Chapter FiftyEight

21.1K 303 15
                                    

A/N: I dedicate this chapter to sharlineapa kasi hindi niya tinigilang basahin ang st0ry na t0 and wala siyang sawang nag vo-v0te at nagco-c0mment dito. Maraming salamat sana suportahan mo t0 hanggang sa huli ^______^ God bless y0u :)

 

Chapter FiftyEight

 

 

Kyle’s POV

 

“Mabuti naman at nakapunta ka.”

Nahinto ako sa pag-inom ko ng alak ng may babaeng nagsalita sa harapan ko. Ngumiti ako sakanya ngunit hindi yun umabot sa mga mata ko. “Hindi ako pwedeng mawala sa engagement party ng best friend ko.” Tama, nasa engagement party ako ngayon. Engagement party nila Aimee at Travis.

“Dapat lang. Dahil kung hindi magtatampo talaga sayo ng bonggang bonga ang kaibigan mo.” Sagot nya sakin at umirap pa.

Wow ha, sa pagkaka-alam ko hindi pa kami ganun ka close para irapan nya ako. Ganitong babae pala ang mga gusto ni Travis? Kakaibang personality rin ang meron sya, fc masyado. Kaya siguro nagkasundo sila ng asawa ko. Speaking of my ‘Asawa’ It’s been three weeks simula noong huli kaming magkita at hanggang ngayon wala parin akong balita sakanya.

I hired a private investigator pero nalaman ko na lang na kaya pala dalawang lingo na ang nakakalipas at wala parin itong balita ay dahil binayaran sya ni mamita na itigil ang paghanap sa asawa ko. Napamura nalang ako ng mahina ng maalala ko na naman yung pangyayaring yun.

“Are you okay?”

Tumingin ako sa babae sa harap ko at hindi pa pala umaalis siya umaalis. I sigh. “Aimee.”  Humarap sya sakin at tinaasan nya ako ng dalawang kilay na parang bang nagtatanong. “Darating ba sya?” Tanong ko sakanya.

“I invited her, but I don’t think she could come.”

“Why not? I thought she was your friend.” Inis na tanong ko sakanya. Dahil ba alam nya na pupunta ako dito kaya hindi sya pupunta?

“She has her reasons and I respect her decision.”

“Reasons? What reasons?” kaswal na tanong ko at nilagok ang kalahating alak na natitira sa baso ko. Kahit ano pang dahilan ang meron sya dapat hindi sya umalis ng ganun ganun na lang lalo pa’t buntis sya.
Tinignan ko si Aimee dahil hindi ito sumagot. “Do you know that she’s pregnant?” Tanong ko uli sakanya.

Tumingin ito ng diretso sakin na para bang binabasa ako at marahang tumango. “Yeah, I know.” Sagot nya.

Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng ginawa yun. Aaminin ko medyo nainis ako sa sagot nya dahil alam na pala nya na buntis si Lorraine pero hindi man lang nya pinigilan ang asawa ko nang umalis ito. Baka pa nga kinunsinti pa nya ito na mag layas ng bahay.

Kinuha ko ang baso ko at nilagyan ko ng yelo yun, pagkatapos ay nagsalin uli ako ng brandy.

“Do you know where she is?” Tanong ko sakanya habang iniinom ang bagong salin na brandy sa baso ko. Alam ko na hindi sya umuwi sakanila dahil narinig ko yung sinabi nya sa tatay nya na hindi na muna sya makakauwi doon.

Status: Single But Married [Unedited♥]Where stories live. Discover now