CHAPTER 60- ROAD TO FINALS: Prelude | Music Books Before Boys! (Part 2)

133K 3.9K 1.4K
                                    

Continuation...

The next day...

MIKA's POV  

Nang magising ako, nasa loob na ako ng girls' room, sa kama ko. Sa pagkakatanda ko, sa salas ako nakatulog... paano ako napunta dito?

Habang iniisip ang sagot sa tanong ko, biglang may inabot na sulat sa akin si Rocket.

 "Pinapabigay ni Panda-man," sabi n'ya habang humihikab. 

"Ni K?" tanong ko. "S'ya ba ang nagdala sa akin dito sa kwarto?"

Tumango si Rocket. "Muntik ko na ngang nabugbog ang pakshet e. Naalimpungatan ako bandang alas tres kaninang madaling araw, tapos nakita ko s'yang nasa loob ng kwarto, nakayuko sa may kama mo. Akala ko hinahalikan ka n'ya habang tulog! 'Yun pala nilalagay ka lang sa kama." Natatawa't naiiling na kinuha ni Rocket ang kanyang tuwalya't uniform sa may cabinet.

Si K talaga, hindi na naman n'ya ako kailangang buhatin e. Sana ginising nalang n'ya ako. 

Napatingin ako sa sulat na hawak ko. Pinabigay 'to ni K kay Rocket, imbis na s'ya mismo ang magbigay... so ibig sabihin...

"Umalis na ba si K?" 

Napatigil sa paglalakad si Rocket na dapat ay palabas na ng kwarto (para maligo).

"Oo, kanina pang alas' singko. Alam na alam ko ang oras kasi ginising pa ako ng pakshet para lang humingi ng yellow paper at humiram ng ballpen! Muntik na 'kong inatake sa puso no'ng pagmulat ko 'yung nakamaskarang mukha n'ya ang tumambad sa 'kin! Hindi na ulit ako nakatulog dahil sa sobrang gulat sa pakshet!"

Ngayon gets ko na kung bakit parang antok na antok si Rocket.

Tuluyan nang naglakad palabas si Rocket para maligo. May pasok kasi kami mamayang ten. Alas' otso na ngayon. Kailangan ko naring maligo pagkatapos n'ya.

Napatingin akong muli sa sulat na hawak ko. Binuksan ko na 'yon at binasa.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Dear 'Return-to' place 

(na madalas ay Sausage),

Hindi ko nasabi sa'yo kagabi, pero baka kahit tapos na ang Finals n'yo, e wala parin ako d'yan. Dahil sa success ng ICU, sobrang puno ang schedule ng hinayupak na si Night ngayong buwan. Ni wala nga ata akong oras para maligo! King ina!

Anyway, matagal akong mawawala... kaya Sausage... mag-ingat... si Dark, pasabi sa kanya. Dahil mabait ako, sige, idadamay narin pala kita. Mag-ingat ka rin Sausage. Good luck sa exam!

P.s. 

Siguraduhin mong namiss mo 'ko nang sobra pagbalik ko ha? Kung hindi... IPAPAKALMOT KITA KAY DARK. PATI AKO, MAKIKIKALMOT DIN. *laser eyes + *threatening claws

P.p.s. 

Speaking of Dark, pakialagang mabuti ang itim na pusang 'yon ha? Pakainin mo nang marami. Pansin kong pumapayat s'ya these days, OMG. Hindi bagay ang payat kay best friend, kaya busugin mo s'ya, okay? Sa kanya mo ipakain lahat ng pagkain na hindi ko makakain habang walang ako d'yan.

'Yun lang. 

See you again, kung kailan man.

Nangangakong laging babalik,

K

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon