Chapter 26-It's Over

8.9K 200 2
                                    

Nang gabing yun ay hindi ako makatulog. Gumugulo sa isipan ko ang mga nangyayari-ang mga ginagawa ni Alex sa akin. Dapat ba akong maging masaya dahil pinaramdam niya sa akin na mahalaga ako sa kanya?Dapat ba akong maniwala sa mga ipinapakita at sinasabi niya sa akin o isa lang yun sa mga paraan niya para pagselosin at makuha ang Jessicang yun?I sighed. Simula nang dumating si Alex sa buhay ko ay naging magulo na ang lahat sa akin. Nawala sa akin ang opportunity na maging isang photographer, inangkin niya ang pagkababae ko na si Jessica ang naiisip niya, magkakaroon pa kami ng anak at mas lalong naging magulo ang lahat dahil minahal ko siya kahit iba ang mahal niya.
Nandito ako ngayon sa dalampasigan at nag-iisip-- naghahanap ng mga sagot sa tanong ng isipan ko. Iniwanan ko kanina si Alex sa suite namin na himbing na himbing sa pagtulog. Umalis ako sa tabi niya dahil gusto kong mapag-isa. Biglang nag-ring ang phone ko at agad ko itong sinagot nang malaman ko ang caller-si Marie.
"Hello Marie.." sagot ko dito. Masaya ako dahil napatawag ito sa akin. Namissed ko ito ng sobra kasi ito lang ang pinakamalapit na pamilya sa akin.
"Ate ganda!.kumusta ka na diyan?hindi ka ba inaaway ni Alex mayabang?" agad na tanong nito. I rolled my eyes. Kung anu-ano na lang ang mga pinagsasabi nito. Napatawa na lang ako.
"Masyado ka namang exaggerated Marie..inaalagaan naman ako ni Alex dahil nga bumabawi siya sa akin and you know what?I'm happy aufully happy Marie kasi sa bawat sandali na magkasama kami rito sa Isla ay naramdaman ko na mahalaga ako para sa kanya..ang dami niyang ginagawa para mapasaya ako and it's so great!Masarap sa pakiramdam at nagkaroon ako ng pag-asa na mahalin rin niya ako." masayang balita ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga nito.
"Wag kang masyadong umasa Ate..Basta magtira ka ng pagmamahal para sa sarili mo nang sa ganun kapag iniwan ka niya ay hindi ka masyadong masasaktan.." mahinang wika nito. Nawala bigla ang mga ngiti ko sa sinabi nito. Mag-aaway na naman ba kami dahil dun?
"Marie, hanggang ngayon ba ay galit ka pa rin kay Alex?mahal ko siya Marie at nakikita mo naman kung gaano ako naging masaya sa tabi niya diba?" wika ko.
"Gaano ka kakampante na masaya din siya sa piling mo Ate?--that you have the same feelings para mapanatag ang loob ko para ipaubaya ka sa lalaking yun?" wika nito. She's right!I don't even know kung ano ang lugar ko sa buhay ni Alex. I sighed.
"H-hindi ko alam..but I can feel it when he kissed and the he looks at me..may puwang ako sa buhay niya.." wika ko. Ayokong isipin pero hindi naman malabo ang sinasabi ni Marie.
"Meron ka ngang puwang sa buhay niya dahil ina ka ng magiging anak niya! eh sa puso niya Ate?may puwang ka ba?" wika nito.
"Marie Tama na!!.you kept on discouraging me!..hindi mo ba alam na sa tuwing nagsasabi ka ng masama tungkol kay Alex ay nasasaktan ako?diba dapat tumawag ka para kumustahin ako kung nag-eenjoy ba ako at hindi iyong sinasaktan mo ako sa pamamagitan ni Alex?!" may pagtatampong wika ko.
"Ate ayaw lang kitang masaktan.." wika nito.
"Well, I'm old enough Marie at hindi ko kailangan ang opinyon mo!bye.." putol ko sa linya at saka napahilamos ako ng mukha. Natatakot ako na marinig ang totoo. Kahit hindi kami tunay na magkapatid ni Marie ay kahit kailan ay hindi kami nag-aaway at nagkasamaan ng loob. Kung mag-aaway man o magkasamaan kami ng loob ay hindi namin pinapalampas ang isang araw na hindi kami magkabati dahil ayaw na ayaw ng mga magulang namin na nag-aaway kami dahil nga kaming dalawa na lang raw ang magtutulungan at magmamahalan sa panahon na wala na sila. I sighed. Bukas kakausapin ko si Marie at hihingi ako ng sorry sa kanya. Naiintindihan ko naman kung bakit siya nagkakaganun kay Alex. Alam kung may nakikita siyang hindi niya nagustuhan na ginagawa ni Alex. I love Marie so much at hindi ko hahayaang magkasamaan kami ng loob. Ilang oras din ako sa dalampasigan at nang naramdaman kong inaantok na ako ay nagpasya na akong bumalik sa suite namin ni Alex. Habang nasa lobby na ako ay napakunot-noo ako nang makita ko si Jessica na papaliko sa madilim na bahagi ng hotel.
"What is she doing here?" naisambit ko. Wala sa loob na sinundan ko siya at sinisigurado kong hindi niya ako nakita. I don't care if I'm being a masochist because of what I am doing right now. Kinakabahan kasi ako. Parang may mali kung bakit nandito si Jessica. Pagdating sa madilim na bahaging yun ay agad itong nagpalinga-linga na para bang may hinahanap kaya napakunot-noo ako. Maraming tanong ang pumapasok sa isip ko kung ano ang ginagawa niya dito. Maya-maya pa ay nakita kong may tinitext ito. Nagtataka ako kung sino ang katagpo niya dito sa dis-oras ng gabi?Meron pa ba siyang kabit bukod kay Alex?Napapailing na lang ako. Pero ang ipinagtaka ko ay kung bakit siya nandito sa Isla na kung tutuusin ay medyo malayo-layo na ito sa metro?at talagaang ngayon pa na nandito kami ni Alex?kinakabahan ako sa naisip. Ilang sandali pa ay may nakita akong bulto ng lalaki na lumapit dito. Hindi ko maaninag ang mukha dahil madilim sa bahaging yun pero sure ako na lalaki iyon dahil sa features ng katawan nito sa shadow na nagmumula sa ilaw sa labas. Lumapit ako sa mga ito ng hindi mapapansin para marinig ko ang pinag-uusapan nila.
"Now explain me Jessica why did you leave me five years ago..makikinig ako para hindi mo iisipin na madamot akong tao." rinig kong wika ng lalaki. Napatakip ako sa aking bibig at bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Kilala ko ang boses na iyon. Kahit nakapikit pa ako ay alam kung boses iyon ni Alex. I felt something pain in my chest. Narinig ko ang paghikbi ni Jessica. Mula rito sa aking kinatatayuan ay kitang-kita ko na hindi mapakali si Alex at ganun din si Jessica hanggang sa natamaan na sila ng konting ilaw kaya bawat reaksiyon at galaw nila ay makikita ko na.
"Una sa lahat I'm sorry Alex..I'm sorry for what I did five years ago at salamat because you're giving me this chance kahit na ang laki ng kasalanan ko sayo." Wika ni Jessica.
"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin Jessica because we're running out of time." malamig na wika ni Alex.
"Five years ago..the time that I leave you..I married Steven..may utang ang pamilya ko sa kanya at malaki ang utang na iyon and the only way to pay is to marry him but believe me Alex I was so hurt that time dahil mahal kita..sobra mahal kita pero hindi ko kayang sabihin sayo ang totoo because I know you will run after me at hindi matutuloy ang pagpapakasal ko kay Steven at tuluyang maghirap ang pamilya ko at hindi ko hahayaang mangyari yun.." wika ni Jessica. Napakuyom si Alex.
