Chapter TwentyFour

25.1K 311 5
                                    

Chapter Twenty Four

Kyle's POV

Pauwi na ko ngayon sa bahay galing trabaho. Bakit parang ang tahimik sa bahay tapos patay pa yung ilaw? hindi ba kami nakapag bayad ng kuryente? pero bagon lipat lang kami dito.

Pagpasok ko ng bahay nakita ko si Lorraine na nanonood ng T.V.

"Oh Kyle anjan ka na pala!" Sabay taas ng kamay nya. Teka!! parang pamilyar yung hawak nyang yu  ah.

"Bakit mo hawak yan?"

"Ah eto ba?"

"Akin na nga yan!! Hindi yan bandera para iwagayway mo"

Hawak nya kasi yung boxer shorts ko. Hindi ba sya nahihiya nakikielam sya ng gamit ng may gamit.

"Sus nahiya ka pa eh ako naman naglaba nyan."

"ANO?"

"Tama! nilabhan ko kaya yan pati na rin yung iba mong damit"

"Bakit?"

"Anong bakit?? Kung ikaw ba lalabhan mo yan?"

"Hindi."

"Ayun naman pala eh. Dali na mag bihis ka na kakain na tayo"

"Huwag mo na uli't gagawin to ha"

"Ang alin? ipagtupi ka ng damit o ipaglaba?"

"Pareho"

"Sungit mo naman, sana nagpa thank you ka na lang no"

"Bakit patay yung ilaw?"

"Nagtitipid?"

"Hindi mo kailangang gawin yun may pambayad naman ako ng kuryente. Ano namang nangyari sa mga daliri mo??"

"Ah eto ba?? wala lang to, may good news nga pala ako."

"And you want me to ask you?"

Tumango lang sya.

Ano na naman kayang iniisip nya? Naka smile pa sya. Sa tingin ba nya na iimpress ako sakanya? Malabo yun.

"Dali na tanong mo na."

"Kahit hindi ko itanong sasabihin mo rin. Magsalita ka na"

"Meron na kong trabaho!!"

Yun na yun? anong good news dun?

Status: Single But Married [Unedited♥]Where stories live. Discover now