CHAPTER 14- The Sun and The Moon

302K 5.5K 703
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is like the sun, so blindingly beautiful and warm.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 14- The Sun and The Moon

MIKA's POV

Nandito kami ngayon sa living room ng apartment namin, nag iisip na naman muli ng lyrics para sa original song namin. Deadline na ngayong araw, dapat makagawa na kami ngayon ng lyrics para kinabukasan practice na lang. 7 days na lang kasi contest na. Deadline na para sa lyrics ngayong araw and yet...

"Alexithymia? Anong klaseng title yan? Tapos ano tong lyrics mong to, 'Can you feel this appetence between us?' what the hell? Kailangan pa ng dictionary ng makikinig para maintindihan yung sinasabi ng kanta mo!" sigaw ni Ivan kay Ash nang tingnan nito ang lyrics ng kantang sinulat ni Ash. Nagpakitaan kasi sila ng lyrics.

"At least my song had sense, unlike yours. Ivan is awesome? What kind of title is that? It's very wrong and false in so many levels. Talk about too much self admiration to the point of being gross." bwelta naman ni Ash kay Ivan matapos mabasa ang lyrics ng ginawang kanta nito.

And just like that nagsimula na naman ang pag-aaway ng dalawang yun. Parang routine na nila ang constant na pagbabarahan at pagsisigawan eh. Habang nagtatalo sila dun, biglang nagring yung phone ko kaya pumunta muna ako sa veranda para makalayo sa ingay ng living room.

Sinagot ko yung tawag pagkadating ko sa veranda...

Ako: Hello pera- este panda! Napatawag ka? May ipapaluto ka ba?

Panda: Ang saya ng bati mo sa akin ngayon ah? Ano'ng nakaen mo? Tss. Anyway oo may ipapaluto ako sayo. Nandun yung ingredients at special instruction sa plastic bag sa harap ng pinto ng bahay n'yo. Dalhin mo yung pagkaen 1 pm sharp sa akin sa rooftop sa acedemic building bukas. Pag nalate ka ng isang minuto wala kang matatanggap na bayad. Bye.

Ako: Pero may klase ako n--

*toot toot

And just like that binabaan na n'ya ako. Still bossy as ever tch. Buti na nga lang nagbabayad s'ya tss. Okay lang naman siguro kahit malate ako ng ilang minuto sa subject ko bukas.

Pumunta na ako sa pinto ng apartment at nakakita ako ng isa ngang plastic bag sa doorstep. Tiningnan ko yung ingredients, shet lobsters! Malalaking lobsters! Nakakatakam! Kaso nung mabasa ko yung special instructions n'ya sa una palang may nakalagay ng, "Bilang ko yan, wag mo ng tangkaing bumawas." Selfish na panda na yun tsk. Pero napansin ko lang din huh, medyo malamig pa yung lobsters so kakadala lang nya yun sa doorstep ng bahay namin? Saan ba nakatira yung pandang yun? Minsan madadatnan ko na lang yung ingredients sa loob ng apartment. Fishy.

Nailagay ko na at lahat yung ingredients sa ref, nagtatalo parin si Ash at si Ivan, at ngayon pati si Rocket kasama na sa pakikipagsigawan. Tungkol kasi kay Air yung sinulat ni Rocket na lyrics (na obvious kasi 'Air' yung title ng kanta) eh ayun dahil certified Air-hater si Ash pinuna n'ya yung lyrics ni Rocket tapos si Ivan naman ayun nagsuggest na imbis na Air, Ivan na lang daw dapat yung title. Hay ang gulo po nila!

"Guys, listen! Listen! May sasabihin ako!" sigaw ko sa kanila pero tuloy parin sila sa pagsisigawan. Paano kami matatapos nito? T^T 

"Guys, listen! Listen! May sasabihin ako!" sigaw ko ng mas malakas pero waepek parin.

"Adafetwit%^^$%#%#$%#$@%^" << ganyan parin sila.

"Guys! Tingnan nyo naman ako oh! Tatamaan kayong lahat sa akin pag hindi pa kayo tumigil!" sigaw ko ng pinakamalakas at sa pinakamataas kong boses. Ayun, natigil rin sila.

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon