Chapter Fiftyfive-55.2 (The revised one)

19.3K 268 12
                                    

A/N: Guyz this is the revised chapter 55.2. Hindi ko alam na na-post ko pala yung ginawa ko last time, super gulo kasi ng connection at ayaw ma publish kaya inedit ko uli. Please read it again there are lot's of changes at this chapter. ^_______^ SARREH!

Lorraine's POV

Nandito ako sa harap ng table ko ngayon sa loob ng office at nagmumuni-muni, iniisip ko talaga kung bakit nakalimutan ni Kyle yung birthday ko. Sa lahat ng tao sya pa yung nakalimot, hmp! naktampo sya.

*Tok tok*

"Pasok."

Umayos ako ng upo at kunwari may ginagawa. Pagbukas ng pinto pumasok yung secretary ko na may dalang bulaklak. WOW ha bumawi pa talaga si Kyle sakin.

"Good morning mam may nagpapabigay po."

Tumayo ako at kinuha ko yun. "Salamat." Pagkatapos nyang i-abot sakin yun lumabas na sya. Bumalik na ko sa upuan ko at inamoy yung bulaklak, sobrang bango nun. Tinignan ko yung kabuuan ng bulaklak para tignan kung may sulat, pero wala akong nakita.

*Phone ringing*

Nakita kong lumitaw yung pangalan ni Kyle sa screen kaya sumaya lalo ako. Kinuha ko na yun at sinagot yung tawag nya.

[Hi hon, busy ka?]

"Uhm.. Oo busy ako eh." Pagsisinungaling ko. "Bakit?" Tanong ko.

[Uuuy nagtatampo sya sakin. Sorry na honey, naging busy lang kasi talaga ako sa work kaya nakalimutan ko yung birthday mo. Di bale sabay tayong mag lunch babawi na lang ako sayo. Okay ba yun?] 

"Uhm.. Check ko muna yung schedule ko." Nagbilang ako sa isip ng 1-10 bago ako sumagot sakanya. Haha ang totoo nyan hindi naman ako busy gusto ko lang syang asarin. "Sige pwede ako."

[Okay, kita na lang tayo dun sa favorite mong restauant honey ha.]

"Sige."

[I love you, hon.]

Hindi ko maiwasang ngumiti dahil sa sinabi nya sakin. "Love you too." Narinig ko syang ngumiti bago nya patayin yung tawag. Sumandal ako sa upuan ko sa sobrang saya, babawi naman pala sya. Sa totoo lang hindi naman mahalaga sakin yung regalo oh ano pa man basta ang mahalaga kasama ko sya sa birthday ko.

Speaking of regalo.. Ay nakalimutan ko palang magpa thank you sakanya. Kinuha ko yung selepono ko at dinial ko yung number nya. "Cannot be reached? Ang bilis naman nyang magpatay ng selepono.."Baka nasa meeting. Di bale magkikita naman kami, mamaya na lang ako magpapa thank you sakanya. Sa ngayon, kailangan ko munang magtrabaho.

Hindi pa man ako nagtatagal sa ginagawa ko ng bigla na namang mag ring ang selepono ko. Unregistered number. Sino kaya to? “Hello?”

[Oh hi Lorraine!]

Yung boses na yun!! “Bakit ka tumawag?” May pag-aalinlangang tanong ko.

Status: Single But Married [Unedited♥]Where stories live. Discover now