Chapter Sixty

23.5K 362 30
                                    

 

Chapter Sixty

“Sir bawal po kayong pumasok.”

“Bitawan mo ako! I need to talk to Leah!” Kailangan kong makausap ang previous doctor ni Lorraine. Hindi sana ako magkaka-ganito kung hindi ko nalaman na si Leah ang doctor niya, pinsan ni Hanna.

“Pero sir hindi po kayo pwedeng pumasok dahil may pasyente pa po si doc.”

“Wala akong pakielam!”

Dire-diretcho akong pumasok sa office ni Leah kahit na ayaw akong papasukin nung secretary niya. Wala akong pakielam kahit tumawag pa sila ng security. Kailangan kong malaman kung bakit siya yung naging doctor ng asawa ko at kung may kinalaman ba si Hanna dito. Kapag napatunayan ko yun hindi ko sila mapapatawad.

Pagpasok ko nagulat siya at ganun din yung kausap nyang pasyenteng kausap niya.

“Mag-usap tayo.” Bungad ko sakanya pagbukas na pagbukas ko ng pintuan.

                                       

“Can’t you see may kau-”

“I SAID WE NEED TO TALK!!” Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinigawan ko na siya. Wala na ako sa sarili ko ngayon dahil sa galit. Nakita ko naman yung takot sa mukha niya kaya sinenyasan niya yung sekretarya niya na paalisin muna yung kausap niya.

“And what do you think you’re doing Kyle? Alam mo bang pwede kitang i-report sa mga pulis dahil sa ginagawa mo. Your ma--”

“You shut up!” Singhal ko sakanya at hindi ko na siya pinatapos pang magsalita. Lumapit ako sakanya at hinawakan ko siya ng mahigpit sa braso.

“Aray ko Kyle nasasaktan ako! Bitawan mo ako!”

“Talagang masasaktan ka sakin kapag hindi mo pinauwi dito ang magaling mong pinsan. Sabihin mo, aksidente lang ba na ikaw yung naging doctor ng asawa ko?”

“Ano bang sinasabi  mo? Hindi kita maintindihan.”

“Matagal niyo nang plano ni Hanna to diba? Hinayaan mo na ikaw ang irekomendang doctor sakanya nang sa ganun maloko niyo siya sa kundisyon niya. Hindi mo sinabi sakanya na malala na yung sakit niya para hindi siya magpagamot diba!!”

“Bitawan mo ako nasasaktana ako!! Walang patutunguhan tong pag-uusap nating to dahil wala akong alam sa mga sinasabi mo Kyle.”

“Huwag ka ng magsinungaling dahil nakausap ko na yung doctor ng asawa ko at sinabi niya yung kundisyon niya. Alam mo na malala na siya pero hindi mo siya pinayuhang magpa-opera!” Mas humigpit pa yung paghawak ko sakanya. “Bakit? Akala niyo ba ng pinsan mo kapag namatay ang asawa ko babalikan ko na siya?”

“What are you talking about? Ouch! Let me go!”

Status: Single But Married [Unedited♥]Where stories live. Discover now