Epilogue - The Happy Ever After

703 34 4
                                    

Two months passed by and Steffanie was nothing but happy. Everything just fell into its proper place.

Totoo nga ang sabi nila, peace is the climate of freedom. When she finally reconciled of the past, she found peace.

She and Gareth were taking things one moment at a time. Pareho silang nagkasundo na dapat ay mag-enjoy muna sila sa companion ng bawat isa. Dati kasi, both of them were like a kindred soul, thirsty with passion in love.

They went out from time to time kasama si Kylie. Family bonding nila, but it's always short. Gareth still had his duty sa Asphodel. He was still its Viceroy.

Marami silang mga pinanlano ni Gareth. They planned their future ahead of them. Finally mabubuo na rin ang pamilya niya.

She glanced at her watch. Late na naman ang kameet-up nya ngayong araw.

She just sat there inside a café in Camelot. Kanina pang natapos ang meeting niya sa kanyang agency. She's still on hiatus as a model and she's actually planning to retire. But still, sabi nya, everything was still on the planning stages.

"Steff!!!"

Napalingon ang lahat ng tao sa kapapasok lamang sa café. Sofia really did knew how to make an entrance.

Agad itong umupo sa katapat na settee.

"Naubos ang ganda ko sa traffic, sorry ah."

Kumunot ang noo niya.

"Traffic??? Eh gamit mo na ang Imperial Car. You can beat the red light using that car, you know?"

Umiling-iling ito. "Gumamit lang ako ng sarili kong kotse. Tumakas lang ako sa palasyo."

"Sofia, it's just your first month again as the Crown Princess, tapos tumakas ka na naman?" natatawa na lamang siya rito.

"Ano namang gagawin ko dun? Eh super busy na yung ex-convict kong asawa. Namiss yatang maging Crown Prince."

Halos isang buwan na rin kasi ang nakakalipas nang pumutok ang isang eskandalo. Napawalang sala si Prinsipe Arthur sa mga imibinintang sa kanya noon.

Ang katotohanan pala ay sina Imperial Concubine Guinevere at Prince Lancelot ang may pakana ng lahat.

"How're you feeling right now?" seryosong tanong niya.

Bumuntong hininga ito. "Actually, gusto kong kumatay ng limang kangaroo ngayon at gawing tapa."

"Come on now, be serious Soffie."

"Ano pa ba ang gagawin ko Steff? Five years were taken away from us. Limang taon mahigit na walang tatay itong uhugin pero guwapo kong anak. Can they return those lost moments? Hindi naman 'di ba?"

"That's the perks of being in the Royal Family."

"Ang mahalaga, pinagbabayaran na nila ngayon ang kasalanan ng mga ito."

Both of them were stripped off of their titles and were sent to Tartarus.

"Magdusa sila sa bartolina dun. Magsama sila ni BBF Natalya!" sigaw nito. Again, not minding about what other people might think.

Then there was this issue with Natalya. Nagulat na lang siya sa mga naganap. Gareth brought her the justice she was yearning for years ago. Nasa Tartarus na rin ito't nakakulong.

"Cheers for a new life." She said as she lifted her cup.

"Cheers for this and welcome to the family, Steff. I mean, your highness..." Sofia replied.

Nagulat siya sa sinabi nito.

"Tigilan mo nga ako, Steff. Pa-virgin ka pa? It's all over the news. Alam na ng lahat ang happy ever after mo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tears Of CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon