CHAPTER 3- FIRST DAY

512K 7.3K 1.8K
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is-- ugh! I don't know!  I just wanna die.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 3- FIRST DAY

MIKA's POV

Habang nakasakay ako dun sa kotse nung staff ni Ms. Coimhea na sumundo sa akin sa bahay para maghatid sa akin sa Hoshi Academy, hindi parin ako makapaniwala. Habang umaandar yung sasakyan pakiramdam ko nananaginip lang ako, and anytime bigla na lang akong magigising.

Noong nakarating na kami sa harap ng gate ng Hoshi Academy at nung makapasok na kami, doon lang talaga nag sink in sakin na totoong nangyayari talaga to lahat. Totoong simula ngayong araw na ito, studyante na ako ng Hoshi Academy, ang school na pinapangarap lang ng marami.

Pangalawang beses na akong nakapasok sa premises nung school pero namamangha parin ako sa nakikita ko sa paligid. School na may sariling mini city? Sosyal talaga. Nakakanganga lang.

Tumigil yung sasakyan sa tapat ng isang maliit pero magandang two storey apartment. (See picture on the side). Sa tingin ko yun na yung apartment na tutuluyan ko while I'm studying sa Hoshi Academy. Once per month lang kasi pwedeng umuwi ang mga studyante dito, that explains why maraming apartment and condos within the vicinity. Pinaliwanag ni Ms.Coimhea kay mama yung sitwasyon na ganun nga, once every month lang nila ako makikita. Actually nung una ayaw ni mama dahil dun, pero after thinking much about it, pinayagan niya narin ako (buti na lang). Bukod sa tight ang schedule naming mga studyante, training narin daw yun bilang paghahanda sa amin sa future, pag naging celebrities na raw kasi kami madalas malalayo kami sa aming mga pamilya dahil sa iba't ibang lugar kami makakarating.

Pagbaba ko ng sasakyan, dinala na ako nung babaeng staff sa loob nung apartment. Sa loob ang tumambad agad sa akin ay yung maaliwalas na living room na may white, black and wood motif. Sa tabi nung living room ay yung mini kitchen na may table for 6 people at isang bathroom. Sabi nung babae sa taas daw yung room ko, bale dalawa daw yung room sa taas, tatlo daw kami sa isang room. Pagkatapos niya akong itour dun sa baba, umalis na siya dahil nagmamadali ata. Kung may tanong pa daw ako, itanong ko na lang daw sa room-mates ko since lahat daw kami  pare-parehong 1st year music deparment students, naipaliwanag na daw niya lahat sa kanila. Sabi pa niya, since walking distance lang yung mismong school mula sa apartment, pwede na daw akong maglakad na lang papunta dun sa school para sa Welcome Ceremony nung school mamaya.

Pagkaalis nung babae, pumunta na ako dun sa second floor para ilagay yung mga gamit ko sa kwarto. Mga damit lang na kasya pang isang bwan, pati yung journal ko ang dala-dala ko. Yung bag, uniform and school supplies, yung school na daw kasi ang magpoprovide.

Ang room ko daw eh yung room sa kanan kaya dun ako pumasok. Kumatok ako pero walang nasagot kaya pinihit ko na lang yung doorknob. Nakapatay yung ilaw kaya binuksan ko, pero pag bukas ko...

"Waaaaah! Multo!" sigaw ko sabay sarado ulit nung pinto.

Nakakita kasi ako ng isang itim na figure na nasa ibabaw nung kama pagbukas na pagbukas ko nung ilaw. Takot ako sa mga multo. Takot na takot.

Napasandal na lang ako dun sa pinto habang hawak hawak pa ang dibdib ko, teary eyes ako dahil natakot talaga ako. Hindi ko alam kung papasok pa ba ako sa loob.

Biglang may babaeng lumabas dun sa isang room dun sa kaliwang part nung 2nd floor.

"Ayos ka lang ba miss? Ikaw ba yung sumigaw?" tanong niya paglapit niya sa akin. Isa syang babaeng may medyo wavy chestnut brown na buhok, simple, walang ayos pero maganda.

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon