Chapter Eleven

33K 426 3
                                    



Chapter Eleven



Nagising ako dahil sa ingay. "Ano ba yan ang aga aga pa. Ano bang ingay yun?"
Bigla kong naalala nandito pala kami sa bahay ni Kyle. Nagmadali akong bumaba kasi parang si Kyle yung naririnig kong nagsusuka. Pagdungaw ko hindi nga ako nagka mali, si Kyle nga.


"Kyle!" Nagmadali akong bumaba at lumapit sakanya. "Okay ka lang? Halika samahan kita papuntang C.R."


"Ako na lang, kaya ko na."



Tumayo sya at nagpunta ng C.R. Luh! kung kaya nya na bakit dito pa sya nagsuka-suka?? Ang weird. "Sandali lang kukuha lang ako ng tubig."

Pumunta ako sa kusina at kumuha ako ng tubig, buti na lang at may supply sya dito. Tinignan ko yung ref nya baka sakaling meron ding syang pagkain dito, at hindi nga ako nagkamali meron nga. Akala ko bang pagkatapos ng kasal palang sya titira dito? eh bakit may mga supply na ng pagkain?

Di bale na nga. Pumunta na ko sa C.R pero syempre kumatok muna ako. Nung sabi nyang pasok edi pumasok na ako. "Oh uminom ka muna."


"Salamat."



"Okay ka lang ba talaga?"



"Oo."



"Sigh.. Huwag mo kasing sisirain ang buhay mo sa taong hindi naman deserving para sayo." Bulong ko at kumuha ako ng tissue para iabot sakanya.
"Hindi ka sanay uminom no?" Sabi ko habang inaabot ko yung tissue na kinuha ko. "Alam mo, kung may gusto kang makalimutan hindi naman alak ang solusyon jan. Kailangan harapin mo nalang yung mga problema mo kasi ang alak tutulungan ka lang makalimot nyan ng isang araw. Kaysa uminom ka, bakit hindi mo nalang ayusin yung buhay mo diba? sayang naman yung isang araw ng buhay mo kung sasayangin mo lang sa pag inom."


"Sinesermonan mo ba ko o pinagsasabihan?"


"Pinapayuhan kita."


"Salamat sa payo mo. Pero nasasabi mo lang yan dahil hindi mo naranasan yung nararanasan ko ngayon."


"Siguro nga, pero naiintindihan naman kita. Kung mahal mo sya ipaglaban mo, sabihin mo yung nararandaman mo sakany."


"Paano ko nga gagawin yun kung may mahal na syang iba? kung.. may asawa na sya.. Madaling sabihin sayo yan kasi wala ka sa posisyon ko."


"Edi sabihin mo parin. Yun yung makaka gaan ng loob mo eh.. Mabuti man o masama yung kalalabasan atleast diba nasabi mo yung gusto mong sabihin, para naman gumaan yung pakirandam mo☺️.  Pagkatapos nun kung wala na talaga kailangan mong mag move-on at kalimutan lahat ng bagay na nagpapa alala tungkol sakanya."

Hindi ko alam kung nakakatulong ba ako sakanya o ano pero isa lang yung alam ko.. Inaantok pa ako. Tumayo na ako, babalik na ko sa kwarto inaantok na kasi ako eh..
"Kung hindi mo makalimutan ang isang bagay, alalahanin mo na lang. Wala ka rin namang choice eh. Sige matutulog na--"


Hinila nya ako at niyakap...

"Lorraine..."


"K..ky..kyle?" Nagulat ako sa ginawa nya at hindi ako naka kilos.


"Just a second.."


Mukhang may hang-over pa si kuya ah. Iniisip nya na naman ba na ako si Hannah? Pero diba tinawag nya yung pangalan ko?


"Tulungan mo kong makalimutan si Hannah.. Sinabi ko na sakanya yung nararandaman ko pero walang nangyari."


Ano bang sinasabi nitong tulungan ko sya? tinutukoy nya ba yung kontrata? Magsasalita pa lang sana ako pero pero parang walang lumalabas sa bibig ko. Sobrang na shock lang siguro ako sa pagyakap nya sakin. Para nang lalabas sa dibdib ko yung puso ko ngayon sa ginawa nya.


Status: Single But Married [Unedited♥]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon