CHAPTER 12- GOOD DAY

278K 5.2K 298
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is when everything starts falling into place.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 12- GOOD DAY

MIKA's POV

Kulang na lang mabali ang leeg ko dahil sa sobrang pagkakatungo ng ulo ko habang naglalakad. Bawat studyante kasing madaanan ko titingnan ako mula ulo hanggang paa tapos pagtatawanan o di kaya naman pagbubulungan ako. Ugh! Kasalanan to nung pandang yun eh!

Kasi naman, nalate ako ng gising. 6:30 na nung magising ako dahil sa tawag nung bwisit na panda na nagpapaalala sakin na lutuin at dalhin ko yung pagkain n'ya sa rooftop ng Academic Building, 7 am sharp!

20 minutes halos ang nagamit ko sa pagluluto, inoorasan pa ako nung panda, panay text n'ya sa cellphone ko ng "10 minutes. 9 minutes" and so on! Eh matarantahin pa naman ako! Kaya ayun, hindi na ako nakapaligo, hilamos o suklay man lang. Nagpalit na lang ako basta ng uniform kong pangtaas at ang malala, sa sobrang pagmamadali, hindi ko na nahubad yung pajama na suot ko at yung pangbahay kong tsinelas! T^T Para tuloy ewan ang itsura ko, nakapajama underneath ng palda tapos puro fly away ang buhok at nakapang bahay lang na tsinelas!

"1 and a half second and times up!" sabi nung bwisit na panda sabay pindot nung timer n'ya sa cellphone na pinapakita n'ya sa akin.

Ako naman on the other hand, hinahabol pa ang hininga ko dahil sa sobrang pagtakbo para lang makaabot sa oras na sinet n'ya.

Pagkatingin ko sa kanya ng harapan (kasi kanina nakatungo ako at nakahawak pa sa mga tuhod ko habang hinihingal...)

"Bakit ganyan ang itsura mo? hahaha!" sabi n'ya. Pinagtawanan pa ako ng walangya!

"Ano sa tingin mo? Dahil sa kakatext mong walangya ka nataranta na ako sa pagbibihis! Ni hindi na nga ako nakapaghilamos!"

"Sinabi ko naman sayo na 7 am sharp ko kailangan yung pagkain ah? Hindi ko na kasalanan kung tinanghale ka ng gising. Akin na yung pagkain ko." Hinablot n'ya na lang basta yung plastic ng fried rice and bacon na dala-dala ko at tumalikod na s'ya sa akin at nagsimulang lumamon. Walang modo talaga lage, kainis!

"Ugh!" sigaw ko na lang sabay stomp ng paa ko at nagkunwaring hahampasin s'ya nung school bag ko nang tumalsik sa kanya yung keychain na nakasabit sa bag ko. Tinamaan s'ya nun sa ulo kaya naman napaharap s'ya sa akin.

Tinago ko yung bag ko sa likod ko at nagpanggap na inosente.

"Ano?" sabi ko tapos sisipol-sipol lang ako dun.

Napatingin s'ya sa ibaba n'ya at nakita yung keychain na tumama sa ulo n'ya. Patay.

Napalunok ako, patalikod na sana ako at handa ng tumakbo palayo pero nahawakan n'ya yung braso ko at agad akong naiharap sa kanya.

"Sayo ba 'to?" tanong n'ya habang pinapakita sa akin yung maliit na sausage na keychain. Aw, ang intense ng tingin n'ya sa akin.

"H-huh? Hi-hindi ah," pagmamaang-maangan ko. Nakakatakot po kasi yung tono ng boses n'ya at yung mata n'ya under the mask, pinandidilatan ako.

"Wag kang magsinungaling! Sumagot ka ng ayos!" sigaw n'ya.

Nagpanic na ako at sinabi na nga ang totoo, "Oo akin yan! Akin nga! Hindi ko naman sinasadya na tamaan ka nyan eh. Hindi ko naman alam na tatalsik sa'yo."

"Saan mo to nakuha?" 

"Sa restaurant na pinagtrabahuhan ko dati. Bakit mo ba tinatanong? Bitawan mo na nga ako." Aalisin ko na sana yung kamay n'ya sa braso ko pero bigla na lang n'yang binaba sa saheg yung plastic ng kinakain n'ya at iniharap ako sa kanya.

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon