Chapter ThirtyTwo

22.2K 291 6
                                    

Chapter ThirtyTwo

Kyle's POV

Nasa supermarket ako ngayon para mamili ng mga prutas. Bakit? Ewan ko din, hindi ko alam kung bakit ko to ginagawa, basta dinala na lang ako ng paa ko dito. Namili na rin ako ng mga gulay at ibang pwedeng lutuin, matakaw kasi yung babaeng yun. I wonder kung saan nya nilalagay lahat ng kinakain nya? ang payat kasi nya.

Pagkatapos kong mamili, umuwi na rin ako agad.

"Huh? ba't ang aga mo ata Kyle?"

"Akala ko bang masama yug pakirandam mo?"

"Kanina yun. Okay na ko ngayon"

Nilagay ko sa mesa yung mga pinamili ko.

"Wow, nag grocery ka?"

"Hindi man. Obvious ba?"

"Sungit. Sige na mag bihis ka na, pagbaba mo tapos na tong niluluto ko"

Lorraine's POV

Ba't ang dami nyang pinamiling mga prutas at gulay? 

"Para sakin ba tong lahat??"

Hindi naman kasi sya kumakain ng gulay tapos madalang lang syang kumain ng prutas. Hay ewan.

Inayos ko na yung hapag kainan at tatawagin ko na sana sya pero bglang nag ring yung brand new selepono ko.

Waaah kapatid ko!! Yes!

"Hello Ina! Kumusta kayo?"

[Hello at, kumusta ka na jan? Salamat sa mga pinadala mo samin ha, ang ganda ganda, gustng gusto ko talaga. Salamat ateeee!!]

"Walang anuman ina, sina tatay anjan ba? Paka-usap naman oh."

[Eto si Nanay ate.] Hinintay ko lang na i-abot nya kay nanay. [Anak, ang dami mong pinadala dito wala man lang bang pera? ang mamahal siguro ng mga to, sa dinami dami ng mga utang natin nagawa mo pa kaming bilhan ng mga ganito]

"Pasensya na po kayo nay, hindi ko nama--"

[Oh kausapin mo yung tatay mo] Hindi nya man lang ako hinintay makapag paliwanag, hindi ko naman pera yung pinambili ko ng mga yun.

[Lorraine anak Salamat sa pinadala mong sapatos sakin, ang ganda ganda at kasyang kasya sakin.]

Ang saya ko nung narinig ko yung boses ng tatay ko, hindi ko tuloy mapigilang hindi umiyak dahil miss na miss ko na sila.

Status: Single But Married [Unedited♥]Where stories live. Discover now