"You could've told me so that I can help you..alam mo namang wala akong sinusukuan pagdating sayo..sana nagtiwala ka sa akin at sa pagmamahalan na meron tayong dalawa..kung sinabi mo sa akin noon eh di sana gumawa ako ng paraan para mabayaran ang utang ng pamilya mo..bakit ang duwag mo?..wala ka bang tiwala sa akin?...hindi ko alam ang gagawin ko nung iniwan mo ako na walang dahilan..I'm so hurt that time..I'm so hurt that I wanted to die!...Napaka-selfish mo Jessica!..Alam mong sobra kitang mahal pero hindi ko akalain na bibitiw ka!..akala ko ba kaya nating harapin ang lahat basta magkasama tayo?bakit ang bilis mong nakalimutan ang lahat dahil nasilaw ka sa pera ng lalaking yun and that's so bullshit!!!" wika ni Alex and if I'm not mistaken, he was also crying. Parang nadurog ang puso ko sa narinig. He's so in love with Jessica at sa simula pa lang at kahit saan tingnan I'm out of the picture. Nakita ko ang pagluhod ni Jessica na umiiyak at maski ako ay naaawa sa kanya. Kung ako ang nasa sitwasyon nito noon malamang gagawin ko rin ang ginawa niya para hindi maghirap ang pamilya ko kahit na ang kapalit nun ay ang sarili kong kaligayahan.
"I'm so sorry Alex..Alam kong hindi sapat ang sorry lang sa laki ng kasalanan ko sayo..I really regret it every single day of my life...walang araw na hindi kita inisip..mahal kita..mahal na mahal kita at hindi kailan man nababawasan yun kahit na lumipas pa ang panahon Alex..you're my everything..and yes I'm married but I am not happy dahil gusto ko ikaw ang makasama every morning of my life...sobra akong nagsisisi Alex but I am torn between you and my family..I'm sorry.." wika ni Jessica na nanatiling nakaluhod. Napahilamos ng mukha si Alex.
"Matagal na panahon akong umaasa Jessica at dahil sa pag-iwan mo sa akin ay nagiging masama ang pagtingin ko sa mga babae that they were like you..manggagamit at manloloko..ni hindi na ako naniniwala sa commitment because of you..sa loob ng mahabang panahon ay umikot lang buong mundo ko sayo pero ano ang ginawa mo? masakit..sobrang sakit Jessica." wika ni Alex na punong-puno ng sakit at pait sa boses nito. Nanatiling nakaluhod si Jessica na umiiyak. Mahal talaga nila ang isa't-isa at ang pagmamahalang iyon ay sinubok ng pagkakataon. Mas napapatunayan ko ngayon na kahit na kailan ay hindi na ako maaring mahalin ni Alex. Dapat putulin at kalimutan ko na ang nararamdaman ko para sa kanya dahil alam kong wala talaga itong patutunguhan. Siguro mas tamang tanggapin ko na kahit pinaglayo sila ng pagkakataon ay babalik at babalik sila para sa isa't-isa.
"I know and it's my fault..I'm so sorry Alex..kung bigyan mo lang ako ng pagkakataon na bumawi sayo ay gagawin ko..Ilang beses kitang tinangkang puntahan pero palagi akong nauunahan ng takot..takot na baka patayin mo ako dahil sa galit mo sa akin at natatakot rin ako na masaktan ko si Steven dahil naging mabait siya sa akin sa loob ng mga panahong magkasama kami..pero Alex kaya na kitang ipaglaban at kung pipiliin mo ako ngayon, handa na akong sumama sayo kahit saan kasama ang magiging anak natin..please patawarin mo ako Alex.." wika ni Jessica. Maya-maya pa pinatayo ni Alex ang babae at saka pinahid ang mga luha nito and moments later they were kissing passionately at para sa akin ay isa lang ang ibig sabihin nun--pinipili na niya si Jessica. I guessed kailangan ko ng umalis. Wala na.. I've been so broken-hearted. Napabuntong hininga ako at wala akong magawa kundi ang umiyak sa sakit. Nagmamadali akong kumilos para umalis ngunit hindi sinasadyang nakalikha ako ng ingay dahilan para mapalingon sila sa akin.
"B-Bella?.." sambit ni Alex. Nanginginig ang buong katawan ko at ang mga luha ko ay patuloy lang sa pagdaloy.
"I-I'm s-sorry.." wika ko at mabilis na tumakbo palabas. Ayoko muna siyang maka-usap dahil masyadong pang masakit.
"Bella wait!!" rinig kong tawag niya sa akin but I didn't bother to look back dahil alam kong masasaktan lang ako sa sasabihin niya. Patuloy lang ako sa pagtakbo habang hawak ang sinapupunan ko ngunit naabutan niya ako at nahawakan sa kamay.
"Bella magpapaliwanag ako.." humihingal na wika nito. Bumitiw ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko at saka pinadapo ko iyon sa magkabilang pisngi niya. Kahit anong pigil ko sa mga luha ko ay ayaw umampat.
"Tama na!!..sobrang sakit na..ayoko na parang awa mo na pakawalan mo na ako Alex..hindi naman ako bubo para hindi ko maintindihan ang lahat!.kung magpapaliwanag ka na pinili mo na siya, pwede bang wag na lang?dahil sobrang sakit na dito sa puso ko..ayoko na..kung na-gi-guilty ka dahil sa ginawa mo sa akin ay wag mo ng isipin yun..suko na ako Alex dahil napapagod na ang puso ko sa sobrang pagmamahal ko sayo..hindi ko alam kung bakit minahal kita na kahit nung una pa lang ay alam ko namang isa lang laro ang lahat ng namagitan sa ating dalawa and now I'm going to quit Alex...It's over now.." lumuluhang wika ko. Siguro tama na rin ang naging desisyon ko para sa ikakatahimik ng lahat. Nakita ko ang pagtulo ng mga luha ni Alex at akma akong hahawakan ngunit tumakbo ako.
"B-Bella!!!" sigaw nito. Hindi na ako lumingon pa. Tumakbo lang ako na umiiyak habang hawak-hawak ang aking sinapupunan. Sobrang sakit..bakit ba palagi na lang akong ganito?bakit palagi na lang akong nasasaktan?bakit palagi na lang akong natatalo at umuuwing luhaan?una, si Adrianne, minahal ko siya ngunit mas pinili nitong sumama sa babaeng mahal niya at naiwan akong luhaan. Ikalawa, namatay ang mga magulang ko at naiwan kaming nasasaktan at pilit na tinatanggap ang lahat para ipagpatuloy ang buhay at dumating si Alex, at first ay naiinis lang ako sa kanya hanggang sa umabot sa punto na minahal ko siya at akala ko ay balang araw ay mamahalin rin niya ako ngunit mali pala ako dahil simula pa lang ay iba na ang mahal niya.
Huminto ako sa pagtakbo at saka pinahid ang aking mga luha ng maramdaman kong sumasakit ang aking tiyan. Hinimas-himas ko lang sa pag-aakalng mawawala lang ang sakit pero habang tumatagal lalong sumasakit at napapadaing na ako at pinagpapawisan ng husto. Maya-maya pa ay may naramdaman akong likido na dumaloy sa mga paa ko. Nanginginig kong tiningnan ang dumaloy at nanlaki ang mga mata ko at bigla akong nanlamig sa nakita.
"D-dugo?..oh my God..b-baby?..kumapit ka please..para kay Mommy.." bulong na sambit ko at napahawak ako sa pader dahil nanghihina na ako.
"T-tulong.." sambit ko nang may nakita akong isang lalaki na papalapit sa kinaroroonan ko.
"B-Bella?...is that you?..oh my God! what's happening to you?!" wika nito at saka inalo ako.
"H-help me..help me and my baby Sir Steven..p-please bring me to the hospital.." sambit ko and then everything went black..



You Stole My Heartحيث تعيش القصص. اكتشف الآن