Kabado akong umiling nang mabilis.

Agad na may nabuong maliit na ngiti sa mukha ni Hell. Inalis n'ya ang tingin sa akin atsaka bumaling kay K. Kay K na for some reason, nakatayong parang tuod sa harap namin at- teka, nakasarado ang isang kamao?

"Akala ko ba, mga bagay na pag-aari mo lang ang ayaw mong hinahawakan ng iba?" tanong ni Hell kay K, na sinamahan ng isang mayabang na ngiti.

Hindi sumagot si K, nakatingin lang s'ya kay Hell.

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon