Chapter Two

60.5K 694 10
                                    

Chapter Two








Pagmulat ng mga mata ko nagising na lang ako sa isang kwarto.. Teka nasaan ako? bakit ang dilim? Anong nangyari? Waaaaaaaah!! Natatakot ako sa madilim!! Tatayo na sana ako pero biglang sumakit yung ulo ko.









"Ouch.."










Pilit kong inalala yung nangyari. Teka! Nahimatay ba ako kanina? Oo tama nahimatay nga ako. Pero sino yung tumulong sakin? Yung naka bangga ko ba?







Hindi..






Bakit naman nya ko tutulungan diba? siguro yung mga nagtatrabaho sa airport.. Hindi rin eh kasi nasa labas lang ako... "Pero sino?!" Biglang bumukas yung ilaw at may narinig akong yapak ng sapatos. Shemay teka lang magpapanggap muna akong tulog.
Mabilis akong humiga at nag balot para hindi niya mahalata.









"Oh gising ka na pala? Kumusta yung pakirandam mo?"










Nanlaki bigla yung mata ko at dahan dahan kong ibinaba ang kumot mula sa naka takip kong ulo. Kinusot kusot ko ang mga mata para lang maka sigurado ako sa nakita ko. Sumilip akong muli at nang makita ko siya ay napa bulong ako ng "Oh my gulay, dinuguan!" Sino tong gwapong nilalang sa harapan ko? Ang gwapo lang ah, parang model sa sobrang tangkad.. Napaka gwapo nya sa suot nyang black tuxedo, aattend ba siya ng party??

Woah grabe!! Siya ang patunay sa salitang PERFECT.

Hoy Lorraine!! wag kang magpapaloko sa mga magagandang mukha nasa syudad ka at maraming manloloko dito. REMEMBER?!
"S.. Sino ka?! A.. an.. anong ginagawa mo dito?!" Bungad ko sakanya nang magtangka siyang lumapit sakin.









"Wait, ano bang--"










"Wag!! na wag kang lalapit!! Sisigaw ako ng rape!" Nag uumpisa na akong mag hysterical dito. Jusme baka mamaya i-rape ako ng lalakeng to. Sirain niya yung maganda kong puri. Oh Lord please, hindi ko pa po na e-experience ang magka boyfriend. Iparanas niyo muna po sakin bago ako pagsamantalahan ng damuhong ito.










"I'm not a bad guy, so please calm down."











"Aha! Ganyan na ganyan ang sinasabi ng mga rapist! Wag mo kong dinadaan sa pa english english mo ha. Kung hindi ka masamang tao bakit ako nandito? Bakit mo ko kinidnap? BAKIT MO AKO KINIDNAAAAP?!"








"Hin--"











Hindi pa niya natatapos yung sasabihin nya nang bigla akong magsalita. "Parang awa mo na mahirap lang yung pamilya namin, yung tatay ko may sakit, may mga kapatid ako na umaasa sakin, mga pamangkin na naghihintay at higit sa hindi pa ako nagkaka boyfriend!! Kaya please.. Wala silang pang tubos sakin. Pakawalan mo na koooooooo!"
Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sakanya. Eh halos lumuhod na ako sa harapan niya tapos isang nakakalokong ngiti lang yung ibibigay niya sakin? ano to kuya lokohan?? "Anong nginingiti-ngiti mo jan? Papapakawalan mo na ba ako?" Tanong ko sakanya tapos ngumiti lang siya at umiling. "Teka.. Huwag mong sabihing.." Oh my!! Tinakpan ko ng kumot yung katawan ko at niyakap ko yung sarili ko na parang nilalamig.











"You mean hanggang ngayon you're still single?"










"Huh??" Teka! nasabi ko ba sakanya yun?? Parang gusto kong sampalin yung sarili ko ah. Yung mga ganung mga bagay Lorraine hindi inaamin sa mga lalake. "Naku nagkamali ka lang ng dinig. Three timer ako noh. May naging boyfriend akong seaman, piloto at chaka doctor at lahat sila napag sabay sabay ko. Meron pa ngang--" Natigilan ako sa sinasabi ko dahil mukhang hindi naman siya naniniwala sakin. "Okay panalo ka na. Tama ka nga ng narinig wala pa akong naging boyfriend." Inis kong sagot sakanya. "Pero hindi ibig sabihin non pwede mo na akong gawan ng masa--"









Status: Single But Married [Unedited♥]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon